Hinigit niya ang kamay kong hanggang ngayon ay hindi parin makakilos dahil sa nangyayari. Naglakad kami nang hawak niya ang kamay ko pero hindi ko alam kung saan kami patungo. Hanggang ngayon ay lumilipad parin ang utak ko. Anong Honey ang sinasabi niya!? Nasisiraan na ba siya ng bait? Nung una ay napaka hangin niya. Tapos hinalikan niya ko kahapon. Tapos nagkaroon bigla kami ng endearment ng hindi ko man lang alam kung paano. Bipolar ba ang isang to o may multi personality!? Paano na kung i-bash nanaman ako ng mga babaeng walang magawa? Tuluyan na ba akong magiging bitch sa mga mata nila? Baka sabihin nila pagkatapos na pagkatapos ko kay Jude ito namang ugok na to. Ano bang nangyayari sa bansang Pilipinas ha Venice!?
Nabalik ako sa katinuan nang lumantad sa akin ang mukha nina Clarisse at Jude. Mukha silang nakangiti tapos nung makita ako bigla nawala sa mukha nila ang ngiting kani-kanina lang ay sumisilay sa labi nila. Hinigit ni Jude ang kamay ni Clarisse at nilagay siya sa likod nito. Ano ako Lion na sasakmalin si Clarisse? I'm not that kind of a bitch para agawin siya kay Clarisse. First and for most, it's his choice not mine. Kaya bakit ko pa sila pag aaksayahan ng oras kung napakarami pa namang lalaking walang nobya diyan sa tabi tabi. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo.
Tinignan ko ang kamay kong hawak parin ni Martin at umakyat ang mga mata ko sa nakangisi niyang labi.
"Oh. Small world. Dadaan lang sana kami ng GIRLFRIEND ko. Kaya stop the glances thing." Maangas na sambit ni Martin at in-emphasized pa niya ang word na GIRLFRIEND. Ito ang kauna unahang pagkakataon na may nagtanggol sa akin. I felt safe and secured in his arms. Para bang ayoko nang umalis pa at nagpapasalamat ako na nakilala ko siya. Natutuwa ako na may taong handa akong ipagtanggol sa lahat ng kalaban ko. Ngayon ko lang to naranasan. Hindi nagawa to ni Jude sa akin nung kami pa.
"Wait bro. Wala kang kinalaman dito kaya please lang wag ka nang makialam. Si Clarisse ang dapat naming kausapin hindi ikaw. Problema namin to at hindi ka kasali." Matapang na sagot ni Jude at halata namang iniinis si Martin. Bakit pati ang kabago bagong estudyante dito ay pinapatulan niya? Is he trying to make his name on top? Siya na nga ang pinakasikat dito hindi pa ba siya masaya? Natatakot ba siya na matalo ni Martin ang kagwapuhan niya? How pitiful.
Susugurin na sana ni Martin si Jude dahil sa angas na ibinigay niya rito. Hindi kami close at ngayon ko lang sya nakilala. Ni hindi nga kami nagkakausap ng matino e, puro away. But, there's this strange feeling that I don't want Martin to be hurt by anyone else. Ayokong makita siyang nasusugatan. Ayokong magcare sa kanya pero I want him to be safe with me for some reason.
Hinawakan ko ng madiin ang kamay niyang muntik ng bumitiw sa kamay ko dahil sa pagsugod niya kay Jude. Tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo. Para ba siyang nagtataka kung bakit ko siya pinigilan. Totoo naman kasi, hindi niya kailangang masangkot sa away na hindi naman siya kasali. I can stand by myself in front of this two. Kaya kong buhatin ang sarili ko kahit wala sya dahil alam ko namang wala akong ginagawang masama. I mouthed him I can handle this. Pero sa ginawa kong iyon mas lalong nalukot ang kanyang noo kaya ngumiti nalang ako. Napakagwapo niyang tignan lalo na kapag nalulukot din ang nunal sa pagitan ng kanyang mga mata. Oh, crap! Erase that.
