PANG-APAT NA KABANATA:
ANG NAPAKONG PANGAKO
(CHRYCHEL)
Sana tama ang desisyong sinagot ko siya kagabi. Nag-aalangan ako pero dapat hindi ko siya lolokohin kahit na nandyan na si Lander ang una kong naging crush noong mga bata pa lamang kami.
Kung mayroon sanang inimbento ang mga sayantis ng time machine para sana maibalik pa ang kahapon. Ang dapat kong isipin ngayon ay dapat bumalik ang dating Pagkakaibigan namin ni Lander dahil sa matagal na kaming hindi nagkikita.
“Lander, maraming salamat ulit kanina. Sana magkita pa tayo muli,” sabi ni Chrychel sa akin habang palabas sila ng bunso niyang kapatid sa bilding.
“Text mo na lang ako kung sana mo balak makipagkita. Una na kami ni Janella at baka naiinip na sa bahay Sina Daddy Francisco at si Genevieve Alexisse pangalawa sa aming magkakapatid at bukas makikilala mo na siya,” sagot ni Lander sa akin.
“Kuhanin ko muna number mo sa cellphone,” sabi ko sa kanya.
Agad-agad naman niyang ibinigay ang number niya, “09182302654, saan mo ba gustong makipagkita?” tugon ni Lander.
“Maglunch kayo bukas sa bahay namin. Magpasama ka na lang kay Marcus bukas papunta sa amin. Sana makadalo ka at isama mo na rin si Janella, Magkasing-edad lang siguro sila ni Patrick yung bunso kong kapatid, pati na rin si Alexisse kung wala siyang ginagawa,” sabi ko naman kay Lander.
Lumabas na kami at nauna na sila Lander at Janella habang si Marcus, napakatagal mayroon kasi siyang nakalimutang kuhanin mula sa opisina niya.
Makalipas ang sampung minuto ay bumaba na si Marcus at ihahatid na niya ako pauwi ng bahay namin. Medyo may kalayuan ngunit okay lang dahil mayroon namang sariling kotse si Marcus para maihatid ako sa bahay namin.
Nakarating na kami sa bahay at nagpaalam. Binuksan ni Mommy Sandra at si Daddy yung geyt namin. Nagmano ako sa kanya pati na rin si Marcus ay nagmano rin sa aking ina.
Lumabas na rin si Daddy Leandros habang hawak-hawak ang dyaryong kanyang binabasa. Paborito niya kasing libangan ang pagbabasa ng mga dyaryo para malaman ang lahat ng mga mahahalangang pangyayari na nagaganap sa Pilipinas.
Mahigit isang taon na siyang nakauwi ng Pilipinas. Gusto niya na raw akong masubaybayang lumaki at magdalaga. Pagkatapos kasi noong paggradweyt ko ng hayskul ay napagdesisyunan na niyang hindi na bumalik sa Dubai.
Magkahalong reaksyon ang nadama ko noong nalaman ko iyon. Una, dahil daddy ko siya at sa napakatagal na panahon na hindi namin siya nakasama ni Mommy at Patrick, namimiss na namin siya. Ganyan nga niya talaga kami kamahal dahil lahat gagawin niya para maging da best dad sa buong mundo.
Ikalawa naman, hindi ko alam kung papaano siya pasasalamatan at tumbasan ang pagmamahal na ibinigay niya sa amin. Pero gagawin ko ang lahat para maging buo kami bilang isang masayang pamilya.
Nagmano ako kay Daddy at ganoon rin ang ginawa ni Marcus. Hinalikan niya ako sa pisngi at nagyakapan kami ng napakahigpit. Naramdaman ko sa aking kalooban na siya na nga ang magiging asawa ko panghabambuhay.
“Paalam sa’yo, Marcus. I love you,” sabi ko sa kanya.
“Paalam na rin sa’yo Chrychel at mahal na mahal kitang sobra,” tugon ni Marcus.