Chapter 10

19 1 0
                                    

Jedi's POV

Simula ngayon pipilitin ko na talaga na hindi sya tignan. Pipilitin ko na hindi sya silipsilipin. Pipilitin ko na hindi sya sundan. Pipilitin ko na hindi nya nako maging stalker. Pipilitin ko ang sarili ko na hindi na sya mahalin.

Ayoko na.

"Kaya nasasaktan ang tao kasi nagmamahal sila ng hindi sila kayang mahalin."

Naalala ko nanaman yung sinabe ng adviser namin noon.

Oo tama. Tanga ako bessy!

At 13 years old. I got my first boyfriend. Siya lahat ang first ko. Nag expect ako na mahal nya din ako. Pero yung love story namin eh hanggang isang buwan lang pala.

Mahal na mahal ko sya dati. And akala ko ganun nya din ako kamahal. Pero nagkamali ako.

Ako kasi yung tipo na babae na gusto ang long term relationships. Siguro lahat naman eh yan ang gusto. Ang mali ko lang eh nagmahal ako ng maling tao.

Ngayon nadrop sya sa school dahil sa mga kabalastugan na ginagawa nya.

Ang tanga ko. Sana pala hindi ako nagpaligaw sa kanya, sana pala hindi ako nagpadala sa mga sweet messages nya. Sana pala nbsb padin ako hanggang ngayon.

Hindi na yun nasundan dahil bawal pa ko magkaron ng boyfriend. Tinry ko lang talaga. Nacurious kasi ako kung anong feeling eh.

Ayun makalipas ng isang araw? O dalawang araw. May nililigawan na agad sya. Jusko day lumayas si inday. Ang bilis magpaligaw nung mga haliparot na yun!

Samantalang ako? dalawang buwan ata. Kulang pa nga yun eh. Hay nako.

Akala ata ni Agueva hindi pako pwede magboyfriend kaya siguro nasabi nya na 18 daw ako kasi dun lang pwede.

Ang gulo.

Nasa school ako ngayon at nagiisip kung paano ba sya kalimutan.

Nagiisip kung kakalimutan ko ba talaga siya.

Nagiisip kung---

"JEDIIIIIIII! Si Agueva oh!" sigaw ni Joshua. Epal talaga tong lalaking to' palibhasa nasa ibang school ang crush kaya di ko matukso.

"Ano naman?"

"Ano naman daw! Nung isang araw nga eh--" hindi nya na natuloy ang sinabi nya dahil nilakihan ko na sya ng mga mata ko na senyales na tigilan niya kundi malalagot sya.

"Oo nga ba't hindi" duktong nya.

Classmate ko to si Joshua since grade 5 ako ngayon nga lang ulit kami hindi naging magclassmate eh. Pero still mag bebestfriends kami haha.

"wag kasi" sabi ko sa kanya.

Simula ngayon. Itatry ko na!

Makalipas ang ilang araw tuwing magkakasalubong kami ni Agueva eh nakaPoker Face ako. Siya naman eh hindi malaman kung ngingiti ba o hindi.

Hanggang sa nakapokerface narin sya kapag nasasalubong ako.

Yun! Okay na din. Medyo makakatulong sakin yun.

NakakaInlove kasi yung ngiti nya eh. Hayst.

Patagal ng patagal eh nararamdaman ko sa sarili ko na medyo nawawala na nga yung feelings ko sa kanya. Gumawa talaga ako ng paraan.

dumating din yung time na sinisigawan nya ko sa di malaman na dahilan. Bastusan ba

Naghanap pa nga ko ng magiging rebound para malimutan talaga siya.

hanggang kailan? (Unedited)Where stories live. Discover now