Kabanata 4- Honey

128 6 1
                                    

HI! Kung maaari po ay pakilagtawan muna ang chapter na ito at hanapin ang chapter 3 sa TABLE OF CONTENTS. Sorry for the interruption. This an unsolved error. Thank you. :-*

I was seriously staring at the ceiling. Pakiramdam ko'y siya ang karamay ko ngayon. Napaka haba ng araw na ito para sakin. Napakadaming nangyari. Napakadaming kamalasan ang nangyari. Una, pinagtitinginan ako ng mga estudyante or should I call that 'pinagchichismisan' pagpasok na pagpasok ko palang. Pangalawa, pinagbintangan akong nagkakalat ng malaswang video ng kaibigan ko pa. Pangatlo, kinaladkad ako ng isang mamang di ko kilala at for the billion tines pinagtitinginan nanaman ako. Worst, nahalikan na ako ni Satanas. Napahawak ako sa labi ko at dinama ito. Tandang tanda ko parin ang maiinit at malalambot nyang labi na kumukulong sa akin. Agad ko namang pinunasan ito na parang diring diri. Eh? Diring diri pala talaga. Muli nanamang nagflash yung scenario na yon. At may nakakuha pa ng litrato namin na nasa ganong sitwasyon.

Tumagilid ako ng higa upang tignan kung bakit umilaw ang phone ko.

1 unread message

Agad ko namang binuksan ito at nalamang isa pala itong stranger's message. Hindi registered sa phone ko ang number.

'I saw it, clearly. You don't need to hide things from me, Sissy. Oh BTW, welcome for me! I'm back!!!'

Bigla naman nabuo ang isang malaking malaking question mark sa isip ko. Sino bang baliw ang nagtext sakin nito? Agad na nabuo ang isang ideya na isa ito sa mga batang babae kaina na nakakita samin. Pero, ano namang pakealam ko kung bumalik na siya. At isa pa, malinaw na malinaw sa akin na hindi Sissy ang pangalan ko. Venice po.

Baka naman nawrong send lang siya. Pero ano yung pa 'I saw it, clearly' pa siyang nalalaman? Kinabahan naman ako sa naisip ko. Hindi. Hindi naman siguro. Hindi pa naman siguro bumabalik mula sa States si Chali. Mali ang iniisip ko.
----
Mausok at mabahong paligid ang sumalubong sakin pagbaba ko ng kotse. Hinahatid kasi ako ng isa sa mga body guards ni lola tuwing umaga kaya lang ngayon hanggang dito lang muna ako sa terminal ng jeep ba yun? May mahalagang mahalaga daw kasing business meeting si lola. Isa sa mga client nya ang bigating Hollywood actress na nagustuhan ang isang damit na dinesenyo ko. Oo, ako mismo. Yung damit na yung isang mermaid gown na may malalim na V neck line na naghahantad sa cleavage ng isang babae habang cutted naman na padiamond ang mga balakang nito. Nilagyan ko din ito ng pearl lace sa may beywang upang magmukha talagang mermaid gown. Paniguradong nasa bottom line nanaman ako nito. At hindi na bago sakin yun. Sanay na akong napapansin nang dahil lang sa talento ko sa pagguhit.

Sa pagkakaalam ko dalawang purok pa ang layo ko mula sa eskwelahan namin kaya mahaba habang gyera pa ang susuungin ko. Ngayon pa naman ang unang araw kong sasakay sa jeep. Nakakita ako ng isang bakanteng upuan sa tabi ng isang mamang matanda sa gilid na rin ng babaan. Ramdam na ramdam ko ang init ng paligid dinagdagan pa ng siksikan ng mga taong nakasakay sa jeep. Haggard is the term that is fitted in me right now.

Umandar na ang jeep at patuloy lang ako sa pagcecellphone. Meron akong app na ginagamit upang magcreate ng different kinds of gowns and dresses. I'd like the idea of a heart shaped one with beautifully twirled strap. Kinulayan ko ito ng kulang magenta upang tumingkad ang native na kulay ng kung sino mang magkakainteres dito.

Naramdaman ko ang paghinto ng jeep at ang pag akyat ng isang lalaki. Nangingibabaw ang kaniyang maangas ngunit masarap sa ilong na amoy. Halatang lahat kaming nakasakay sa jeepney ay nabanguhan dahil napalingon sila dito pero hindi ako. Umupo sya sa tabiko dahil yun nalang ang natitirang bakanteng upuan. Habang ako'y pinagpatuloy lang ang pagdadagdag ng detalye sa gown na dinedesenyuhan ko.

Huminto nanaman ang jeep at sumakay ang isang babaeng maraming dala-dalang supot kaya pag akyat niya ang natabig niya ang bag ko na nasa lap ko. Sasapuhin ko na ito ng ma-out of balance ang isa kong kamay at muntik ng mabitwan ang cell phone ko sa labas ng jeep. Mabuti nalang at nasalo iyon ng lalaking katabi ko. Iniabot niya sa akin iyon at hindi ko parin siya tinitignan dahil sa busy ako sa pag aayos ng bag ko at sa pagpapatawagld sa aleng patuloy parin sa paghingi ng tawad.

Pasasalamatan ko na sana siya ng mapagtanto kong si mamang nasa ulan. NANAMAN. Ang binalak kong pasalamatan. Great. Napaka buti ng tadhana. Tinignan ko lang siya at tinignan niya din ako pero nakangiti siya. Hindi yung karaniwan niyang ngiti na nakaka asar at hindi rin yung mayabang na ngiti. Yung ngiti na para bang kinakabahan na ngayon ko lang nakita sa kanya. Kumunot ang noo ko sa pagtataka kung bakit at napansin niya yata iyon dahil bumalik ang aura nita sa pagiging arogante at walang pake sa mundo. Ang sarap lang kutusan ng isang to!

Binalik ko nalang ang atensyon ko sa paggawa ng gown pero parang nawala na ko sa wisyo kaya itinago ko nalang ang cell phone ko sa bag ko. Naramdaman ko namang kanina pa ko tinititigan ng gunggong kaya tinignan ko na rin siya. Normal ang mukha niya. Di ko masasabing walang emosyon. Meron pero di matutukoy ng kahit na sino. Mahirap basahin ang tumatakbo sa utak ng isang demonyo. Tinaas ko ang kilay ko at nilihis niya ang kanyang mga mata sa akin. Ibinaling ko narin sa iba ang mga mata ko pero naramdaman ko nanaman ang mga mata niyang nakatutok sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya.. I lose my temper again.

"Hoy Mario! Tigil tigilan mo nga ako sa katitingin mo! Kung iniisip mong makukuha mo ko sa mga patingintingin mo katulad ng ibang babae, ibahin mo ko! Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka pa sakin!" Dinuro duro ko pa sya at halatang gulat na gulat siya at maging ang ibang mga pasahero ay nasindak din. Parang gusto ko na tuloy bawiin lahat ng sinabi ko. Ugggghhhh! Lupa lamunin mo na ko! Now na!!!

"Mario? Sino yun? Sino bang kausap mo!? Ako ba? O si super MARIO!? Hahahahaa! Laptrip ka! Di ako si super Mario! Martin ang pangalan ko! Martin Lawrence! Hindi Mario!" Patuloy lang siya sa pagtawa at nakahawak pa siya tiyan na parang hindi mapigil ang pagtawa. Napansin ko naman ang ibang pasahero na nakangiti na rin ng palihim. Para na akong nauubusan ng dugo dito sa sobrang kahihiyan. Si Manong driver din ay napatingin sa rear view mirror na nakangiti pa. Bakit pakiramdam ko ay pinagtutulungan nila akong lahat!?

Agad ko naman hinila yung tali at sumagaw ng "PARA" na halos naibuhos ko na yata ang galit ko. Lahat sila'y napalingon sakin habang si Satanas ay tawa parin ng tawa.

Iniabot ko na ang bayad ko at tuluyan nang bumaba sa jeep. Ilang kilometro pa ang layo ko mula sa University pero nakakaya namang lakarin. Kilala ko naman ang daan papunta dun dahil araw araw ko na rin itong dinaraanan. Marami rami narin ang mga estudyanteng nakikita ko na papunta rin sa University. At lahat ng nakakakita sakin ay bigla nalang bubulong sa kasama nila. At kung mag isa lang ay maglalabas agad ng cell phone. Anong problema ng mga taong to? Ano ko artista? I never experienced this kind of situation na ikaw ang pinagbubuhusan ng atensyon ng lahat. It's bothering me.

Nasa harap na ko ng gate ng university ng makita kong nagkakagulo ang lahat sa harap ng Bulletin board ng school. Ang lahat ay hindi magkamayaw na makisali. Ang iba nga'y nakikipag tulakan pa para lang makita kung anong pinagkakaguluhan ng bawat estudyante.

Lumakad ako papunta doon at nakiusyoso narin. Hindi ako nahirapan makalapit sa Bulletin dahil lahat ng mapapansin akong papalapit doon ay naggi-give way.

"Andyan na si Venice!!" Sigaw ng isang babae. Agad naman nagbigay daan ang mga estudyanteng nagkakagulo at tumahimik ang paligid. Habang papalapit ako ng papalapit sa board ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Tuluyan ng nagunaw ang mundo ko nang makita ang isang malaking litrato na nakapost sa bulletin board.

Me and him while kissing.

Hindi ako nakagalaw dahil sa nakita ko. Gusto kong maglupasay at punitin yon pero hindi ko magawa. Alam kong makakarating ito kay Granma kaya ganoon nalang ang takot ko. Sobra nang kahihiyan ang dinudulot ko kay Granma.

Agad na napalingon ang lahat kasama ako ng narinig namin ang boses ng isang lalaki.

"Honey, sabi ko wait for me e. Ikaw talaga nagtatampo ka nanaman. I love you!!!"

SHATTEREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon