Pangsampung Kabanata: Ang Napipintong Pagwawakas

39 0 0
                                    

PANGSAMPUNG KABANATA:

ANG NAPIPINTONG PAGWAWAKAS

(MARCUS)

“Nagmamatigas ka, ha. Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng katapangan mo,” sabi ko pa sa kanya.

“Mahuhuli ka rin ng mga pulis at mabubulok ka sa kulungan. Tandaan mo iyan. Walang krimen ang hindi pinagbabayaran,” babala niya sa akin.

“Sigurado ka, baka maunahan ko pa sila,” sabi ko.

Hinding-hindi ko na siya pakakawalan dahil akin lang siya. Habang nagmamaneho ako sa aking kotse, nakaramdam ako ng takot at kaba na makulong ako pero hindi pa rin ako dapat magpapatinag.

Nakarating na kami sa bahay at sa aktong pagkauwi namin. Dinala ko siya sa kuwarto kasama si Alexisse. Tinali ko ang mga paa nilang dalawa pati na rin ang mga kamay nila.

“Marcus, pakawalan mo na si Alexisse. Hindi ba’t ako lang ang kailangan mo. Parang awa mo na,” sabi ni Chrychel.

“Awa. Hindi ko ibibigay ang awa na hinihingi mo sa akin,” dagdag ko.

Sinaraduhan ko sila ng pintuan at pinadlock ko ito. Hinding-hindi niyo na ako matatakasan pa dahil ako na ang may hawak ng mga buhay ninyo. Sa aking ngayon nakasalalay, kung kailan pa kayo mabubuhay.

 (ALEXISSE)

“Chrychel, patawarin mo ako sa nangyari sa bar. Hindi ko nagawang pigilan ang damdamin ko dahil matagal na akong mayroong nararamdaman para kay Marcus. Sana maintindihan mo kung hindi ko sinabi dahil ayaw kong makasakit ng damdamin iba noon,” sabi ko sa kanya.

“Alexisse, ito lang ang tatandaan mo, hindi na ako nagagalit sa’yo dahil alam ko naman matagal na, na mayroon kang pagtingin kay Marcus,” sabi niya sa akin.

“Chrychel, kahit ikaw na ang makatakas, okay lang sa akin, basta ang mahalaga ay ligtas ka at ayaw kong makita muling umiiyak si Kuya Lander dahil sa mamamatay ka,” sabi ko.

“Ano’ng ibig mong sabihin? Hindi maaaring ako lang ang makakatakas dito. Kailangan tayong dalawa dahil mahalaga ka rin kay Lander dahil kapatid ka niya,” sabi ni Chrychel.

“Maraming Salamat pero hindi pa sa ngayon. Hindi pa ito ang tamang pagkakataon para sabay tayong tumakas dahil maaari tayong matunugan ni Marcus. Kaya kapag binigyan kita ng senyales,” sabi ko

“Paano tayo makakatakas dito, Alexisse?” tanong ni Chrychel.

“ Kumuha ako kanina ng matalim na kutsilyo at kukunin ko lang sa unan,” sa aktong pinupuntol ko ang tali ay biglang pumasok si Marcus at nahuli niya ang ginagawa ko.

“Marcus?” pagtataka ko.

“Nagbabalak pa kayong dalawa na tumakas, ha. Pwes ngayon ikaw. Alexisse diyan ka sa kuwarto habang dadalhin ko muna itong reyna ko sa bodega namin. Paalam,” sabi ni Marcus.

“Hayop ka talaga, Marcus. Hindi ka na natutong maawa sa amin. Ano’ng klaseng nilalang ka? Sana dumating na ang mga pulis at sinisigurado kong mahuhuli ka rin nila,” sabi ko sa kanya.

“Ah ganun, eh kung gusto mong ipasabog ko sa bunganga mo itong baril na hawak-hawak ko. TIngnan lang natin kung kakayanin mo pang dumakdak diyan,” sabi niya.

“Marcus, kung ako lang ang kailangan mo, mas mabuti pang pakawalan mo na si Alexisse dahil wala siyang kasalanan sa’yo. Ako ako na lang ang sasama sa’yo. Parang awa mo na, para wala ng madamay pang iba,” sabi ni Chrychel.

“Pasalamat ka Alexisse at mabait akong tao. Hayan na umalis ka na, Magsumbong ka na sa pulis at sabihin mo ang lahat-lahat para pagkarating ng mga pulis dito. Matagpuan mo na lang kaming nakahandusay sa sahig habang punung-puno ng dugo. Gusto mo ba iyon,” pabantan ni Marcus.

KUNG AKO NA LANG SANA: ANG SIMULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon