Naglalakad ako ng padabog na halos patakbo na. Nudaw? Naiinis ako sa mongoloid na yun. Kapal ng mukha! Ano ko uhaw sa abs nya? Hindi lang sya may abs sa mundo no!
Kala mo kung sino magsalita ee di naman kagwapuhan. Tsss.. Oo na gwapo na ang hinayupak pero aanhin ko ang kagwapuhan kung puro hangin lang naman ang laman? Mabuti pa si Jude! May abs pero humble. Ah shet. Jude nanaman. Haysss.
"Hope Venice Serrano. Anong oras na?" Napahinto ako sa paglalakad nang mapansing nasa harap na pala ako ng gate namin. Worst, nasa gate si Granma. This is the dead end.
Kinaumagahan nagising ako at tinignan ang orasan. 2:30 na ng hapon. Tumayo ako para sana mag pusod ng buhok pero nagulantang ang mundo ko ng makakita ako ng zombie. Ay putspa! Ako pala yon. Nasa harap ako ng salamin. Masyado pala akong nalunod sa luha ko at dinagdagan pa ng sermon ni Granma.
Kinuha ko ang laptop para magfacebook. Agad kong tinype ang email at pass ko. Matagal tagal narin akong di nagoopen ng social media site nang maging kami ni Jude. I didn't have any other business but him. Siya lang ang inaatupag ko simula umaga hanggang sa matulog ako. Lagi kaming nagpapalipas ng oras sa pagtetxt o di kaya naman ay sa paglabas labas at paggala which is our hobby. Ganon ang routine ng buhay ko for 2 and a half years. And that routine has just ended yesterday. Ang sakit parin.
Pag bukas na pagbukas ko ng account ko ay agad na bumungad sa news feed ko ang picture nina Jude at Clarisse na kumakain habang magkatinginan. Punong puno ng pagmamahal ang titig ni Jude sa kaibigan ko. At halatang halatang napaka saya niya. Halatang halata sa mga ngiti nita.
I used to be that girl. And now I'm not.
Ini-scroll ko pa ng konti upang makita ang daan daang like at comments ng picture nang dalawa. Hindi ko itatangging dahil sa kagwapuhan ni Jude at sa galing nyang magbasketball ay syang tinitilian talaga ng mga babae. Varsity sya at sobrang galing nyang magdala ng bola. Mabibilang mo sa mga daliri mo sa isang kamay ang mga mintis nya sa pagshoot ng bola sa ring e. Ganon sya kagaling. Si Clarisse naman ay isang cheerleader. Bukod sa pagiging isang magaling na dancer ay napaka ganda pa at nag aaral ng pagmomodelo. Ni hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko ang napakasikat na babaeng iyon. I'm just a nobody. Hindi nga ako mapapansin kung hindi dahil sa angking yaman at sa lawak ng business na pinapaandar ni Granma. Lalong lalo na kung magpapadesign lang sila saakin ng damit. Ang business kasi ni Granma ay ang pag iimport at pag eexport ng designs at mga damit sa iba't ibang bansa. Ang mga gamit na tela ni Granma ay talagang original. Isang hagod mo lang ay malalaman mo talaga ang quality ng gawa nya. At dahil ganon ang business ni Granma at naging hobby ko ang pagdedesign at pagddrawing ng mga damit ay naging maganda ang partnership namin ni Granma. My other designs are rising from the magazine adds to the fashion line. Dun lang ako napapansin. Wala naman kasi akong ibang ipagmamalaki kundi ang husay ko sa pagdrawing.
They look good together. Yan ang salita na tumatak sa isip ko sa pagbabasa ko ng comments kahit na unti unti nanamang nadudurog ang loob ko. Totoo naman. Bagay na bagay sila. At halatang natutuwa ang sambayanan sa balitang may namumuo sa kanilang dalawa. Hindi katulad ko na simula palang ay puro bash at pang lalait ang natatanggap.
Nag pop-up sa inbox ko ang imahe ng mukha ni Clarisse. Alam kong alam niya na nakita ko na ang picture nila dahil pinusuan ko pa ito. Napaka bait ko no? Siguro issue nanaman ako bukas pagpasok ko. Kesyo tama silang di kami magtatagal at nilinlang ako ng sarili ko pang kaibigan at laging kasama.
C-in-lick ko iyon at binasa ang message ni Clarisse.
Nicey? I know your hurt. Pero sana wag kang magalit sakin. Tao lang ako at puso ko ang nagpasya nito. Hindi ko mapigilang mahalin si Jude. Sorry.. Matatanggap kong hindi mo ako mapapatawad sa ngayon. Pero sana pag okay ka na patawarin mo ko. Di ako magsasawang mag intay na maging bessy mo ulit. I'll always stand beside you like bestfriends do. I love you bessy..
Alam kong nahihirapan din si Clarisse. Pero wala pang puwang sa puso ko ang kapatawaran. Nasaktan siya pero mas nasaktan ako. At kahit anong mangyari. Mas uunahin ko ang magpakatotoong nagagalit ako sa kanya kesa sabihin sa kanilang natutuwa akong naging sila pero may inggit na namumuo sa puso ko. Hindi ko forte ang traydorin ang sarili ko.
Pipindutin ko na sana ang log out box ng magpop-up ang pangalan ng kung sinong lalaking pamilyar sa akin ang hubog ng mukha.
Martin Lawrence Cleiford
Hi Miss sinagasaan! Thank you for pushing me in the rain at sa pagtumba mo kay Marga. You'll get what you deserve, soon.
Welcome to hell sweety.Kinilabutan ako sa huling sinabi niya. No.. Hindi na dapat ako maging mahina. Inaabuso lang nila ang pagiging mahina ko. I'm too old for crying out loud. I must be strong and stoutly independent. Walang kinakatakutan. Ako na ang bagong Venice na hindi na makikilala ng lahat. Gusto nya ng away? Tutal yun nanaman ang nagiging sentro ng buhay ko ee. Gulo. Then,
Let the game begins.
BINABASA MO ANG
SHATTERED
Teen FictionSimula pa lang pagkabata hinahangaan at iniidolo na niya ang kanyang kaibigan. She deals with problems peacefully and makes smart decisions without hesitation. Isa yun sa mga hinangaan niya sa batang babaeng iyon. Sa murang edad natutunan niyang umi...