Pangwalong Kabanata: Ang Mapait Na Katotohanan

28 0 0
                                    

PANGWALONG KABANATA:

ANG MAPAIT NA KATOTOHANAN

(CHRYCHEL)

Natapos na kami sa wakas kumain at umuwi na sila Lander sa kanilang bahay. Nagpahinga na kami sa wakas at pumunta na sa kanya-kanyang kuwarto upang makatulog na.

Ngayon ay nasa isang malaking tent ako na napupuno ng mga baraha na pawang kasangkapan ng mga manghuhula.  Mayroong isang matandang babae ang nakaupo sa isang silya. Sa harapan nito ang isang lamesa, nakapatong ang mga baraha at isang mahiwagang bola. 

“Ineng, maupo ka at ikaw ay aking huhulaan,” sabi ng matanda.

“Ako nga pala si Aling Kuting, ang manghuhula sa mundo ng panaginip. Huhulaan kita upang makita ang hinaharap,” sabi pa niya.

“Ay, hindi ho ako magpapahula dahil wala po akong hilig sa ganyang bagay. Mauna na ho ako,” sabi ko.

“Hindi mo maaaring takasan ang isang bagay na dapat mong malaman,” sabi ni Aling Kuting.

“Hatiin mo sa tatlo ang mga baraha. Sabay pumili ka sa tatlo ang mga napili mo at ngayon naman ay pumili ka ng limang baraha habang tinatanong kita,” sabi pa niya.

Pinili ko na yung unang, pangatlong,pangsampu, pangwalo at pang-anim na mga baraha. Isa-isa na niya ito ngayon ibinubuklat.

“Sa pamilya ko ho,” tanong ko.

“Masaya ang pagsasamahan ninyo dahil walang sumasagabal ngayon o pumipigil para tapusin ang laban,” paliwanag niya.

“Sa karera ko ho,” tanong ko

“Magiging maganda ang takbo ng karera mo dahil mayroong susuporta sa iyo na iisang tao na mahal na mahal ka na siyang mag-aangat sa’yo,” sabi pa niya.

“Sa amin ho, ni Marcus, tatagal ba ang relasyon namin,” tanong ko.

“Sabi rito, mayroong babae na magiging dahilan upang makita mo ang ibig sabihin sa’yo ng kapalaran mo. At isang babae, ikaw, ikaw mismo ang magpuputol nito at tuluyan ka ng makakawala sa taling nakapalupot sa iyo hanggang ngayon,” paliwanag ni Aling Kuting.

“Kung hindi po si Marcus, sino po ba itong lalaki na magkakatuluyan ko habambuhay, mabait po ba siya o gwapo o kahit ano po,” tanong ko.

“Sabi rito, ang taong tinutukoy ng tadhana para sa’yo ay isang lalaking napakalapit sa iyong sarili. Mahal na mahal ka ng lalaking ito ngunit hindi mo siya nakikita dahil ikaw mismo ang nagsasarado ng pintuan para makapasok siya sa pintuan,” sagot pa niya.

“Si Lander po ba ang tinutukoy niyo?” tanong ko.

“ Hindi ko ngayon masasagot iyan dahil ikaw mismo ang makakatuklas kung sino ang lalaking nararapat para sa’yo. Nakikita ko sa mga baraha ko na pinili mo ay ang lalaki lamang ito ang magbibigay sa’yo ng totoong pagmamahal at matututunan mo rin siyang mahalin dahil hindi siya mahirap mahalin,” huminto siya.

“Nakita ko sa mga baraha ko kanina na itong si Marcus ay hindi kailanman magiging sa’yo dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal. Kung mahal ka niya talaga, dapat hindi ka muna niya niligawan dahil hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon kaya’t kung ako sa’yo, hiwalayan mo na siya at mamayang paggising mo, buksan mo na ang puso’t-isipan mo sa isang taong talagang tunay na nagmamahal sa’yo ng lubusan, dahil iyon ang pagmamahal na taglay ng lalaking nakatadhana para sa iyo habambuhay. Paalam,” paliwanag pa ni Aling Kuting

Nagising na ako at napansin ko ng umaga na pala. Lumabas ako ng aking kuwarto at pumunta sa aming salas.

Sana hindi ko na lang muna sinagot si Marcus kong babalik na naman siya sa dati niyang ugali. Gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya.

KUNG AKO NA LANG SANA: ANG SIMULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon