Kabanata 8- Mansion

76 6 0
                                    

"You okay!?" Malakas na isinatinig ni Rence na siya ring nagpamulat sa akin sa katotohanan. It's like waking up from a dream. At dun sa dream na yun nakita ko ang mga bagay na hindi ko alam na nangyari sa akin. Maaaring dahil yun sa overthinking pero ramdam kong ako talaga yung bida sa panaginip na yun! Ramdam na ramdam ko!

"Hmmmmn!" Ungol ko ng bigla kong naramdamang umangat ang pang-upo ko mula sa bench na kani-kanina lang ay inuupuan ko. Binubuhat ako ni Rence ngayon at wala akong ni katiting na ideya kung saan niya ako dadalhin.

"Hoy! Ibaba mo nga ako! Okay lang ako kaya ibaba mo na ko!" Bulyaw ko sa kanya at alam kong halos mabitawan niya na ako sa pagsigaw ko. Napansin kong palabas na kami ng University at hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta.

Oo nga't half day lang kami ngunit 10 palang ng umaga at 12 pa ang dismissal namin! This is still considered as cutting classes. At ayokong mapabilang sa mga taong ganon! Disente at marangal ang pinambabayad ng Granma ko sa pangmaharlikang paaralan na ito at ayokong iwaldas lang ang ganon kalaking pera. Isa pa gusto kong i-maintain ang grades ko at sa di naman ako nagmamalaki ay kabilang ako sa Dean's list.

"Hindi pa oras ng labasan. At ibaba mo akooooo! You bastard!" Isang tingin lang ang isinagot niya sa akin at dinugtungan ng isang malamig na

"Yeah,"

"Wag mo kong iyeah yeah dyan! Sabi ko ibab-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya na agad ito.

"Yeah,"

"Pag di mo ko binaba sasapak-"

"Yeah,"

"Nakoooo! Isa pag umabo-"

"Yeah,"

"Tsk! May klase pa kaya mabuti pa ibaba mo na ko!" Huminto naman sya at tinignan akong mabuti. Halata sa mukha nya ang pagkadismaya at pagkairita. Well, it looks fit.

"Shut up or I'll wrap you're mouth with mine." Malamig ngunit may pang iinis sa tono ng pananalita niya.

Naramdaman ko agad ang pag akyat ng init sa katawan ko papunta sa aking pisngi. Pakiramdam ko'y simpula na ng kamatis ang mukha ko! Nakakahiya. Ang mongoloid na to talaga ang taas ng tingin sa sarili.

"Nanahimik ka? Natatakot kang makuha ang first kiss mo no? Para kang teenager. Wala sa edad ang pag iinarte mo." Matapos ang ilang minuto ay nagsalita siya upang mabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Uminit lang ang ulo ko sa mga salitang binitawan niya. Grrrrr. Kung maaari man di siya ang first kiss ko! Si Jude.

Laban nila non sa Basketball at Championship pa kalaban nila ang defending champion. Sobrang sigla kong magcheer. Nanalo sila kaya ganon nalang ang tuwa niya kaya nahalikan niya ko. Not that long and passionate kiss. Smack lang yun sa pagkakaalam ko.

"Yeah," gaya ko sa kanya.

"That's my lin-"

"Yeah,"

"Stop it!!!"

"Yeah,"

"You're blushing. You like me."

"Yeah- What!? Hell no!" Sigaw ko at suntok ng mahina sa panga niya. Gigil ako sa kanya at gusto kong durugin ang nunal niya nang pinong pino!

"Yeah," sagot niya suot ang mapang asar niyang ngiti sa labi.

"I hate you!" Sigaw ko

"Yeah,"

Nakarating kami sa sasakyan niya ng nag-aasaran pa rin. It's kinda cute for me and I dunno why.

Nakadungaw lang ako sa bintana ng kanyang sasakyan. Kulay palang nito na shiny gray ay mahahalata mong aristokrata lang ang nagkakaroon ng ganoong uri ng sasakyan. Kahit ang sasakyan naming Mercedes Benz ay walang laban. Bawat bukid na nadadaanan namin ay nabubusog ang mata ko. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalin pero tila nagpaparty ang kalooban ko dahil sa ganda ng tanawin. Kung normal na tao ang kasama niya ngayon ay nagsisisigaw na ng kidnap. Sad to say, di kasi ako normal e.

Naramdaman ko ang matutulis na tingin niya sa akin. Ngunit di ko iyon pinansin. Kinse minutos ng byahe ay lumiko ang sasakyan sa isang malaking gate na may nakasulat na Laprada Village na nakaukit sa gintong bakal, naghuhumiyaw ito sa karangyaan. Huminto siya sa guard house at binati ang isa sa mga gwardya don. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga bahay na kung titignan ng isang normal na tao'y mansyon kung tawagin.
I never imagined this guy living in this kind of heaven.
Huminto ang kanyang mamahaling sasakyan sa isang malaking gate. Ni hindi ko matanaw ang bahay na ikunukubli nito dahil sa taas ng bakod nito na kulay tanso. Para bang pag hinawakan ng tulad ko ay masasabi nang basura. Bumukas ang gate at sumilay sa akin ang isang bahay na hindi ko alam kung bahay pa ba ang tawag doon. Kung nasabi ko mang mansyon ang mga bahay na nakita ko kanina masasabi kong ito ay isang pinakamansyon sa lahat ng mansyon. Nakasilip sa makapal ngunit maaliwalas na parte ng mansyong ito ang naguumapaw sa ganda at laking chandelier na puno ng ginto. Huminto ang sasakyan sa harap ng mansyon.

"We're here" In the middle of my amusement ay napalingon ako sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at bumaba na ng sasakyan. Kung di pa niya sinabing nandito na kami ay baka nakaupo parin ako dito at pinagmamasdan ang paligid. Di pa talaga napa-process ng utak ko ang nangyayari!

Bumaba ako ng sasakyan at sinara na ang pinto sabay ng paghagis ni Rence ng susi sa isang mamang lalaki. Kung titignan ay nasa mid-40's na at kung susumahin ay isa sa mga tauhan niya. Nang makalabas ako ay sinalubong ako ng preskong hangin.

"Napapasin kong kanina ka pa manghang mangha sa nakikita mo. Napakaganda diba?" Utas niya habang nakatayo at nakapameywang pa na parang hinihintay niya nanaman na mapikon ako. Oo na't magaling ako mang-asar pero walang tatalo sa kanya.

Binigyan ko lang siya ng tingin at umirap pa sabay tingin sa garden nila sa harap ng mansyon. May fountain pa na pang mayaman. I wonder, may makita kaya akong ni isang pilas ng kapiraso ng papel o plastik man lang? Parang hindi kasi uso dito ang kalat. Napaka conscious naman ni Rence sa bahay niya. Ayaw man lang nadudumihan o nakakalatan. Eh samantalang dinala niya ako dito. Isa kaya akong kalat kaya isang malaking kasalananng dinala niya ako sa lugar niya. Pero sandali. Kanya ba talaga to? Baka naman sa mga magulang niya.

"Uhhhmm, sayo ba ang bahay nato?" Paglingon ko ay wala na siya. Bakit ang bilis naman ng ugok na yon? Ni walang bakas ng ingay nang umalis siya sa pwesto niya kanina.

Narinig ko ang isang hagikgik ng babae. Di ako nagkakamali. Babae nga at sa tingin ko'y kaedaran lang namin ni Rence. Nakasuot siya ng long dress na may tali sa likod at head dress na sasabihin ko ng pangkatulong. Medyo irita ako sa kanya. Pagtawanan ba naman ako? Hmmmn! Ako susugurin ko na sana kaya lang naalala kong wala pala ko sa lugar. I'm in a palace and I should act formal. Nagtimpi nalang ako sa madrastang kung umarte ay parang maharlika e di-hamak na katulong lamang. I'm not this kind of woman pero may iba akong pakiramdam sa muchachang iyon. May something kaya hindi ko maipalagay ang loob ko sa kanya.

Pumasok ako sa isang malaking pinto at bumungad sa akin ang nagkikintabang muwebles na bumagay sa kulay ng pader at ceiling na may Mixture ng white and brown. Kakaiba ang disenyo ng bahay at mararamdaman mong nasa isang mansyon ka pagkapasok na pagkapasok mo palang dito. Mas lalo kong naramdamang di ako nababagay dito. Ano kayang negosyo ng mga magulang ni Rence? Paano sila nakapagpatayo ng ganito?

Pagpasok ko sa living room ay siya namang lumabas ang isang binatilyong lalaking may hawak ng isang gallon ng ice cream. Napatingin siya sa akin at parang parehas na bagay ang tumatakbo sa utak naming dalawa. This boy looks familiar. At alam kong namumukhaan niya ako. Hindi ko matandaan kung sino o saan ko siya nakita. Basta ang alam ko nakita at nakausap ko na siya.
"Nagbihis lang ako. Ayokong istorbohin ka sa pagja-jaw drop mo kanina sa bahay ko e." Napalingon siya sa lalaking tinititigan ko dahil di ko siya nilingon nung nagsasalita siya. Di parin magsink in sakin kung sino ito. I badly want to recognize him and it kills me. Hard!

"Ahh. Si Rafh nga pala Venice. Rafh si Venice." Kumunot ang noo ng sinabi ni Rence na si Rafh daw nang i-introduce niya ako sa kanya. Agad naman itong umaliwalas at binaling sa akin ang tingin sabay flash ng isang malaking ngiti.

"Hi." Nagsimula nanamang sumakit ang ulo ko nang marinig ang boses niya.

SHATTEREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon