Chapter 3

21 3 0
                                    

Agueva's POV

Alam ko nang crush ako ni Jedi. Oo sinabi saken ni Jj. And ako, friends padin naman ang turing ko sa kanya. Sayang ang closure eh.

Nakita ko si Jedi papunta sa building namin. Pero alam kong liliko sya para bumaba.

"Hi Jedi" sigaw ko. Pero di sya lumingon. Yung mga classmates ko lang ang nagsihiyawan which is ang dahilan na kung bakit lumingon si Jedi. naghihiyawan lang sila hanggang sa.....

"Jedi picture kayo bilis!"

"Oo nga! Ayiehhhhh"

"Bilis na Agueva wag na mahiya"


Nakita kong papalapit si Jedi. At yun na nga. Nakuha na ang first picture namin.

Jedi's POV

Di ko akalain to' naguguluhan ako kasi ayokong umasa. Di ko to bibigyan ng malisya. Picture lang to oh.

Pagkatapos makuha ng picture, kita ko sa lahat ang saya. Pati sa mukha ni Agueva. Ganun ba talaga kasaya pag nakapagpapicture sa crush? Ay charot lang. teka. Ayoko talagang umasa. Nakakaloka.

Nahihiya na tuloy ako kay Agueva jusko. Pero hayaan na. Just go with the flow nalang!

Makalipas ang ilang araw. Di pa naman kami nagkakailangan. Pero shit ako na yung naiilang. Nahihiya ako kasi alam kong alam nya pero nagprepretend ako na hindi yun totoo. Na wag nyang paniwalaan yun.

Sht. Sht. Sht.

-

Pagkapasok na pagkapasok ko. Siya agad ang nakita ko. Nakatingin sya sakin tapos biglang tumango at ngumiti. Anong gagawin ko? Jusko. Kinikilig ako.

Gumawa ako ng way para mapansin nya ko. Nag haHi ako sa kanya. Pero ayaw nya kong pansinin. Sinabe ko nga sa kanya na "nagpapapansin na ko pero ayaw mo padin akong pansinin". ano kayang problema?

Kinausap ko si Mj tungkol don. Pero sabe ni Mj sabe daw sa kanya eh ako nga daw yung di namamansin. Aba kailan sya gumawa ng move? Hayst.

Napaisip ako... oo tinatawag nya ko pero ang hina. Alangan namang lumingon ako diba? Baka matawag pakong assuming.

Teka, ako din pala. Hindi ko siya tinawag. Oo nga. Pero di naman magiging big deal sa kanya yun eh. Hayst bahala na nga.

Birthday nga pala ni Ate Erica ngayon, sabe ni Elisse isusurprise daw namin si Ate Erica dahil 18th Birthday nya na. Late kasi sya pumasok.

"Tawagin nyo si Mj, kasali sya sa 18 cupcakes" sabe sakin ni Elisse. Since andun naman nako sa labas tinawag ko na si Mj and ayun. Kasama nya si Agueva. Wala parin talaga akong balak na alamin ang pangalan ni Agueva. Di naman yun mawawala eh. Kaya okay lang.

"Mj, mj!" sigaw ko at tinignan naman nila ako. Pauwi na kasi sila kase wala yung adviser nila.

"bakit?" Tanong nya sakin. Sinabi ko naman ang dahilan at isinama nya si Agueva. Pero feeling ko hindi sang ayon si Agueva sa mga nangyayari pero tinitiis niya lang. ay bahala na.

Habang nagseseremonya sila sa loob ng room naisip kong lumabas at samahan si Agueva. Wala lang. Gusto ko lang syang iEntertain.

"Bakit ang galing mong sumayaw?" tanong ko sa kanya. Syempre gusto kong malaman paano nagsimula yung mga nagagawa nyang kakaibang moves.

"Napapanood ko lang sa mga video, tsaka pangarap ko talaga yan." tapos bigla syang sumayaw ng kakaibang step na hindi ko nanaman maipaliwanag. Shit nakakaloka. Tinatawanan ko sya. At siya natawa din sakin. Wala na akong pakialam sa mga nangyayari sa loob. Basta kasama ko na si Crush okay na. Jusko ang harot pero minsan lang naman to'.

Naalala ko naman yung sinabi sakin ni Jj na may girlfriend sya... matanong nga.

"May girlfriend ka ba?" takang tanong ko

Nagulat sya sa narinig nya at sinabing....

"Ha wala ah"

Bigla naman akong naliwanagan at pwedeng pwede ko na talaga siyang maging crush....

"Jedi, ikaw na magsasalita!" sigaw sakin ni Elisse. Oo nga pala. Kasali ako sa 18... teka nakalimutan ko basta magbibigay lang naman ng message eh. Kaya gora na.

Pagkatapos kong magbigay ng message lumabas ulit ako ng room. At gumawa ng way para magpicture kami ni Agueva. Wala gusto ko lang.

"Agueva, selfie tayo" tumanggi tanggi pa sya pero maya maya ngumiti na naman sya. Ito yung second picture namin. Kinikilig ako pero syempre dapat magtimpi muna ako. Jusko wag muna ngayon mag tatalon talon. Nakakahiya! Hahahaha.

"Uy pasok muna lahat picture muna tayong lahat" pumasok na ko at nilabas ulit yung phone ko. Lagi naman ito yung ginagamit para sa picture picture sa room. Hayst.

Kinuha ni Mj yung phone kong bago at parang gusto din kumuha ni Agueva kaya nilabas ko yung phone kong luma. Tawang tawa ako sa kanya kasi habang nakuha sya ng picture eh mukha syang tanga. Feeling nya dslr na camera yung hawak nya pero cellphone lang naman talaga yun. Nakakaloka.

Pagkatapos nang picturan. Kinuha ko sa kanya yung cellphone ko at nakipagselfie ulit sa kanya. Oh diba? Ang harot.

At dahil tapos na yung party, uwian na. Sabi ni Mj sabay daw kami. At umAgree naman ako don. Why not? Kasama nya si Agueva. Masaya to bes!

"may facebook ka ba?" biglang tanong ko kay Agueva. makapal na kung makapal pero ako to eh' hahaha.

"oo" tipid nyang sagot.

Hindi ko alam kung nakukulitan ba sya sakin o ano. Pero naisip kong nakukulitan talaga sya sakin kaya tumahimik nalang ako. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano anong mga pangyayari at kahit sabihin nya sakin kung saan yung bahay nya eh alam ko na. Hanggang sa lumiko na sya at nagpaalam na...

hanggang kailan? (Unedited)Where stories live. Discover now