PANGATLONG KABANATA:
ANG PAGTATADHANA
TAONG 2013
PAGKALIPAS ANG
SIYAM NA TAON
(LANDER)
“Janella, dito ka lang muna sa kotse habang bibili muna ako ng mga snacks mo habang naglilibang ka sa opisina ko. Sunud-sunod ang magiging miting namin ng kapartner ko sa negosyo, si Marcus,” pagpapaliwanag ko.
“Eh, kuya Lander, hanggang anong oras tayo makakauwi sa bahay natin. Gagabihin ba tayo ngayon?” tanong ni Janella sa akin.
“ Kailangan naming ipaliwanag sa board iyong gagawin naming istatika para bumenta ang mga instrumentang musika sa buong Pilipinas maging sa buong mundo,” sagot ko sa kanya.
Pumasok na muna ako sa loob ng isang convenience store sa Quezon City. Dito lang kasi sa Quezon City nakatayo yung negosyong pinuhunan namin ni Marcus. Malapit lang kasi rito yung negosyo namin kaya’t dito ako naglalagi bago pumunta roon.
Naging magkakilala kami dahil ang Daddy Kristoff niya kasi at ang Daddy Francisco ko ay napakamatalalik na magkaibigan simula noong sila’y nasa kolehiyo pa kaya’t madali kaming naging magkaibigan ni Marcus.
Pagkapasok ko ay binati ako ng sekyuriti gard ng, “Mr. San Diego, Good Morning and Welcome to Villegas Mini Store,” ganoon niya na ako tinatawag lagi ko ngang sinasabing Lander na lang ang itawag niya ngunit ang lagi niyang sinasabi sa akin,
“Para ho pormal dahil nakakahiya ung tawagin ko po kayong Lander baka mapagkamalan pa tayo ng mga tao rito na mag-ama,” tawa niya ngunit naiintindihan ko naman yung punto niya.
Habang bumibili ako ng mga snacks at inumin para kay Janella, natulala ako ng mapalingon ako sa kabilang refrigerator para kumuha ng lamang ng mga soda at softrdrinks nang maaalala kong bawal pala siya roon at mga juice lang ant tubig ang pwede niyang inumin.
Hindi kasi pwede si Janella sa mga softrdrinks dahil mabilis raw tumaas ang sugar blood count niya sabi ng doktor. Sumakit na lang kasi yung tiyan niya at nanghina siya noong simula siyang uminom ng softdrinks dahil sa bertday party niya.
Akala nga namin nagbibiro siya kasi simula pagkabata niya ay pangarap na niyang mag-artista. Lagi-lagi niyang ginagaya ang mga linya ng mga beteranon artistang sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Dina Bonnevie at Claudine Barretto.
Habang nasa Amerika kasi kami mayroong TFC kaya’t nakakapanood kami ng mga Pinoy Teleserye sa ABS-CBN. Eh ngayon, nagpupuyat na siyang manood sa bahay at kinikilig kapag napapanood si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa bago nilang teleseryeng Got To Believe pagkatapos ng Honesto.
Noong mga kapanahunan namin, wala pang mga ganyang teleserye puro drama tulad nong Bituing Walang NIngning at marami pang iba.
Napalingon ako sa aking gilid ng biglang pumagaspas ang buhok ng babae, napakaganda niya, nakasuot siya ng pulang damit at mayroong heels yung sapatos niya. Nang nakita ko ang kanyang itsura, napatulala ako sa kanyang kagandahan.
Hindi ako mapakali at dali-daling pasimpleng habang sinusundan ang mga paglakad niya. Hindi naman ako masyadong nagpapahalata baka kasi sabihan niya akong may pagnanasa sa kanya.
Nang pinagmasdang kong maigi ang kanyang napakagandang mukha, biglang pumasok sa aking isipan na parang nakita ko na siya at matagal ng magkakilala. Hindi ko lang maaalala kung saan o kung kailan dahil parang napakapamilyar ng mukhang iyon sa akin.