Panglimang Kabanata: Ang Luha Ng Pag-ibig

31 0 0
                                    

PANGLIMANG KABANATA:

ANG LUHA NG PAG-IBIG

(LANDER)

                Tapos na kaming kumain at ngayon naghuhugas na kami ng aming pinagkainan. Napakasarap pa ring magluto ni Tita Sandra ng kanyang spaghetti kaya nga siguro nagustuhan siya ni Daddy Francisco noong mga dalaga’t-binata pa lamang sila ni Tita Sandra.

                Alam ko na hindi talaga mahal ni Daddy si Mommy Cristina dahil si Tita Sandra pa rin talaga ang mahal niya. Naalala ko nga noong palihim kong nabasa ang talaarawan ni Mommy Cristina habang nasa Pilipinas pa kami.

                Pinakasalan lang ni Daddy si Mommy dahil sa pagmamahal ni Mommy kay Daddy noong magkakilala sila sa isang restaurant. Binabastos raw kasi noong mga sigang Amerikano si Mommy kaya’t tinulungan siya ni Daddy.

                At doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan nila at nauwi sa kasalan. Matagal ng kinikimkim ni Mommy ang sakit sa tuwing hinahawakan nito ang mga larawan ni Tita Sandra. At ang pinakamasakit ay nang halikan niya ito sa larawan at sinabing mahal na mahal pa rin kita.

                Nagselos si Mommy dahil sa pangyayaring iyon. Hindi ko namang masisi si Daddy dahil nalaman ko ang buong pangyayari nang mabasa ko ang dahilan kung bakit sila nagkawalay ni Tita Sandra. Hindi kasi matanggap ni Daddy sa ginawang panghahalay ni Tito Leandros noon na naging sanhi ng pagkabuntis ni Tita Sandra.

Hindi ko alam kung masisiyahan ako dahil hindi makakapunta si Marcus bagkus gusto ko si Chrychel o dahil nakikita kong malungkot at nasasaktan siya. Gusto ko sabihin sa kanya na sana hindi na lang niya pinili si Marcus at sana ako na lang ang sinagot niya noong gabing iyon.

                Napansin kong biglang umalis si Chrychel papunta sa terrace sa harapan ng bahay nila. Palihim ko siyang sinusundan palabas. Nakita ko siyang umiiyak habang binibigkas ang mga salitang,

“Mabuti pa si Lander, mayroong malasakit sa akin samanatalang si Marcus na dapat siya ang nandirito ay wala dahil sa kompanya nila ni Lander. Sana hindi na lang niya ako niligawan kung hindi pa rin siya magbabago. Pagbibigyan ko pa siya pero huwag niyang susubukang ulitin pa ito dahil hihiwalayan ko na talaga siya,” paiyak na sinabi ni Chrychel sa kanyang sarili.

Kahit labag man sa kalooban ko na huwag gambalain si Chrychel sa kanyang pag-iyak, pumasok pa rin sa isipan ko na dapat gawin ko iyon dahil kaibigan ko siya at dapat dinadamayan ko siya sa mga pagkakataon katulad nito.

Gusto kong mapasaya ang kanyang kalooban kahit saglit lang kaya’t napagdesisyunan kong lumabas at kausapin siya ng masinsinan. Hindi ba ganoon naman kapag mayroon kang malasakit sa kanya.

“Chrychel, pwede ba kitang damayan? Alam kong umiiyak ka at hindi mo maipapagkaila iyon sa akin,” sabi ko sa kanya

“Lander,” sabay bumuhos ang kanyang mga luha sa aking damit dahil bigla na lang niya akong niyakap ng sobrang napakahigpit.

Damang-dama ko ang mga luha sa kanyang mga matang wari’y nagsasabi sa akin na yakapin ko siya.

“Hindi nakabubuti iyang pag-iyak mo, Chrychel. Pinakikita mo lamang sa sarili mo na mahina ka. Magpakatatag ka. Ayaw kong nakikita kang umiiyak, asahan mo mamaya nandyan na si Marcus sa tabi mo at hindi na kailanman iiwan muling mag-isa,” payo ko sa kanya.

Kahit labag man sa kalooban ko ang mga diyalogong binitawan ko sa kanya ngayon. Gusto ko man siyang yayain ng pumasok na muna sa bahay nila at magpahinga, sa tingin ko nakokonsensya ako dahil hindi ko kayang ipagtapat ang nararamdaman ko para sa kanya.

KUNG AKO NA LANG SANA: ANG SIMULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon