"You lied!! All this time? Pinagmukha mo kong tanga. So, tama pala ang hinala ko. Kesyo may ginagawa ka kaya di mo ko matetxt. May pupuntahan ka kaya di tayo makakalabas. Pinagsawalang bahala ko nalang. Eto pa ang malupit! Sa bestfriend ko pa. The hell Jude! Bakit.. Bakit mo ko ginaganito?" Doon na ako bumigay, di ko na kayang magtapang tapangan. Suddenly, I felt my knees on the ground. It weakened. Masyadong masakit. Pinagpalit nya ko sa bestfriend ko pa. How could they do that to me?
"I'm sorry Venice. It's just that, I can't handle our relationship anymore. Ayokong masaktan ka kaya di ko sinabi. Pero sasabihin ko naman ee. Sa tamang panahon. Wag mo sanang idamay si Clarisse dito. Wala syang kinalaman." What the!? Paanong walang kinalaman!? Sya ang dahilan kung bakit nasira kami.
"Leave." Bulalas ko. Ayoko nang marinig ang pagtatanggol nya sa kaibigan ko, tapos ako ang nasaktan, ako ang niloko siya pa ang may karapatan na sabihin saking wag idamay si Clarisse!?
Naramdaman ko nalang ang mga mabibigat nyang yabag na papalayo sa akin. Ang bilis. Isang sabi ko lang na umalis sya. Without a doubt he left me dumbfounded.
Naglakad ako sa madiim at malamig na gabi. Walang kahit anong naririnig. Pinilit kong lumakad kahit ang bigat bigat ng dinadala ko. Ang bigat bigat ng batong dinagan niya.. Nila sa puso ko. Ang sakit. Ang hirap.
Tumingala ako sa langit upang makita ang mga bituin. Kailangan ko si mama ngayon. Kailangan ko ang yakap ng mama ko sa malamig na hangin.
"Mama.." Banggit ko kahit na halos wala akong makita sa kalangitan dahil sa namumuong luha sa aking mga mata. But to my surprise, nakaramdam ako ng malamig na likido sa aking pisngi. Mama..
Doon napangiti ako. Sinasabayan ako ni mama na umiyak. Miss ko na sya..
Ilang beses pa ba akong iiwan? Tanging si Granma nalang ang naiwan upang bantayan ako. Simula nang aksidenteng nangyari kay Papa nang araw na iwan nya kami. Naaksidente sya. A tragic accident between 6 wheeler truck and my Dad's Car. 6 months. He slept for 6 months (comatose). We are still hoping na maigagalaw nya kahit ang isang daliri nya pero nauwi ang lahat sa wala. Lahat ng perang ipinambayad ni mama sa ospital para mabuhay ang papa ko. Nauwi lang sa wala. I was 10 years old back then. At 1 year after mamatay ni papa, sumunod si mama. Depressed. Ni hindi man lang sya nagpaalam sakin. Silang dalawa. That's why I hate leaving without saying Goodbye.
Sumilong ako sa isang saradong drug store. Madilim na sa daan at puro lamp post lang ang nagbibigay liwanag. Pakiramdam ko'y maaga pa ngunit bakit ang dilim na. I look for my phone to check the time. It's 10:30. Gabing gabi na. 32 messages and 46 missed calls. Siguradong alalang alala na si Granma.
Umupo ako at yumuko sa pagitan ng aking mga tuhod nang sa wakas ay nakaramdam ako ng pagod at antok. Gusto ko nang umuwi.
Nagising ako sa malalim na pag iisip ng makaramdam ako ng matigas na bagay na tumama sa hita ko. Nang tignan ko ito'y isang gulong.
Tumaas ako ng tingin at nakita ko ang isang mamang nakasuot ng itim na leather jacket at faded ripped jeans at helmet. Tinanggal naman nya yun at pinatong sa motor at inusod pa nya ang kanyang motor nang nakitang nababasa ito nang ulan.
Hindi ba napapansin ng gunggong na to na may nabubunggo na sya!? Ugh umiinit na ang ulo ko sinabayan pa nya.
"Hoy!!! Di mo ba nakikitang may nasasagasaan ka na!? Ang bastos mo ah!" Bumunghalit ako sa galit. At parang wala lang sa kanya! Sinulyapan nya ko nang blangko ang kanyang mukha. Kapansin pansin ang ilong nyang napakatangos at perfectly built nyang nunal sa pagitan ng kanyang mga mata. Mas dumagdag sa kagwapuhan nya ang nakataas nyang isang kilay na parang tinatanong ako kung sino ako.
"Miss, ang sinagasaan duguan. Dapat dinadala na sa ospital. Gusto mo na bang madala sa ospital para masakay kita sa motor ko at makakapit ka sa abs ko? Ha?" Tanong nya. Sarcastically.
Ang gwapo na ee. Sinira pa nang kasungitan at kahanginan. Makakatagpo ka na nga lang nang gwapo pangit pa ang ugali. Psh.
BINABASA MO ANG
SHATTERED
Teen FictionSimula pa lang pagkabata hinahangaan at iniidolo na niya ang kanyang kaibigan. She deals with problems peacefully and makes smart decisions without hesitation. Isa yun sa mga hinangaan niya sa batang babaeng iyon. Sa murang edad natutunan niyang umi...