Kabanata 2- Cafeteria

175 10 4
                                    

Bloody hell! Why are they throwing glances at me!? Ano yun naaawa sila saakin? I don't need their sympathy.

Patuloy kong nilakad ang pakiramdam ko'y humabang hallway habang nakataas ang baba. Like what I've said, ayokong makita nang lahat na nasasaktan ako. Di ko nga kailangan ng awa nila. Masyado ng masakit yung nakaraan ko. Ayoko ng maging kaawaawa. ULIT.

Pumasok ako sa room at naupo sa alloted na seat para sakin. Yung upuang sa tabi ko ay si Clarisse pero sa ngayo'y wala sya sa tabi ko. Kasama nya yung iba kong kaklaseng nakatingin nanaman sakin. Ano bang meron sa mukha ko? Madumi ba? Eh samantalang kakapaayos ko lang kahapon.

Oo, pinaganda ko na ang sarili ko. Not sort of na maganda talaga, inayos ko lang. Walang gandang matatagpuan sa katawan ko. Puro sakit. Puro sakit na iniwan ng mga taong minahal ko at pinaglaanan ng panahon sa puso ko.

Kahapon pumunta ako sa mall at pina-trim yung buhok ko. Nagpaahit na din ako ng kilay. Di mo kasi mamalamang kilay pala yon sa sobrang lago. Parang gubat. Nagpapaderma nadin ako. Every weekend ay pupunta ako sa Salon para macomplete na yung steps na nakaschedule para sakin.

"Hey, li'l Angel. Ano ka ngayon? Magpapaka anghel ka pa ba? Kasi kung ako sayo I will rot them in hell. Niloko kasi ako, ng KAIBIGAN ko pa." Winika ni Bellatrix at pinangalandakan pa ang boobs nyang kumakawala sa uniform nya. In-emphasize pa nya ang salitang KAIBIGAN. Tsss. Sure akong umaakyat na ang kademonyitahan niya sa katawan dahil sa nangyari saakin. Kung alam ko lang nagdidiwang na sa kalooban niya si Lucifer.

"Well, You're not me. Kasi hindi ka naman magugustuhan ni Jude. So, anong pinuputok ng butchi mo ngayon? Hindi ba dapat di ka nag aaksaya ng oras para sakin? Kasi nga diba WALA NA KAMI. Bakit mo ko inaaway? Insicure much li'l devil???" Pinamukha ko talaga sa kanyang wala na akong paki at di na ako masasaktan pa sa mga sinasabi niya. C-in-url ko ang buhok ko while giving her a grin. Halata namang nainis ko ang bruha. A round of applause for me!

Inihanda na niyang ilapat ang kamay nya sa pisngi ko nang biglang dumating ang professor namin. At ayun napahiya pa sya lalo nang pagalitan siya sa harap namin mismo. Supalpal ang boobs nya.

Patuloy sa pagdidiscuss ang professor namin ng physics at patuloy rin naman ang paglipad ng isip ko. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Di kasi ako kumain kagabi at di rin ako nagbreakfast kanina. Masyado kasi akong naoverwhelm sa ideyang maayos na ang itsura ko. Tutal napag-usapan na ang kahapon. Naalala nyo si Mr Hangin? Nakita ko sya kahapon sa mall. And guess what? Nakikipaglampungan sa gitna. Nakikipaghalikan sa bench ng mall. Nakaupo pa nga yung babae sa lap nya ee. Halos maghubad narin si ateng. Grabe. Ang bababa ng level nila. Ang dami daming hotel paano nila naaatim na magchuchuchurbaness sa public area!? Low class.. Tsk!

"Beks, kilala mo naman na siguro si Rence? Yung exchange student from New Jersey? Napakagwapooooo!! At bakla, ka batch natin sya. Hindi ko pa nga sya nakikita ee pero balita ko madali niyang maaagaw ang atensyon mo dahil sa nuna-

"Ms. Grabador? Any other business? If you don't want to listen, get out of my class." Napangisi ako ng lihim. Kanina pa kasi tong dalawa nag uusap tungkol sa poging lalaki daw. Since, open naman ang tenga ko at di ko maintindihan ang pinabubunganga ng teacher kong panot, di ko naiwasang makinig sa kanila.

Natapos ang klase na wala man lang ni isang word ang pumasok sa isip ko.
Dumeretso agad ako sa coffee shop ng university para bumili ng best seller nilang mango pie. Sobra talaga ang linamnam nito pag natikman mo. Isa nga ito sa mga comfort food ko ee. Naalala ko nung pinagbabato ako nila Bellatrix ng bola ng volleyball dahil binabash nila ako sa pagiging jowa ni Jude. Napakadaming pasa ang inabot ko dahil dun. Yun, iyak ako ng iyak at naligaw ako sa coffee shop na to. Kusa akong dinala ng mga paa ko dito upang makitang may kausap na babae si Jude nun. Mas lalo akong umiyak tapos may batang lumapit sakin. Nagpadrawing sya. Silly, kasi binigyan nya ako ng picture ng isang girl na mukhang sing edad nya. Crush nya yon. Sometimes, I probably like to go back from being a kid. A kid without pain and worries. Pagtapos kong madrawing yun inabot ko sa kanya at binigyan nya ako ng mango pie. Tapos hinawi pa niya ang buhok at pinunasan ang luha ko. You don't need to be sad, Unni. Some things are happening for an unexplainable reason. But then, things are locked in fate. At pagtapos nyang sabihin yun umalis na sya agad. Di ko na nga nakita ang batang yun e. Wala rin akong balita kung nandito pa ba sya sa University.

Natigil ako sa pagkagat sana ulit sa mango pie na hawak ko nang may umupo sa harap kong upuan. The two reasons why I'm being rough. Yumuko si Clarisse habang si Jude ay tinititigan ako. Hindi katulad ng titig niya sakin dati na puno ng pagmamahal. Ang nakikita ko doon ay galit at pagkasuklam. Nasulyapan ng vision ko ang paghawak ni Jude sa nanginginig at namamasang kamay ni Clarisse. Dahil kinkabahan siya. Para nanamang tinusok ng isang makapal na bakal ang puso ko. Tinignan ko rin ang mata ni Jude. Tinago ko sa pinakaloob ko ang sakit at ang pananabik na mahgkan siyang muli. Those things must be kept as a treasure.

Ramdam na ramdam ko ang tinginan at bulungan ng mga estudyanteng kasama namin sa loob ng cafeteria. Halatang lahat sila'y nag aabang kung anong mangyayari sa pagitan naming tatlo. Their looks are crashing me inside. Parang gusto ko nang ilabas ang tunay na nararamdaman ko. Pero hindi, I'm trying hard to be this tough. At walang makakasira nun agad agad. The walls in my heart are under constuction.

"Venice tama na. Wag mo naman sirain ang relasyon namin ni Clarisse. Alam kong nasaktan ka pero di mo kailangang gawin yun." Isang malaking question mark ang umukit sa utak ko. Ano bang ginawa ko!? Di ko na nga sila pinapakialaman tapos sasabihin niya yan? Anong trip ng magshota na to!?

"What have I done? Mali bang mag ayos ng sarili pagkatapos ng break up?" I asked them blankly. Patuloy ako sa pagkukunwaring wala akong pakialam. Na hindi ako nasasaktan.. Kumunot ang noo ni Jude at halatang nag aapoy na ang galit sa kanyang mga mata. Bakit!? Hindi ba dapat mata ko ang mag apoy ngayon? Baliktad naman yata?

"Stop playing games with us, Venice! Wala akong pake kung naiinggit ka o nagseselos ka ba samin! Wala na akong pakealam sa iyo! Just stop spreading the hell of news na may scandal si Clarisse!" Natahimik ang bulungbulungan sa loob ng cafeteria at mas lalo pang dumami ang mga nakiusyosong chismoso't chismosa dahil sa mahabang litanyang sigaw ni Jude.

Anong scandal!? The hell! I'm too innocent for that isuue! Kahit nasaktan ako sa ginawa nila, di ko gawaing maglabas ng maling istorya. Sinampal ko sya dahil sa binibintang nya sakin. Nangingilid narin ang luha sa aking mga mata. Mas lalo pang nadagdagan ang galit ko sa kanilang dalawa dahil sa sinabi ni Jude. How pathetic he is.

Ramdam ko ang pagsinghap ng ilan sa mga nanonood samin dahil sa lakas at sa paglagutok ng palad ko sa mukha ni Jude.

"Kahit na nagagalit ako hindi ko maatim na gawin yun sa minsan nang naging kaibigan ko. Wag mo kong pagbintangan sa kasalanang di ko naman ginawa! Dahil kahit na niloko nyo ko di parin maalis sa puso ko na kaibigan ko kayo." Sigaw ko sabay ng pagtulo ng luha sa pisngi ko. Pinangako ko na kahapon na hindi ako magpapakita ng kahit na kapiranggot na kahinaan kahit kanino. Pero di ko na kaya ang isang to.

Isang segundo ang lumipas at nakaramdam ako ng kamay na humihila sakin papalayo sa mga taong yun. I must be thankful for this kind of a man for letting me out from hell...

SHATTEREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon