Kasalukuyan akong nanonood sa kanilang flat screen at malaking TV. Ni hindi ko mabaling ang tingin ko sa ibang bagay pagkat manghang nanonood ako ng Spongebob. Hindi ko naman masyadong napapansin ang cartoons na ito pero ngayon ay hindi ko na mapigil ang sarili ko sa paghalakhak sa mga corny ngunit benta nitong mga jokes. Kumuha ako ng 'sang dakot na popcorn at isunubo isa-isa habang tumatawa.
Nasa taas si Rence ngayon at kasama ang Rafh na sinasabi niya. Pagkatapos kasi niya akong i-introduce kay Rafh ay sumakit nanaman ang ulo ko. Sinabi niyang mamahinga muna ako at manood. Sinabi pa niyang mag-uusap lang daw muna sila ni Rafh. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang Spongebob na ito. Gusto kong ilipat pero dahil sa ka-boredom-an ay wala akong nagawa kundi panoorin ito. Pero ngayo'y nagsisisi ako dahil di ko ito pinagtuunan ng pansin noong bata pa lamang ako.
Naramdaman ko ang paglubog ng sofa sa gilid ko. Amoy palang niya ay alam na alam ko na kung sino. Napaka manly kasi ng gamit niyang pabango na bumagay naman sa kanya. Hindi ko siya nilingon dahil ayokong paglumingon ako sa kanya ay pagbalik ko ng tingin sa TV ay wala na ang palabas na Spongebob.
"Spongebob isn't an entertaining show. Why are you keep on laughing and laughing?" Hayan nanaman siya at pinakekealaman ang mga ginagawa ko. Gusto niya talagang sinisira ang araw ko. Minsan lang kaya ako sumaya ng ganito. At dahil yon sa magkaibigang si Spongebob at Patrick. Gusto ko tuloy sumali sa pagkakaibigan nila.
"Shut up. Kung wala kang masabing matino then stop talking. Can't you see? I'm focusing on it." Bulalas ko at sinundan ng isang napakalakas na tawa. Na-imagine ko ngang biglang nabasag at nagtumbahan ang mga gamit sa bahay niya dahil sa lakas ng tawa. Oh no! Nahahawa na ko sa kaweirdohan ni Spongebob!
"Tssss!" Pagkabanggit niya nun ay biglang nawala ang palabas at nalipat sa mga naglalarong basketbolista. Biglang kumulo ang dugo ko at pakiramdam ko'y umuusok na ang ilong ko.
Nilingon ko sya nang nakapoker face at napansin kong wala naman siyang hawak na remote. Hinanap ko iyon sa paligid at wala akong nakita.
"Paanong nawala si Spongebob!?" Sigaw ko sa kanya at binato siya ng isang piraso ng popcorn na tumama sa butas ng ilong niyang matangos. Gusto kong humalakhak pero naalala kong galit pala ako.
Nagkibit lang siya ng balikat at ibinaling na sa TV ang atensyon. Gusto ko siyang saktan. Halatang nage-enjoy siya sa panonood ng basketball.
"I'm talking to you!" Sigaw ko at sabay turo pa sa kanya.
Agad niya namang pinasada sa hangin ang kanyang kamay at nalipat sa Spongebob muli ang palabas. Inulit niya iyon at bumalik sa basketball ang palabas. Ilang sandali nalang talaga ay sasabog na ako!!!
Ginaya ko ang pag-sway niya ng kamay niya sa hangin sa pag-aakalang sensor ang TV niya. ngunit walang nangyari. Inulit ko pa yon at nang walang nangyari ay sinunod-sunod ko pa. Patuloy ako sa pag-gaya sa kanya.
"You look funny!" Sigaw ng isang boses ng lalaki na alam kong hindi naman si Rence. Paglingon ko ay tumayo mula sa likod ng sofa si Raf habang tumatawa at hawak pa ang tiyan. Halatang tuwang-tuwa siya sa kagagahang pinaggagawa ko. Nag apir pa sila ni Rence habang tumatawa. Gusto ko silang pag-untugin at ipatapon sa Bermuda triangle!
"Bwisit!" Sabay non ay ang pagbato ko kay Rence ng unan na saktong tumama sa mukha niya. Buti nga! Loko loko ka ha. Hinablot ko naman ang backpack ko at sinabit sa bag ko. Gusto ko nang umuwi kahit na hindi ko alam kung papaano. Magtatanong tanong nalang siguro ako kung saan ang daan papauwi sa amin. May natitira pa naman akong pera at marami pa yon.
Nagpatuloy ako sa paglabas sa kanilang village nang walang kahirap-hirap. Kung kanina'y iniisip ko kung anong sasabihin ko kapag hinarang niya ako ngunit walang Rence ang humarang sa daanan ko. Gusto kong umiyak dahil sa ginawa ng mokong na yon. Sumama pa ako tuloy ay naglalakad ako papauwi. Sasakay naman ako kaya lang wala pa akong nakikitang pampasaherong sasakyan na dumadaan.
BINABASA MO ANG
SHATTERED
Teen FictionSimula pa lang pagkabata hinahangaan at iniidolo na niya ang kanyang kaibigan. She deals with problems peacefully and makes smart decisions without hesitation. Isa yun sa mga hinangaan niya sa batang babaeng iyon. Sa murang edad natutunan niyang umi...