Kabanata 7- Attention

89 6 0
                                    

I found myself eating mango pie. Dinala ako ng mongoloid sa coffee shop sa school. Ilang minuto kaming walang kibuan. Ayoko kasing sirain ko yung katahimikan sa pagitan namin. Nahihiya kasi ako non. Kaya I ended up ordering my favorite snack.

Simula ng hilahin niya ko papunta rito ay hindi parin siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin. Nakakailang nga e. Pakiramdam ko tuloy may mali sa pagkatao ko. Ang lalim pa naman ng pagtingin niya sakin. Tinignan ko rin siya habang nginunguya ko ang mango pie ko. Gusto kong kilabutan sa paraan ng pagtitig nya. Para siyang nakikipagkumpitensya sa mga titig ko. Pinagsisisihan ko na tuloy na tumitig din ako sa kanya. Ang weird ng impakto na to. Kanina lang ang angas niya na sabihin saking ini-stalk ko siya tapos ngayon tatahi-tahimik siya.

Binasag ng isang matinis na tinig ang pagtitigan namin ni impakto. Isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa aking mga tainga. Isang boses na ayaw na ayaw ko na munang marinig.

"Sissssssyyyy!I miss yaaaaa!" Sabay kaming nagbaling ng tingin ni Rence kay Chali. She's wearing a long sleeve white polo shirt matched with sparkling dark blue mini skirt exposing her well built legs. I always love her way of dressing that shows her perfect body structure. Pero ayoko ng paraan niya ng pagsosolve ng problema. She always failed in making things right instead she makes it more miserable. Kagaya nung nagkagalit kami ni Jude noon. Sinabi niya na may nakasayaw ako sa bar at may naghatid sakin para daw malaman niya ang totoo at magkausap kami ng maayos. Isa pa she's a star model in States now. Hindi maitatanggi ng kung sino man ang galing niya sa pagdadala ng damit. Kahit ano nga ang isuot sa kanya ay tiyak na babagay. Kaya alam kong mas lalong sisikat ako, si Jude at Clarisse dahil may pagkachismosa itong kapatid ni Clarisse. Oo. Magkapatid sila pero hindi mo agad yon malalaman. Iba ang malaforeigner na ganda ni Chali sa simple beauty ni Clarisse.

Mula sa pagkakatingin niya sa akin na may malaking ngiti sa labi ay bumaling siya kay Rence. Naimagine ko naman na naghugis heart ang mga mata niya. Halatang natitipuhan niya si Rence. Lumapit siya rito at inilahad ang kanyang kamay at aabutin na sana ito ni Rence pero ako ang sumalo ng kamay ni Rence na papunta sa nakalahad na kamay ni Chali. She always love playing games. Shitness..

Sabay silang napalingon sa akin ng may pagtataka sa mukha. Bakit? May nagawa ba akong mali? What's with the looks. Saka lang nagsink in sakin na pinigilan ko si Rence na makipagshake hands kay Chali. I'm acting like a jealous girlfriend but the reality is I'm just a nobody.

Agad ko naman na binatawan ang kamay ni Rence at yumuko sa sobrang kahihiyan. Lahat din ng estudyanteng nasa Cafeteria ay nakatingin at nagbubulungan na nanaman. Talagang siskat ang isang tulad ko dahil pumapasok ako sa buhay ng mga sikat. Aminado naman akong di ako fit don. Pakiramdam ko'y namumula ang pisngi ko at namumutla ang buong katawan ko sa sobrang kahihiyan. Gusto ko nalang lumubog!

Hinawakan naman ni Rence ang kamay ko kagaya ng ginawa ko kanina. Tumayo naman lahat ng balahibo ko sa katawan. May kakaiba sa init ng mga palad niya. In a minute I felt like I am brought to thousand of sensations. Sumilay sa labi ni Rence ang isang ngiti. Mapang asar na ngiti. Ayan na. Nagsisimula na ang laro. Ang larong sinimulan ko at tatapusin ng gagong to.

"Jealous Sissy? Don't worry di ko aagawin si Mr. Pogi sayo. Napaka lucky mo girl." Tili niya at tumalon talon pa. Hinampas pa ko sa braso. Matapos niyang tumalon talon ay tumabi siya sa akin.

"So, ano na ang nangyari sa love triangle niyo nila ate? Ang landi niya no? Kung ako yun sasakmalin ko na siya. Pero kung meron namang gwapong katulad nito na pwede gawing rebound wag na. Dito nalang ako sisikat pa ko." Sabi ni Chali na parang sinisigaw sa buong Cafeteria na ginawa ko lang rebound si Rence. Napansin kong napasinghap ang iilan sa mga estudyante. Naimagine ko naman na umuungol sila ng gaya sa isang tigre. Chismis nanaman to panigurado. Napansin ko ang pagbura ng mga ngiti ni Rence sa labi. Para siyang naapektuhan sa mga sinabi ni Chali. Ramdam ko sa mga mata niya ang sakit. Pero bakit? Ah, umaarte siya. Very impressive. May future siya sa show business.

Piniga ko ang kamay ni Rence dahil napansin kong nag iiba na ang aura niya at masyado nang maraming impormasyon ang isinisigaw ni Chali sa buong cafeteria. I must say, everybody are throwing glances in me in return for what they heard. This seems like a war. Sabi ko nga e. Ireready ko na ang weak kong damdamin dahil sa mga bash na mababasa ko mula sa mga taong ito mamaya sa social media.

Luminga ako sa paligid at nakita ko ang pagdating nina Clarisse at Jude na magkaholding hands. Hinila ko na si Rence palabas ng maingay na cafeteria kahit umaalingawngaw pa sa loob noon ang matining na tinig ni Chali na tinatawag ang aking pangalan.

Nang makalayo na kami sa cafeteria at sa maingay na si Chali ay naupo ako sa isang bench. Ngayon ko lang napansin na nasa field pala kami.

Naglalaro ang mga varsity ng school namin sa football. Nakita ko ang isang puno na pakurba ang hugis. Nagbibigay ito ng magandang hulma ng isang modelo. Mula sa kurba nito biglang umusbong ang tila malaki nitong ugat. Isang maandang ideya ito para sa isang elegenteng gown.

Nagsimula ako sa pagguhit sa isa sa mga sketch pads ko. Naramdaman ko ang pagtabi sakin ni Rence at maging ang pagtitig nya sa aking iginuguhit ay damang dama ko rin.

"You like to draw dresses. Kaya pala pumapangatlo ka sa Fashion line sa pinakasikat na industry ng Fashion sa buong mundo." Bulalas nya nang hindi parin ako simusulyapan. How did he know? Ni wala ngang pumapansin sakin dito at walang nakakaalam na pangatlo ako sa fashion line. Ang alam lang nila gumagawa kami ng gowns and dresses.

"Paano mo alam?" Sa pagkakataong yon sinulyapan niya na ako.

"Sinong hindi nakakakilala sa isang magaling na tulad mo?" Hindi ko alam kung bakit ganito ang isang to. Kanina'y tumatawa, biglang naging matamlay tapos ngayon ay puro complement ang pinagsasabi.

"Ikaw lang. Ni hindi nga ako pinagtutuon ng pansin kahit tatlong segundo lang ng mga estudyante dito."

"Well, ako hindi. All my life I been seeking for your attention. Atensyong nasa iba naman." Bakas ang pagkadismaya niya sa kanyang sinabi.

Sa litanya niyang iyon, biglang sumakit ang sentido ko at napahawak doon. Nabitawan ko ang lapis na hawak ko at naramdaman ko nalang ang paglaglag nito sabay ng sketch pad ko.

Para bang may mga namumuong imahe sa aking isip na patuloy sa pag ikot at hindi ko alam kung anong scenario iyon ng buhay ko.Hanggang sa tumigil ito at halos higupin ko lahat ng oxygen dahil kinakapos ako ng hininga.

"You okay!?"

SHATTEREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon