PANGSIYAM NA KABANATA:
ANG PAGBABAKASYON
(SANDRA)
Nag-aalala ako dahil baka may nangyari na sa kanila ni Lander. Mayroong kumatok sa aming bahay at nagulat ako nang makita ko na sina Lander at Chrychel na pala iyon. Agad-agad namang binuksan ni Patrick ang geyt at pumasok na sila.
Walang kaimik-imik sila hanggang sa umupo sila sa sofa sa aking gilid.
“Tita Sandra, patawarin niyo ho ako dahil mayroon pong nangyari sa amin ni Chrychel. Pananagutan ko ho siya dahil mahal ko po siya. Magpapakasal na po kami mamayang hapon sa huwes,” sabi ni Lander sa akin.
“Ano? Lander, bakit? Alam ko namang mahal mo ang anak ko, kaya’t botong-boto ako na mapangasawa ng anak ko,” sabi ko naman.
“Kagustuhan ko rin naman po ito ma, at saka siya ang lalaking sinabi ng matandang manghuhula sa akin na magkakatuluyan ko dahil mahal niya ako at napatunayan ko po iyon dahil dinamayan niya ako kagabi,” sabi naman ni Chrychel.
Tinawagan na ni Lander ang Mayor na magkakasal sa kanila sa huwes. Kaya naman akong pumayag na pakasalan niya ang anak ko dahil alam ko na iyon na lamang ang ibang paraan para makalimutan ni Chrychel si Marcus at tuluyan na itong mawala sa buhay niya at iyon na rin naman ang kagustuhan ng anak ko na mangyari.
Napangtanto na siguro ng anak ko na si Lander at lalaking magbibigay sa kanya ng walang hanggang pagmamahalan.
Sabi ng mayor na maya-mayang alas-dose raw bakante ang oras niya. Makalipas ang ilang oras, pumunta na kami sa opisina ni Mayor at doon na ipinagdiwang ang kanilang kasal.
Nandoon ang buong mag-anak nina Francisco ngunit hindi dumalo si Alexisse dahil sinabihan siya ni Lander na huwag ng pumunta at baka magkagulo pa sa opisina.
Nagkaroon muna ng kakaunting salu-salo para bang maliit na reception.
“Dad, ikaw muna ang mamahala ng negosyo namin ni Marcus habang wala po ako para magbakasyon,” sabi ni Lander kay Francisco.
“O sige naman anak, walang problema sa akin iyon. Alam ko namang magiging busy ka na niyan,” sabi pa ni Francisco.
“Paalam po, Mommy Sandra, at Daddy Francisco, ikaw naman Patrick, alagaan mo iyang si Janella,” sabi pa ni Lander.
Napagdesisyunan ni Lander na magbakasyon muna sila sa Tagaytay para hindi na sila maabutan pa ni Marcus.
Ito na lang ang natatanging paraan para hindi na muling gambalain ni Marcus ang kanilang pagsasamahan. Kaya’t tama lamang ang naging desisyon ni Lander, para sa ikabubuti ni Chrychel at ng nakararami.