Chapter 3: All of A Sudden

812 21 10
                                    

May ilang araw pa ang lumipas bago ko naireport sa mga pulis ang tungkol sa video. Binigyan ko pa sila ng kopya para matukoy kung sino at saan matatagpuan ang mga salarin. 

Ilang sandali pa ay nag-ring ang phone ko. Ang number na nagsend ng video ang tumawag kaya naman sinagot ko ito kaagad. 

"Hello.. Sino po sila? Sir paano ka po nagkameron ng video na ito?", tanong ko pa sa informant. 

"Sir.. Matagal na pong kalat ang video na ito.. Kaya ko po isinend ito sa inyo ay dahil nakita ko po kayo noon sa school na pinapasukan ko.." 

Dahil sa narinig ko sa kanya naisipan kong makipagkita sa kanya sa isang coffee shop malapit sa palengke.

Nauna na siya sa lugar na aming pinag-usapan. Napag-alaman kong estudyante rin mismo sa school na pinasukan niya noon ang mga salarin sa insidente. 

"Sir.. May dalawang buwan na rin po sigurong hindi napasok ang mga iyon.. Malamang po ay nagtatago dahil nga po wanted na sila ngayon..", banggit pa ng informant sa akin. 

"Isa pa po sir.. Kilala po sila kasi mga tarantado po talaga sila noon sa school eh..", dagdag pa niya. 

"Salamat naman at tinutulungan mo ako tungkol dito.. Pero matanong ko lang.. Bakit ganun mo na lang din ako tulungan?", tanong ko sa kanya. 

"Ang totoo po niyan Sir.. Malaki po ang galit ko sa kanila.. May isang beses nga po na yung pang-tuition ko kinuha nila para lang maipangbisyo.. At napakabastos din nila sa mga babae.. Kahit nga po mga teacher eh sumusuko na rin sa tatlong iyon..", paliwanag pa niya. 

"Hayaan mo.. Hindi masasayang ang pagsasabi mo sa akin tungkol dito.. Ano bang pwede kong maitulong sa iyo bilang kapalit?" 

"Ah, eh.. Sir.. Wag na ho.. Hindi naman po lumapit sa inyo para lang sa materyal na bagay eh.." 

"Ang bait mo naman.. Basta sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka para naman makabawi ako sa'yo.." 

"Basta po Sir.. Balitaan niyo na lang ako kung ano pong nangyari.. Mas safe po kasi ako sa school kung wala sila doon eh." 

"Walang problema.. Ang kailangan na lang ay ang mahuli sila at makulong.. So i-contact na lang kita pag may kailangan na lang ako sa'yo.." 

"Ok po Sir.. Tutuloy na rin po ako at may pasok pa rin po bukas.." Ilang minuto lang pagkaalis niya ako umuwi ng bahay.

Medyo madilim na nang nakauwi ako. Nakita ko pa si Cyrene na nagluluto ng hapunan. 

"Hmmmm.. Ang bango ng naaamoy ko ah? Mukhang masarap yan ah..", sabi ko pa habang nakatigil ako sa bungad ng kusina. 

"Ahjussi.. Kanina ka pa po?" 

"Hindi naman.. Kararating-rating ko lang.." 

"Ahjussi.. Alam mo po may napanaginipan ako kagabing napakaganda..", bida pa ni Cyrene.

"Ano naman yun?" 

"Nasa simbahan daw po ako.. Tapos naka-white.. Tapos..", pinigilan ko kaagad ang pagsasalita niya. 

"Hay nako! Bata ka pa para sa mga ganyang bagay.." 

"Ahjussi! Pero ang ganda ko kaya doon.. Hay! Siguro ang gwapo nung hubby ko doon.." 

"Ikaw na bata ka talaga.. Aral muna bago landi ha?" 

"Ahjussi! Para naman pong magpapakasal na kaagad ako.. Hay! Ang dami mo pong reklamo.. I hate you!", dinilaan niya lang ako at ipinagpatuloy kung ano ang ginagawa niya.. 

"Study later ha? May pasok bukas.. Ok?" 

"Yeh Ahjussi.."

 ❤ ❤❤ 

My Lovable Girl [Taglish] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon