Makalipas ang ilang araw. Natapos na ang lahat. Ang saya lang kasi success yung activity ng club namin.
Walang pahinga to dahil sa susunod na linggo ay magdi-division contest na ko.
Di nga pala kami nagpapansinan ni Agueva. ewan ko ba. Di ko alam kung lumayo bako? Or siya? Basta di ko nalang sya tinatawag ngayon tulad ng dati.
Ako din naman may kasalanan. Pero mas okay na yun. Kasi baka maFall lang ako sakanya. Which is nararamdaman ko na.
Malapit na ang division contest kaya ayun ito ako nag tetraining na. Bahala na kung anong mangyayari sa mga susunod na araw.
Habang nagsusulat ako sa journal notebook ko, napapaisip ako kung nagkacrush na ba si Agueva. Kahit ang immature tignan. Nacucurious lang talaga ako.
Bakit di pa din sya nag coconfess sakin? Or sadyang assuming lang ako sa mga pinagkikikilos nya. Dahil siguro ganun lang talaga sya as a friend? Ay ewan.
Hindi ko pa nga nakikita yung ugali nya pag kasama nya yung ibang girls sa room nila.
Siguro nga, ganun talaga sya sa lahat. Paasa bes.
----
Agueva's POV
Wala na. Feeling ko galit ata sakin si Jedi ng hindi ko alam. Anyare kaya sa kanya?
Hay naku. Ito naman si Mj di na lagi napasok. Baliw talaga yun. Buti nalang naandito pa si Jj may mapagsasabihan ako.
"Alam mo gusto ko talaga maging close friend si Jedi, pero nalayo na sya sakin" biglang open ko ng topic kay jj.
"Eh diba crush ka nya?"
"Hindi naman porket crush nya ko eh hindi na kami pwedeng maging close friend. Pwede padin naman kaya! Hindi naman yun ipinagbabawal eh." sabi ko kay Jj. Ito kasi yung lagi na ngayong nakakausap ni Jedi. Kahit di pa sila masyadong close pag nag uusap sila parang naging mag classmate na sila last school year.
"Oh eh bakit ayaw mo gawan ng paraan?"
"Eh kasi nilalayuan nya ko. Di ko alam kung bakit. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Kasi pag lalapitan ko sya baka di nya naman ako pansinin tulad kahapon." sabi ko ng malungkot.
"bakit? tinawag mo ba siya?" nagtatakang sabi ni Jj.
"Hindi." mabilis kong sagot
"Oh hindi naman pala eh. Alangan namang pansinin ka nya ng hindi mo sya tinatawag. Baliw ka ba? Tsaka alam mo kaya nalayo na yan sayo kasi lumalalim na yung feelings nya sayo. Nasa sayo nalang yun kung anong gagawin mo"
Nagtataka ako. Kasi kung lalayo ako, masasaktan sya. Pero kung magpaparamdam ako, aasa sya. Tapos masasaktan din. Ang gulo! Ang gusto ko lang naman eh maging close kami ulit tulad ng dati. Ang hirap talaga sa mga crush crush na yan.
Makalipas ang ilang araw nakikita kong laging nasa library sila Jedi tapos may dala dala silang laptops. Pero napapansin kong si Jedi lang ang busy at pachill chill lang yung iba. Para kasing may tinuturo si Jedi dun sa isa tapos pag katapos nyang turuan yun lilipat naman sya sa isa. Grabe ang galing nya.
Pwede sya maging Ideal Crush. Sya yung tipo ng babae na maganda, mabait, matalino, responsable, masipag, palaban, at lahat lahat lahat pa. Nasa kanya na ang lahat!Masyado syang biniyayaan ng panginoon.
Nag ring na yung bell at pumasok na rin kami sa room namin. Nagtataka ako kung bakit andun padin sila Jedi sa library. Hay naku bahala na nga.
-----
Jedi's POV
Kinikilig ako. Nakikita ko kasi mula dito si Agueva. Na feeling ko sumusulyap sulyap din sakin. Ay shala ang assuming ko talaga.
