Patuloy lang sa paghila sa akin ang mamang ito. At patuloy rin sa pagbagsak ang mga luha ko mula sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Akala ko nakamove on na ko. I was wrong. Masakit na niloko ako ng kaibigan ko, pero grabe pala ang sakit kapag pinagbintangan ka nila. Ikaw na ang nasaktan, ikaw pa ang napagbintangan. How lucky I am to have this shitness in my life!
Ramdam na ramdam ko ang mga titig ng mga estudyanteng nakakasalubong namin. Ramdam ko ang talim ng tingin nila sakin. Pakiramdam ko nga'y ano mang oras ay sisirit ang dugo ko sa tulis ng ibinabato nilang titig sakin. Dahil ba kaawaawa ako? O di kaya ay katawa tawa? Siguro ako na ang pibakasikat na estudyante sa buong university. Hindi na ko magugulat na pagpasok ko bukas ay ako na ang bukang bibig ng mga edtudyante lalo pa ang mga kababaihang walang ginawa kundi mang chismis.
Kapansin pansing pagtapos nila ako pukulin ng nakakatusok nilang tingin ay lumilipit ang tingin nila sa mamang humihila sakin. This man with a masculine broad back. Kapansin pansin ang paggalaw ng back bones nya na bakat na bakat sa puti niyang long sleeves na uniporme sabay ng paglakad namin na parang patakbo na rin. Malamang sa unang kita mo sa mamang ito'y mapagkakamalan mo itong isa sa mga modelo ng Calvin Klein.
Huminto kami sa garden sa likod ng Highschool building at nakatalikod parin sya. Titig na titig parin ako sa likod nya. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil wala masyadong tao rito. Halos kaming dalawa lang talaga.
Natutok ang atensyon ko sa buhok nyang halata mong gulong gulo ngunit di mo masasabing sinadya ito o bumagay lang talaga sa hulma ng pangangatawan nya. Pinaresan pa isang itim na hikaw na nakalagay lang sa isa niyang tainga.
Unti unti ay humarap sya sakin at laking gulat ko nalang nang mapagtanto kong siya yung mama sa ulan saka yung malandi sa mall. Perfect. Nabuo ang araw ko ng puno ng kamalasan.
Bumungad saakin ang nakakunot nyang noo at ang brown nyang mga mata na seryosong nakatingin sa akin. Those stares sent shivers down my spine. Sa hindi ko alam na kadahilanan ay tumuyo lahat ng balahibo ko at kinilabutan ang buong sistema ko. How could be this man scares my entire body?
"It's pay back time." Bulalas niya sabay ng pagflash ng malademonyo niyang ngiti. Agad na nabitin sa ere ang pagpapasalamat na namumuo na sa utak ko dahil sa pag alis nya sa akin sa lugar na yon. Ang akala ko ba nama'y nagmalasakit siya sa akin. Yun pala'y balak niya na kong pagbayarin. Pero teka, saan galing tong mongoloid na to't bakit suot nya ang uniporme namin?
Agad naglaro aking labi ang isang ngiti. I should call that one a smirk. At nagawa ko pang ngumiti sa ganitong sitwasyon na nagkapatong patong ang kamalasan sa buhay ko.
"Excuse me? What do you mean payback time? Hindi ka pa ba masaya sa nasaksihan mo kanina? Alam kong nakita mo yon dahil alam ko rin na nagdiriwang na ang buong kaluluwa mo. Hindi ka pa ba masaya? Nagmukha na akong tanga sa lahat oh? Diba dapat humalakhak ka na kasabay nila?" I stopped in the middle of my speech when I finally realize that I'm losing my patience. Sa mokong na ito ko pa yata mailalabas ang sama ng loob at galit na nararamdaman ko para sa dalawang nanakit saakin. Ayokong marinig o maisatinig man lang ang pangalan nila dahil naiisip ko na kung paano nila nasira ang imahe ko. Para nila akong pinunit sa gitna.
