Epilogo:

53 1 0
                                    

EPILOGO:

(LANDER)

Pumunta kami ngayon ni Daddy Francisco kina Tita Sandra este Mommy Sandra na pala ngayon upang manligaw. Hindi nila ngayon alam na parehas kaming manliligaw. Si Daddy kay Mommy Sandra at ako naman kay Chrychel.

Si Janella at Patrick naman naglevel-up na raw ang kanilang relationship, sabi sa akin ni Janella, Mag M.U. na raw sila. Tinanong ko siya kung ano iyon, ang sabi niya, “Mutual Understanding kumbaga lagi-lagi na kaming magkasama pero hanggang holding hands at akbay lang kami para masabi ng iba na totoong nag-level up na ang aming friendship.”

Niyaya namin na silang magpakasal, ang gimik namin ni Daddy sabay kaming luluhod sa kanila na mayroong kasama bulaklak na paborito nila, White Rose kay Tita Sandra at Tulips kay Chrychel at mga tsokolate para tumamis pa lalo ang pagsagot nila ng salitang “OO” sa aming dalawa ni Daddy.

Tuwang-tuwa kami dahil sa wakas ay nagkaroon na rin ng happily ever after. Pero bago kami aabot sa kasalan, dumating ang mga pulis at imbestigador na nakita na raw ang bangkay ni Marcus, sa ilalim ng ikalawang tulay ngunit malayo kung saan siya nagpakamatay.

Napagdesisyunan rin namin ni Daddy na sabay na lang naming gawin ang magaganap na kasalan para naman magkaroon ng double wedding. Pero para mas exciting, mas minabuti na naming hindi ipaalam sa kanilang dalawa ang tungkol sa secret.

Para mas masaya, bukas na agad ng umaga maganap ang double wedding namin. Tinawagan namin sina Nathan, Marie at Pearly, siyempre pati na rin si Tito Kristoff para sa naisip naming magandang plano.

Pumayag naman sila at ngayon ay naghahanda na kami sa isusukat na damit sa kasalan. Pati ang simbahan na kung saan magaganap ang kasalan ay naisaayos na naming lahat.

Ang pa-catering service pagkanasa-reception na kami. Hay naku, hindi na ako makapaghintay na dumating na ang bukas.

Kinabukasan, pagwapings na kami ngayon masyado lang naeexcite. Paano ba naman kasi, ito na ang araw na pinakahihintay namin.

SInundo ni Nathan, Marie at Pearly sina Mommy Sandra at Chrychel sa kanyang bahay. Pinagsuot sila ng wedding gown at sinabing excuse nilang tatlo sa kanila ay aattend daw sila ng kasal ng kaibigan nila at imbitado raw sila.

Pagkarating nila sa simbahan, dahan-dahang bumukas at pinto at sabay kaming kinasal.

“Let I pronounce to all of you, that both of the couples in my front were now confirmed husband and wife. You can now kiss your bride,” sabi ng pari.

Hinalikan ko naman si Chrychel at ganoon rin ang ginawa ni Daddy Francisco kay Tita Sandra. Pumunta ngayon kami sa reception. Sabay-sabay kaming nagsalu-salo kahit hindi pa ganoong maintindihan ni Alexisse ang nangyayari buhat g kanyang sakit na Amnesia.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid na kaming muli ni Mang Ernesto papunta sa Tagaytay to spent our honeymoon after our church wedding.

Pero kami ni Chrychel, behave muna kasi nga buntis siya. Mahal na mahal namin ang isa’t-isa. Kinalimutan na namin ang masalimuot na abo ng nakalipas. Sana nga wala ng dumating pang Trahedya sa aming buhay.

Makalipas ng walong buwan,

                Habang natutulog kami sa bahay, nagulat na lamang ako nang biglang niyuyugyog ako ni Chrychel.

                “Lander, mukhang manganganak na ako. Sumabog na ang panubigan ko. Dalhin mo na ako sa hospital. Parang awa mo na,” sabi niya.

                “Manganganak ka na?” sabi ko pa.

                “Hindi, subukan mong umaarte lang ako para manominate akong Best Actress sa Gawad Urian Awards, malamang manganganak na ako. Bilisan mo,” sabi ni Chrychel.

