Sobrang busy na yung club namin sa paparating na Activities. Natuwa ako dahil mayroong dance contest dun. Excited nako! Papasalihin ko dun si Ronald.
Nalaman ko yung pangalan nya nung nagtanong ako kung may facebook ba sya. Kaya yun. Sinearch ko lang. Wala akong balak iAdd. Kahit na ba crush ko yun eh. Hahahaha.
Magiikot nanaman kami sa buong campus at syempre as always, ako ulit yung nag assign kung san ang bawat officers pupunta. Kaya ito papunta kami sa room nila Agueva.
"Maraming salamat sa pakikinig, goodluck!" narinig kong sabi ni Aki. Teka, nahihiya ako. Ayoko siyang pansinin. Ang awkward.
------
Ronald's POV
Kahit anong ngiti ko kay Jedi hindi nya parin ako pinapansin. Ano kayang nangyari dun? Hindi naman porket alam kong crush nya ko eh lalayuan ko na lang sya. Sayang pinagsamahan.
Nalaman ko ding may Dance Contest dun sa mga Activities nila Jedi. Balak ko na ngang sumali eh. Oras na para makita nila kung anong meron ako.
Makalipas ang ilang araw dahil nagtatanong na yung mga teachers kung sino ang mga gustong sumali. Nagtaas na ko ng kamay. Lakas ng loob lang kailangan dito. Tsaka nakaranas nanaman ako ng ganito noon eh. Nag champion pa nga yung team namin.
Sa araw na din namin yun nalaman kung sino sino ang mga kasali. Sa interpretative dance ako natapat. At nagulat akong kasama din pala si Ate Jade. Nasanay nakong Ate Jade kasi yun yung tawag nila Mj at Jedi sa kanya. Kaya yun nakigaya narin lang ako.
Nag meeting kami at sisimulan na daw yung practice bukas. Andun din si Jedi kung saan yung meeting place namin. Bakit kaya sya naandito?
Siguro pag papakita lang ng suporta. Hay nako bahala na.
Nalaman ko nadin kung sino yung makakapartner ko. Hindi ko sya kilala sa totoo lang. Pero di sya yung babaeng tipong mapapawow ka. Parang babae lang. Ganon.
Kinabukasan, sabado aalis kami kaya kailangan kong pumunta kung saan nagpapractice yung mga kasama ko. Laking gulat ko nang makita ko si Jedi. Di ko alam kung bakit siya andun. Ano sya? Choreo? Sabagay di ko pa naman alam kung anong talent ang meron siya.
-----
Jedi's POV
anong oras na pero wala padin si Agueva. Grabe ha. Nag effort akong pumunta tapos di siya pupunta? Hay nako.
Inasikaso ko muna yung mga gagamitin. Natapos ko nang gawin yun pero wala pa din siya.
"Uy si Agueva oh" sigaw nila. Nakabike siya at parang nagmamadali ata.
"Hindi ako makakapagpractice aalis kami eh" sabi nya sabay umalis nadin.
Biglang kinanta sakin ni Geyv yung umpisa ng kanta sa Manila.
"Maraming beses na kitang nilayasan
Iniwanan at iba ang pinuntahan--Yan palang yung naririnig ko. Tawang tawa nako. Ang tanga ko lang. Bakit kaya?
Natapos yung practice namin na medyo masaya nakakalungkot lang kasi nadissapoint ako.
----
Makalipas ang ilang linggo natapos na nila yung sayaw. Binago nila ito at sayang lang yung effort na nagawa ko. Pero okay lang. Dahil din kasi officer ako eh bawal akong sumali sa ganyan. Well, rules daw kasi ng school yan.
Napag isipisipan ko na ako pa nga lang eh kinikilig na pag nakikita si Agueva na nagsasayaw. Paano na kaya pag nakita na sya ng maraming tao? Edi nagkatulakan na yang mga yan.
Hindi ko alam kung bakit. Pero feeling ko sa sarili ko na akin lang siya. na kahit hindi nya alam? ang selfish lang tignan. Ay I mean, ang tanga tignan. Kasi wala naman syang gusto sakin. Pero ito ako asa ng asa.
Dumating ulit ang ilang linggo at ngayon ang araw na maglalaban laban na.
Mayroong kasali sa bawat baitang. At napakaespesyal ng araw na to sa dami nang magaganap.
"Jedi, bat wala pa si Agueva? Anong oras na oh" Hindi ko alam kung bakit sila sakin nagtatanong. Ni wala na nga kaming communication ni Agueva. Di nga kami nagchachat nun. Tsaka di ko na rin sya nakakausap ngayon.
"Ha? wala parin sya? papuntahan nyo sa bahay niya." sabi ko nang may pag aalala. Siya na nga lang magdadala sa sayaw tapos di pa sya pupunta? Hay nako.
"Jedi, ayan na ayan na si Agueva okay na wohoooooo" yan nalang yung narinig ko sa labas ng office kung saan kami nag-i-stay ng mga officers. Nakita ko si Agueva na nakaformal wear na at jusko. Ang gwapo. Kung ipapadefine sakin ang meaning ng gwapo eh ispell ko ang pangalan ni Agueva. Ang corny ko tama na! Hahahaha
Nung pagkalabas ko ng office binulungan ko si ate na picturan kami. Nahihiya hiya pako. Hahaha. Ang cute nya lang kasi talaga. Pero nung pagkakita ko ng picture, sa iba sya nakatingin. Ang epic lang!
Anong oras na din at kailangan ko pang tulungan yung ibang officers sa mga ginagawa nila. Kaya kailangan ko munang bumaba.
Tapos na naming ayusin ang lahat at ang adviser nalang namin ang hinihintay namin para maumpisahan na yung program.
"Magandang Hapon, Maginhawaeñans!" sigaw ng adviser namin. Naghiyawan ang lahat ng studyante at nagpalakpakan sa sobrang excited. Bago magsimula ang paligsahan, inumpisahan muna ang programa sa dasal na pinangunahan ng aming vice president and tapos nun sinabe na ni Mam yung criteria of judging. Naunang sumalang ang speech choir. Infairness ang galing nung sa year level namin. Nakakapanindig balahibo. Charot! Sumunod naman na yung Interpretative Dance. Tuwang tuwa ako sa mga napanood ako. Nakakaenjoy manood lalo na pag si Agueva yung napapanood ko. Sa kanya lang talaga nakatutok yung paningin ko simula magumpisa yung sayaw. Nagawa naman nila ng ayos at alam kong nabigay nila yung best nila.
Sumunod naman dito ang paligsahan ng Lakan at Lakambini. Ang gaganda at ang gagwapo ng mga kandidata. Walang tapon bes!
Matapos ang lahat ng paligsahan, inanunsiyo na agad kung sino sino ang magkakamit ng mga karangalan. Nakuha ng year level namin ang Champion sa Speech Choir at 1st Place naman sa Interpretative Dance. Malungkot lang na hindi nanalo yung pambato namin sa Lakan at Lakambini. Pero it was a great experience nadin. Ang saya talaga mabuhay :>
YOU ARE READING
hanggang kailan? (Unedited)
Teen Fiction"bakit? Hindi naman kami ah" biglang sabi ni Agueva. "Pero bakit ganyan yung pinapakita mo sa kanya? Iba kasi eh. Kita ko sa dalawang mga mata ko kung paano mo siya paasahin!" sigaw naman ni Mariella. Ngayong gabing ito ay dalawang beses na kaming...