"Tama Honey, hindi ka kasali dito. Oh, hindi tayo kasali sa gulo nato. Walang dapat pag usapan. Problema nila to at hindi tayo kasali kaya wag tayong makialam." Sa isinatinig ko na iyon, lumiwanag ang kanina'y parang pinagbagsakan ng langit at lupang mukha ni Martin. Kasunod non ay ngumiti siya. Yung ngiting mapang asar. Hinila ko siya palayo sa madla na ngayon ay nagbubulungan nanaman. Pakiramdam ko nga'y unti unti ay nagiging artista na ko.
Dinala ko sya sa coffee shop ng school. As usual, umorder ako ng mango pie at dalawang hot choco. At sabay kaming naupo sa bakanteng silyang may pandalawahang upuang magkaharap sa tabi ng glass wall kung saan tanaw na tanaw mo ang lawak ng unibersidad. Kitang kita ko nga din ang mga estudyanteng nagpupulong pulong parin. Natuwa ako sa kaisipang nagkakaroon na ng twist ang buhay ko.
"Let this be my treat, Martin Lawrence." Madiin kong bigkas. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay ayokong ipakita sa kanyang napakalaki ng pasasalamat ko sa kanya dahil sa ginawa niya para sa akin kanina. I just want to make things normal. Dahil alam kong pag pinakita ko ang good side ko ay aabusuhin nanaman ako.
"Oh, ba't naging cold ang Honey ko?" Sambit nya sabay hawak sa kanan kong kamay at pinisil ang pisngi ko. Nagmukha namang kamatis ang lola nyo for some unknown reason. Kinikilig ba ako? Ay hindi! Naaasar ako. Tama naaasar ako sa sinabi niya! Binawi ko ang kamay ko at tinabig ko ang kamay niyang nakakurot parin sa pisngi ko.
"Honey your face!" Sambit ko na siyang ikinatawa ng gunggong. Napakababaw ng isang ito. Isang maliit na bagay ay tinatawanan agad at nakahawak pa sa tiyan. Halatang aliw na aliw siya sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa?
"Silly, princess" ginulo pa niya ang buhok ko matapos nyang banggitin yon. Ginawa pa akong bata.
Biglang may nagflash na memory sa isipan ko. Isang lalaki ang sinabihan ako ng "Silly, princess" at katulad ni Martin ay ginulo din nya ang aking buhok. Nakaupo kami sa isang lugar kung saan marami ang damo. Pero sa memoryang iyon ay blurred ang mukha ng batang lalaki. It looks like I'm 7 years old there. Pero wala akong matandaan na alaalang katulad ng ganoon sa pagkabata ko.
Napahawak ako sa aking sentido ng biglang sumakit ang ulo ko. Pinilit kong alalahanin ang alaalang iyon pefo nagresulta lang iyon ng pagsakit ng ulo ko. Pakiramdam ko'y nasa loob ako ng madilim na lugar. Parang kawalan. Walang kahit na anong bagay ang nasa paligid ko kundi ang imahe ng blurred na mukha nung batang lalaki. Hindi maresist ng isipan ko ang alaalang iyon. Hindi maprocess ng isip kong alalahanin ang bagay na yun.
"Venice, are you okay? Is something wrong?" Ang tinig na iyon ang gumising sa akin sa isang masamang panaginip. I should call that a nightmare.
Lumapit siya sa kanang banda ng aking upuan at lumuhod. Hinawakan nya ang kamay ko at tinignan ako ng puno ng pangamba. Eto nanaman siya, he's giving me intense curiosity kung bakit siya nag aalala gayong lagi kaming nagkakagalit.
"Are you okay!?" Ulit niya. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pag aalala. Nakakunot nanaman ang noo niya. Bigla namang nawala ang sakit na nararamdaman ko kani-kanina lang. Anong purpose nun? Nanaginip ba ako ng gising? Impossible!
"I'm okay, don't worry." Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa kaliwa kong kamay. I'm safe and secured in his arms. He serves as my head ache's medicine.
Ngumiti siya pabalik at kinurot nanaman ang pisngi ko saka bumalik sa upuan kasabay ng pagdating ng order naming dalawang mango pie at hot choco.
BINABASA MO ANG
SHATTERED
Fiksi RemajaSimula pa lang pagkabata hinahangaan at iniidolo na niya ang kanyang kaibigan. She deals with problems peacefully and makes smart decisions without hesitation. Isa yun sa mga hinangaan niya sa batang babaeng iyon. Sa murang edad natutunan niyang umi...