                “Oo na,” binuhat ko na siya at agad-agad dinala sa kotse ko para ihatid siya papunta sa sasakyan para sa kanyang panganganak.

                Pinagmasdan ko siya sa kanyang panganganak hanggang sa isilang ang kambal kong mga anak. Isang babae at isang lalaki, Abot-langit ang ngiti ko nang sinabi iyon ng doktor. Nagtatatalon ako sa sobrang saya dahil magiging ama na ako.

                Para raw quits sabi niya, ako raw ang magbibigay ng pangalan sa lalaki at siya naman daw sa babae,

“Naisip kong ipangalan sa’yo “Stephen Andrew R. San Diego,”

                “Ako naman ang ipapangalan ko sa’yo ay “Sophia Angela R. San Diego,”

                Kinabukasan, naiuwi na namin ang aming kambal na anak sa bahay. Pinatulog muna ni Chrychel sila para makapagpahinga ng maayos at pagkatapos noon si Chrychel naman ang nagpahinga.

Lahat ng mga bagay-bagay ay mayroong kapalit. Hanggang ngayon, wala pa ring naaalala si Alexisse. Hindi ko nga alam kung hanggang saan at kung hanggang kailan pa siyang magiging ganyan.

Sa tuwing nakikita ko siya, naaawa ako sa kanya. Kung hindi niya lang sana nakilala si Marcus at hindi niya ito natutuhang mahalin sa tingin ko hindi siya magkakaganyan.

                Iyon siguro ang epekto ng pagmamahal kapag hindi natin napaghandaan.

                Biglang lumapit sa akin si Janella at sinabing nagwawala raw si Alexisse. Dali-dali naman akong pumunta sa baba at nakita kong nagbabasag siya ng mga gamit sa loob ng kanyang kuwarto. Naririnig ko ang mga iyak niya habang binabanggit ang pangalan ni Marcus.

                “Kuya Lander, si Ate Alexisse. Sabi niya nagpunta raw sa labas ng geyt si Marcus kaninang umaga, habang wala pa kayo, at nagkausap raw sila,” sabi ni Janella sa akin.

                “Mayroon ba silang pinag-usapan ni Marcus?” tanong ko.

                “Ang naaalala niya raw, Magbabalik daw si Marcus at sa oras raw na magbalik siya, maghanda-handa na raw tayo dahil gagawin niya raw ang lahat para was akin ang pamilya niyo ni Chrychel. Hindi raw siya totoong namatay dahil hindi raw siya totong nagpakamatay dahil wala ng bala ang baril ng itinutok niya ito sa sarili niya. Kuya, natatakot ako baka mamaya hindi nating namamalayang nakapasok na pala siya sa pamilya natin,” paliwanag pa ni Janella.

                Hindi maaari ito, patay na dapat si Marcus. Bakit niya pa kami binabalikan? Panginoon ko, kayo na po ang bahala sa amin na gumabay sa lahat ng oras. Sana sa araw ng kanyang pagbabalik, makayanan sana namin ang lahat ng suliranin na maaari niyang maidulot sa aming pamilya.

                Hinding-hindi ko hahayaang mayroon pang madamay dahil sa masamang balak mo, Marcus. Hindi ko rin papabayaan si Chrychel at ang mga anak ko. Hinding-hindi mo sila maaaring magalaw dahil bilang isang ama lahat-lahat ay gagawin ko para sa ikabubuti ng nakararami kahit na ang buhay ko ang kapalit, wala akong pakialam.

                “Huwag kang mag-alala, Janella. Hinding-hindi ko kayo papabayaan. Tandaan mo iyan,” sabi ko sa kanya.

Itutuloy……

Abangan ang Ikawalang Libro

 [Kung Ako Na Lang Sana: Ang Lihim ng Nakaraan]

Unang Libro:

Kung Ako Na Lang Sana: Ang Simula

Ikalawang Libro:

Kung Ako Na Lang Sana: Ang Lihim ng Nakaraan

Ikatlong LIbro:

Kung Ako Na Lang Sana: Ang Huling Pagtutuos

KUNG AKO NA LANG SANA: ANG SIMULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon