Chapter 14 - Sinulog Festival💕🙌🏼

15 1 0
                                    

Ngayon na ang araw kung kailan kami lalaban. Kinakabahan kaming lahat dahil hindi pa namin nakikita yung sayaw ng iba.

Kami kasi habang nagpapractice sa school eh hindi namin alam kung may espiya ba yung bawat section. Haha!

Sabi nila may laban din daw yung section nila Agueva.

Ha. Tignan natin.

12:00 pm ang calltime sa school kaya maaga akong nagprepare. Ako din kasi yung magmemake up sa mga kaklase ko.

"Ate tara na baka malate nanaman tayo!"

"Oo eto na"

Iniwan nanamin yung props sa room kaya hindi na kami nahihirapan sa mga dala namin ngayon.

Malapit na kami sa gate ng school ng makita namin ang iba't ibang section na kalaban namin.

Yung iba kakatapos lang magpractice, yung iba nagawa ng props yung iba handa narin gaya namin.

Napagisipan ko kasing wag na mag practice sa umaga para may energy kaming lahat mamaya lag nagsayaw.

"Congrats Section A!" sigaw nung isang taga Section P. Congrats agad diba? Haha. Jusko kabado ako ah. Baka pinapakampante lang nila kami.

Pagkapasok namin ng Campus eh nakita ko naman na yung mga kaklase ko na mga nakaitim na.

Plano kasi naming mag itim na para wala nang klase. Tsaka 2:00 pm daw ang calltime sa gymnasium.

"Uyy pasok daw muna lahat. Magkaklase pa daw tayo" sabi nung isa kong kaklase.

Hanep. Excited nakong mag make up tapos magkaklase pa? Hindi pwede! Unfair! Yung ibang section nga nagpeprepare na din eh tapos kami magkaklase pa?

"Class, di ako yung makakapagdesisyon nyan. You should talk to Ma'am Bernabe" sabi nung Student Teacher na nagpapasok samin.

"Ma'am kailangan napo kasi talaga namin magprepare eh" sabi nung president namin

"Sige papayagan ko kayo magpaalam, pero pag hindi pumayag si Ma'am Bernabe... mag kaklase tayo"

sumenyas ako kay desiree na isama ako. Ako bahala dito!

"Isa lang..." habol ni Ms. Chen

"Ma'am ako nalang po at si Jedi. President at Vice po"

"Sige"

Bumaba na kami at hinanap si Ma'am Bernabe. Ipaglalaban ko talaga to!

Nakita namin si Ma'am Bernabe sa isang office.

"Ma'am...." nakatingin ako sa kanya ng eye to eye

"Alam ko na yan Jedi.." pagmamasungit ni mam bernabe

"Ma'am pleaseeeee......"

"Sige, but one condition..."

"Ano yun Ma'am? Gagawin talaga namin"

"Gumawa kayo ng 1-20 na reviewer sa 1 whole sheet of paper and kailangan nyo yun ipasa bago mag uwian"

"Sige Ma'am masusunod. Thank you po!"

Sinabihan ko na agad si Desiree na pumayag si Ma'am Bernabe kaya pumunta na ulit kami sa room.

"Ma'am okay daw po pero may ipapagawa po samin" sabi ko kay Mam Chen

hanggang kailan? (Unedited)Where stories live. Discover now