"Excuse me too? Kasalanan ko bang ahas ang BESTFRIEND mo at pangit ka? Na losyang ka at mukhang matanda at yung kaibigan mo ay mukang dyosa na nagmula sa kaharian ng mga enkantada kaya naagawan ka? Ha? Diba dapat sisihin mo ang mga magulang mo dahil isinilang ka?" Agad na lumatay sa kanyang pisngi ang kanan kong kamay. Agad na nawala sa isip ko ang mga papuring ibinigay ko sa kanya bago ko pa malamang siya yung mama sa ulan. Kung may galit sya sa akin, wag niyang idamay ang mga magulang ko. They should not be engaged with this fucking situation.
Naramdaman ko ang pag akyat ng dugo mula sa palad ko. Napalakas yata ako. Pero tama lang yun. Nararapat lang na makatikim siya ng ganyan para magtino siya kahit papaano.
"Sumosobra ka na ah!? K-kung my galit ka deretsahin mo ko hindi yung idadamay mo pati ang mga magulang ko. Hindi mo alam ang istorya ng buhay ko. You didn't know what I need to go through just to accept their disappearance." Doon muli akong humagulgol at napayuko na lamang nang mapagtanto kong nasabi ko pala ang dapat ay nasa isip ko lamang. Siguro'y dahil sa dami ng nangyari sa araw na ito kaya nawawalan na ako ng control sa lahat ng bagay.
Naramdaman ko nalang ang maiinit na palad na nakahawak sa mga panga ko at nang tumingala ako ay naramdaman ko ang malambot na bagay na nagpaparte sa mga labi ko. He's kissing me softly. Puno ng emosyon pero di ko matukoy ang emosyong iyon. Ang nararamdaman ko nalang ay ang tensyon sa pagitan namin ngayon. He brushes his lips with mine with full of authority. Kahit sa ganitong bagay ay mukhang frustrate na frustrate parin sya. Nakakunot parin ang noo nya na parang nilamukos ng isang milyong beses.
I froze when I heard a click. Naramdaman ko rin na parang umilaw ng saglit at nawala rin agad. Agad kong naitulak ang mamang kanina lang ay kaaway ko at kani-kanina lang din ay hinalikan ako. He looks shock and upset like me. Siguro'y nabigla din sya sa nangyari.
Agad ko rin namang nilingon ang pinanggalingan ng flash and I found out that we were taken aback in that position. Nakita ko ang takot sa mata ng mga batang kumuha sa amin ng litarato na alam ko namang mga highschool pa lamanag. Stupid.
Agad naman silang napatakbo nang makita ang mukha kong nanggagalaiti sa galit at tumutubong sungay sa aking noo. Nilingon ko naman ang mamang manyakis na nagnakaw ng unang unang halik ko! Isusumpa ko ang isang ito!
Nakatingin siya ng seryoso sa akin habang ako ay namumula na sa kahihiyan at napalunok. I saw the manly movement of his apple on the throat. Namula ako sa imaheng naglalaro nanaman sa musmos kong kaisipan. Hinalikan ako ng lalaking ito.
Pasugod na ako sa kanya nang itaas niya ang dalawa nyang kamay as a sign of surrender. At nagtatakbo ng sobrang bilis papalayo sa akin at papalabas sa garden sa likod ng highschool building.
"Nahalikan na ako." Naibulalas ko nalang bigla mula sa kawalan. Napahawak ako sa aking mga labi. Hindi na virgin ang labi ko.
Kainis na ingkanto! Walang ginawa kundi sirain ang buhay ko. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya at di niya alam ang pangalan ko! Marlon ba pangalan non o Malfoy? Putcha Harry Potter! Ah basta alam kong mabantot ang pangalan non, sing bantot ng pagkatao niya. Isinusumpa ko! Ito na ang huling araw na makakaencounter ko si Satanas.
End this game Mama in the rain. Please...
BINABASA MO ANG
SHATTERED
Teen FictionSimula pa lang pagkabata hinahangaan at iniidolo na niya ang kanyang kaibigan. She deals with problems peacefully and makes smart decisions without hesitation. Isa yun sa mga hinangaan niya sa batang babaeng iyon. Sa murang edad natutunan niyang umi...