Pasukan na at Back To Normal na kami. Wala nang ibang iisipin. Puro academics nalang.
Mas mabuti naman yon eh haha!
Pagkapasok na pagkapasok ko ng school. Si Agueva agad yung nakita ko. Umiwas agad ako ng tingin at dumeretso na ko sa room.
Bes! Hindi ko maipaliwanag yung feelings ko. Feeling ko ayoko na sya maging crush pero sya parin yung tinitibok ng puso ko.
NaFall na talaga ako sa kanya. Jusko. Lalo nya kasi akong pinaFall nung acquaintance eh! Lalo tuloy akong nasasaktan ngayon.
Ang sakit kaya. Lalo na't alam mong hindi sya sayo at hindi ka sa kanya. Kahit iniisip ko na akin lang siya syempre naman may limitasyon din yung imagination ko. Mahirap na baka mapunta pa sa---
Jokeeeee! Pero gusto ko na talaga sa sarili ko na hindi na sya magustuhan. Nasasaktan na talaga ako. Lalo na kapag nakikita kong may kasama syang babae. Madalas kasi ang kasama nya si Jj at Mj.
Pagkaakyat ko ng room, kinausap ko si Geyv.
"Geyv, sa tingin mo? Magugustuhan kaya ako ni Agueva?" seryoso kong tanong.
"oo naman Jedi, ang tagal mo nang crush si Agueva ah? Ikaw nalang kaya manligaw!" tukso sakin ni Geyv.
Jusko kung pwede lang eh. Matagal ko na siyang niligawan. Charrrrr! 😂
"Hindi seryoso ako Geyv" sabi ko sa kanya na parang naiiyak iyak.
"Oo naman. Ikaw pa?"
Nakailang tanong nako kay Geyv na kung ganyan ganon tungkol kay Agueva. Di ko kasi talaga alam ang gagawin ko eh.
Siguro oo may posibilidad. Pero may posibilidad lang. Natatakot akong tumigil kasi baka pag tigil ko dun naman sya magparamdam. Pero natatakot din ako kasi paano kung hindi sya magparamdam? Edi masasaktan ulit ako?. Ayoko na. Sawang sawa na ko masaktan :'<<<
Agueva's POV
Wala kaming teacher kaya lumabas muna ako ng room. Nakita ko si Jedi na nasa baba at kausap si Niña.
Sa totoo lang, gusto ko lang talaga maging kaibigan si Jedi. Masama ba yun? Tsaka totoo naman na hindi talaga kami ah?.
Nakita ko si Mariella nakakalabas lang ng Student Council Office.
"Uy, Agueva! Paasa ka kamo! Ang sakit nung sinabe mo kay Jedi ah!" yan agad ang una nyang nabanggit.
"Alam mo gusto kong sabihin kay Jedi na gusto ko lang talaga sya maging kalapit na kaibigan" totoo naman eh.
"Oh eh bat hindi mo sinasabe? Alam mo bang asang asa sayo si Jedi?"
"Wala naman akong ginagawa ah." Yan lang yung nasabi ko. Nakakasakit na pala ako ng babae. Gusto kong kausapin si Jedi kaso kailan?.
"Alam mo ba ang akala nya motibo yung mga pinapakita mo? Lalo na nung acquaintance. Sobrang umasa sya non dahil sa ginawa mo." yan yung sinabe nya. Nakita ko si Jedi at kasama na si Ate Jade pero nandoon padin sila sa kaninang pwesto.
"Oh ganun ba? Sige magsosorry nalang ako kay Jedi" sabi ko kay Mariella. Sakto naman na nanoon padin sila Jedi kaya sumigaw ako "Sorry Jedi! Friends kami ni Jedi! Kaibigan ko si Jedi!"
Alam kong hindi nya yun narinig. Pero atleast nasabi ko yung gusto kong maiparating sa lahat. Nakaiwas din kasi siya ng tingin at sila Ate Jade at Niña lang yung nakatingin sakin.
"Alam mo gusto ko sya kausapin pero di ko alam kung kailan ako tiyetiyempo eh" sabi ko kay Mariella. Oo hindi ko lang alam kung kailan. Pero kailangan ko bang mag explain sa kanya?
"Ohh osige sige dyan ka na"
Alam kong makakarating lahat ng iyon kay Jedi. Siguro gulong gulo na din sya.
Kasalanan ko ba yon? Gusto ko lang naman ng closure eh.
-----
Jade's POV
Nakita kong magkausap si Mariella at Ronald sa may tapat ng SC Office. Ano kayang pinaguusapan nila?
"Jedi tignan mo oh magkausap si Mariella at Agueva" sabi ni Niña kay Jedi.
" oo nakita ko kanina pa " yan lang yung sinabe ni Jedi.
Kanina pa kasi sila dito. Tanaw kasi dito yung tambayan ni Ronald kaya dito naisipan umupo ni Jedi.
Nakaiwas kasi si Jedi ng tingin kaya nasabi yun ni Niña
Nakita ko si Mariella at Ronald na nakatingin kung saan ang pwesto namin.
Tila ba parang si Jedi yung pinaguusapan nila..
"Tignan mo Jedi nakatingin sila dito" sabi ni Niña kay Jedi
"hayaan mo sila." sagot ni Jedi
Ito kasing si Jedi eh. Ang bilis umasa! Eh ito naman kasing si Ronald. Sobrang paasa! Jusko. Transferee kasi kaya hindi pa lubos na kilala ni Jedi.
Biglang may sinigaw si Ronald pero hindi naman namin marinig.
"Ano?" Sigaw ko.
"Jedi may sinisigaw si Ronald"
"Oo nga Jedi tignan mo"
"hayaan nyo nalang" yan lang yung sinabe ni Jedi. Pero siguro deep inside curious na sya sa sinasabi ni Agueva. Pakipot lang.
Ang tagal ng gusto ni Jedi si Ronald. Nakakaawa na nga si Jedi kasi sobra syang obssesed na kay Ronald. Kahit siguro nasa cafeteria si Ronald at nasa room kami eh kitang kita nya yun.
Nakikita ko naman kay Ronald na parang gusto nya si Jedi pero hindi nya lang masabi.
O sadyang ganun lang talaga siya?
Paasa.
YOU ARE READING
hanggang kailan? (Unedited)
Teen Fiction"bakit? Hindi naman kami ah" biglang sabi ni Agueva. "Pero bakit ganyan yung pinapakita mo sa kanya? Iba kasi eh. Kita ko sa dalawang mga mata ko kung paano mo siya paasahin!" sigaw naman ni Mariella. Ngayong gabing ito ay dalawang beses na kaming...