"mag suklay ka nga" biglang sabi ni Ate Erica sa akin habang naglalakad.
"ayoko, di naman ako nagsusuklay eh." sabi ko naman
"kahit pulbo?" pagtataka niya
"Ito na nga eh" pagkasabi ko. Kinuha ko naman na agad yung pulbo ko at naglagay na sa mukha.
"Okay na ba?" pagkatanong ko
"Yan sige okay okay"
Habang papalapit kami eh nakikita ko na si Agueva ngunit naiwas na ko ng tingin.
Nakakahiya kaya.
Pero nakakakilig din syempre hahaha!
Nung pagkarating namin eh parang ayaw pa ni Agueva pumwesto kaya umalis muna ko saglit.
"Uyy Agueva ano baaa" sigaw nung kaklase niya.
"Dito na kayo oh bilis" sabi naman ni Ate Erica
Nauna syang pumwesto at tinignan ko lang siya.
"Hanep no 1x1?" pagkaloko ko.
Ngumiti naman siya. Ay nako hahaha
"Bilis na Jediiii" pilit ni Ate Erica
Pumwesto na ko at medyo lumayo ako sa kanya. Siguro 1meter yung layo.
"Ang layo namann" pagreklamo ng kaklase nya.
"Urong ka dito. Pangit nung background oh. May switch" pagkasabi ko. Lumapit naman siya at yun.
May picture na ulit kami.
After 3months to bessy!
Umalis nako at gusto ko pang ipagpatuloy ang paglalaro.
----
"Good Afternoon Maginhawaeñans!" sigaw nung ssg.
Naghiyawan naman lahat.
Natuloy na nga pala yung Valentine Event.
Ang corny lang.
Ewan basta ako di ako mahilig sa mga ganun. Oo kinikilig ako pero jusko yung mga corny thingy na yan.
Nagsimula sila sa paghaharana, nagbasa ng mga messages at yung pili pili. Basta yun.
Parang may lalaki or babae sa harap tapos may tig tatalo na partner tapos pipili sila sa tatlo.
Damn.
Tapos.... sa yearlevel namin. Ako yung isang napili.
Baka... baka magalit si Agueva.
Pero.....
Wala namang kami. Wala syang karapatan magalit. Wala din akong karapatan mag assume.
Puta ang sakit ah
Natapos ng 6:30 pm ang programa at naging masaya naman ang lahat.
Ang nakakalungkot lang eh hindi lahat ng booth eh kasali. Kumpara kaninang umaga.
Pero naging masaya naman ang lahat kaya okay na din.
"Ate Jade, picture kamo kami ni Agueva." sabi ko sa ate ko.
"Sige sandali" hinanap naman ni ate Jade si Agueva at yun. Sinabi niya na nga.
"one two three" sabi ni ate Jade
"Oh iba naman. Iba naman." duktong naman nila Hanna.
"Yung dati, yung nakataaa yung kamay nyong dalawa. Ganun ulit." request ni ate. Naalala ko yun. September 19 yun nangyari. Omg haha
YOU ARE READING
hanggang kailan? (Unedited)
Teen Fiction"bakit? Hindi naman kami ah" biglang sabi ni Agueva. "Pero bakit ganyan yung pinapakita mo sa kanya? Iba kasi eh. Kita ko sa dalawang mga mata ko kung paano mo siya paasahin!" sigaw naman ni Mariella. Ngayong gabing ito ay dalawang beses na kaming...