Nakarating na kami sa dapat naming puntahan. Di ko naman tipo tong mga ganitong lugar eh. Puro Science!
"Jedi ang ganda oh" sabi ni Ate Jade may tinuturo silang mga bato.
"Oo nga no." I nodded.
Ayoko na dito. Ito lang ba pinunta namin?
"Class punta na tayo sa kabila" sabi ni Ma'am Vanny. Meron papalang kabila. Ok.
"Tara na tara na" yaya ko sa mga kaibigan ko. Nakakasawa nadin dito eh.
Naglakad kami papuntang Botanical Garden ba yun? Yung iba naenjoy nila. Pero kami hindi. Delikado kasi dun eh dun sa ilalim baka madulas kami.
Natapos na ang oras kaya pinapunta na ulit kami sa mga bus.
Laughtrip nga dahil bumili si Ate tapos pagbalik 40% off nalang HAHA!
Papunta kami ngayon ng nuvali. Kumain na kami ng lunch habang nasa byahe para pagpunta dun eh pasyal pasyal nalang kami.
Pagkarating namin dun eh napapunta kami sa Solenad 2 ba yun? Basta yung may mga isda. Di ko alam tawag dun eh.
Di naman nakakaenjoy. Or siguro madami lang talagang tao? Gusto ko naman yung mga ganitong lugar. Pero hayst.
Maaga kaming bumalik ng bus ni ate. Pero pinili muna namin na sa labas mag stay kasi ayaw talaga namin ng amoy ng bus.
Tbh.
Naghintayan na dahil isang oras lang naman kami dito. Kaya dapat mabilis silang makapunta. So ayun kumpleto na nga kami at pupunta na kami sa Gardenia.
Jusko sana nag ek nalang kami! Makakakita lang naman kami ng mga machines dun eh! Hayst.
Nang makarating kami sa Gardenia eh may pinanuod saming video. Pagkatapos eh pinakita na samin yung mga gawaan. Maganda din pala. Pero sabik na ko mag EK eh.
Bumaba na kami at nagpicturean pa. Babalik na kami sa bus dahil excited na talaga kami.
Habang nasa biyahe eh excited na excited na din yung mga kasama ko sa bus. Well, minsan lang to eh.
Nakarating na kami pero ang tagal pa bago kami papasukin. Hinanda muna nila yung tickets namin. Tsaka according to bus number ang pagpasok.
Buti naman eh number 6 yung bus namin kaya malapitlapit na kami sa entrance.
Nag babye muna ako kay mama bilang paalam na mag eenjoy kami dito haha.
Nang pagkapasok namin eh hinanap namin agad yung Flying Fiesta. Request ko to dahil ito yung natandaan kong sinakyan ko nung hili kong punta dito.
Nang mahanap namin to eh pumila na agad kami. Okay lang na mahaba. Ang napag usapan kasi eh wag maiinip worth it lahat. Oh diba?
Nang makasakay na kami eh enjoy na enjoy ko yung hangin. Ay este yung ride pala. Yay! Isang check sa bucketlist ko. Char! Pero nakakahilo din pala to no? Kaya pumikit nalang ako hahaha!
Pagkababa namin eh hindi nako makatayo sa sobrang hilo. Inalalayan nila ako. Kaya yun haha.
Yung sunod naming sinakyan eh yung Air Race. Mahaba din yung pila pero hintay hintay lang bes haha.
Pinapanood ko palang eh napapapikit nako. Jusko ganito pala to'. Pero ayoko mag walkout sayang oras!
Sila Ate naman at Angge eh hindi sumama dahil nagyaya si ate kumain.
Nakarating din naman sila sa AirRace kaso ang layo na namin para pasingitin sila.
Tinabihan ko si Neo para matapang yung katabi ko. Pag mahina kasi eh gagayahin ko lang sya. Alam ko sa sarili ko yon. Mahina nako tapos pag may nakita akong mahina eh lalo pakong nanghihina.
YOU ARE READING
hanggang kailan? (Unedited)
Ficção Adolescente"bakit? Hindi naman kami ah" biglang sabi ni Agueva. "Pero bakit ganyan yung pinapakita mo sa kanya? Iba kasi eh. Kita ko sa dalawang mga mata ko kung paano mo siya paasahin!" sigaw naman ni Mariella. Ngayong gabing ito ay dalawang beses na kaming...