Na-i-stress nako dito sa mga kasama ko. Di ko na alam kung paano yung gagawin. Mga newbie palang kasi sila about sa desktop publishing. Kaya ginagabayan ko muna sila. Nakakaloka lang.
Malapit na yung contest namin at kinakabahan nako. Isang goodluck lang ni Agueva okay nako. Haha ang harot eh!
"Jedi, alam mo na yung schedule ng contest?" tanong sakin ni Aya, isa sa kacollab ko.
"Ay hindi pa ehh"
"Oh, sabay daw kamo ng foundation day" nung narinig ko yun nalungkot nanaman ako. Lagi nalang ganyan yung nangyayari. Nagkakasabay. Last last year nga yung contest namin tumapat pa talaga sa first day ng Foundation Day eh. Nakakaloka na talaga.
"Ah sige sige tatanungin ko nalang mamaya si ma'am"
Tinanong ko si Ma'am Vany about sa schedule at sabi nya hindi pa daw official ang lahat. Jusko. Paano?
Makalipas ang ilang araw, pasulyap sulyap lang ako kay Agueva. Syempre lagi kasi kaming nasa library at malapit yung room nila dun.
Kinakabahan nako kasi palapit na nang palapit yung division contest. Penge inspirasyon bes!
Araw araw tanong ako ng tanong kay Ma'am Vany kung may balita na ba. Sabi nya wala pa daw. Laging hindi official.
Pero sabi nya nung isang bes sa 3rd Day daw yung contest namin. Okay na yun kasi Last day na yun ng Foundation Day. Parade nalang kasi sa umaga tas may acquaintance sa gabi. Oh diba.
Ay tekaaa. Yung sa acquaintance nga pala. Kailangan ko na nang damit. Tsaka kailangan maganda ako sa araw na yun. Baka isayaw ako ni Agueva. Hahaha.
----
Agueva's POV
malapit na pala yung Foundation day. Naririnig ko nadin yung kakulitan nung mga classmates ko. Pinaguusapan kasi nila yung Acquaintance Party.
"Isasayaw mo ba?" tanong sakin ni Daniel. Close sila ni Jedi dahil officer din sya dun sa club nila. Lagi ngang napunta si Jedi sa room namin para tawagin sila eh. Ang awkward nga dahil naghihiyawan lagi yung mga classmates ko. Anong meron?
Tumango nalang ako bilang sagot. Oo plano ko na talaga yun. Na isasayaw ko sya sa araw na yun. Matagal nadin kasi nila akong tinatanong about dun eh. Why not naman na hindi ko isayaw si Jedi diba? Magkaibigan naman kami. Hindi na nga lang tulad ng dati.
Pero nagulat ako nung isang araw. Nakita ko kasi sila ni Ate Jade, may dalang dslr. Siguro kasama yun sa training nila. Tinawag ako ni ate Jade tapos sabi nya picture daw kami ni Jedi. Nakita ko nga yun eh. Ang ganda nung kuha kahit walang pormal. Yung isa kasi, nakangiti ako tapos si Jedi naka peace sign. Tapos yung isa naman parang nakaDab si Jedi pero naka sara yung mga kamay nya. Parang suntok ganun. tapos ako naman nakataas lang yung kamay na para bang sinasamba sya. Ang gulo nga eh haha pero sabi ni ate Jade ang cute daw!
First Day na ng Foundation day ngayon. Alam ko sportsfest lang sa araw na to eh. Kahit na hindi ako kasali okay nadin. Nakakahiya lang kasi na nagsasali ako sa ganun since bago lang naman ako dito. Well, hindi naman yun big deal sa kanila eh.
YOU ARE READING
hanggang kailan? (Unedited)
Genç Kurgu"bakit? Hindi naman kami ah" biglang sabi ni Agueva. "Pero bakit ganyan yung pinapakita mo sa kanya? Iba kasi eh. Kita ko sa dalawang mga mata ko kung paano mo siya paasahin!" sigaw naman ni Mariella. Ngayong gabing ito ay dalawang beses na kaming...