Tulala ako sa isang malaking stuffed toy ng spongebob na nakaupo sa hita ko ngayon. Hindi ko inakala na ginawa talaga yun ng mokong. Ang buong akala ko ay dinala niya ako sa bahay niya para pagtripan. Akala ko nga ay pinag-usapan ng mag pinsan na yun ang planong panggagago sakin. