Pang-anim na Kabanata: Ang Bagong Kabanata Ng Pag-ibig

37 1 0
                                    

PANG-ANIM NA KABANATA:

ANG BAGONG KABANATA NG PAG-IBIG

(PATRICK)

                Tuwang-tuwa ako ngayon dahil nandirito si Janella. Hindi ko pa alam kung tinamaan na ako ni Kupido ng sibat at pana niya. Paano ba naman kasi simula kagabi. Inenterrogate ako ni Ate Chrychel tungkol kay Janella kaya ngayon hindi ko alam kung papaano ko kakausapin si Janella ngayon.

                Baka naman kapag ipinagtapat ko sa kanya ang nararamdaman ko baka hindi na niya ako pansinin o di kaya bastedin na niya ako kaagad. Bahala na si Batman.

                “Janella, mayroon ka na bang boyfriend,” tanong ko sa kanya.

                “Bakit mo naman naitanong?” sabi niya.

                “Wala lang. May nakapagsabi na ba sa’yo na maganda ka,” tanong ko.

                “Dalawang lalaki pa lang ang nagsasabi sa akin na maganda ako,” sagot naman niya.

                “Eh sino naman sila, yong nagsabi sa ‘yo na maganda ka?” tanong ko ulit sa kanya.

                “Si Daddy Francisco at si Kuya Lander. Bakit? Akala mo mga kaklase ko lang. Hindi kasi ako pumapayag na mayroong manligaw sa akin dahil hindi ko sila tipo,” sabi niya sa akin.

                “Mayroon kasi akong gustong sabihin sa’yo. Pwede ka bang maligawan?” tanong ko sa kanya.

Huy, Walang halong biro. Totoo tinamaan ako sa kanya, hindi ko nga alam kung bakit. Sa lahat ng mga babaeng niligawan ko, sa kanya lamang ako magseseryoso. Para bang love at many sights kumbaga.

                Sasabihin ko nga ngayon sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Ayaw ko namang sabihan niya akong torpe sa panliligaw.

“Ano? May gusto ka sa akin. Gusto mo akong ligawan. Papayag lang ako kung hihingi ka ng permiso sa Dad at sa Kuya Lander ko. Kailangan sa bahay mo ako ligawan,” tanong ko sa kanya.

“Kailangan pa ba ng ganoon? Hindi ba’t dapat ikaw ang magpapasya kung Pumapayag ka na ligawan ko. Bakit kailangang ipagpaalam, hindi naman kitang niyayayang magpakasal tayo?” sabi ko sa kanya.

“Oo, alam ko iyang sinsabi mo. Ang akin lang, sabi kasi ni Daddy at Kuya Lander, kung mayroon daw na magbabalak na ligawan ako, gugustuhin raw muna nilang makilala ng husto para makatiyak sila sa kaligtasan ko,” katwiran naman ni Janella.

“Hindi naman ako masamang tao tulad ng inisip mo. O sige na nga, para lamang matuloy ang panliligaw ko, pupunta ako sa bahay niyo. Kailan ba ako pwedeng pumunta para mapaghandaan ko?” tanong ko sa kanya.

“Mamayang gabi, pagkatapos nating pumunta sa bahay nila Ate Marie. Diretso ka na sa bahay namin at duon ka na manligaw sa akin,” tugon ni Janella.

“Agad-agad mamayang gabi na, O sige, payag na ako,” sabi ko sa kanya.

Grabe, sa tingin ko kung bakit sinabi niyang mamaya na dahil gusto niya lamang magpakahard to get. Ganoon naman ang lahat ng mga babae sa tulad naming mga lalaki, gusto muna namin silang ligawan, bigyan ng mga tsokolate, lagi dapat silang samahan at higit sa lahat ipakita namin sa kanila ang determinasyon para lamang malaman nila na mahal talaga namin sila.

Pero para sa akin okay na iyon para hindi na siya mabingwit ng iba. Iba na kaya ang panahon ngayon baka mamaya mayroon na pala siya kasintahan, eh ako nagpakatorpe kaya hindi na kami pwede para sa isa’t-isa.

KUNG AKO NA LANG SANA: ANG SIMULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon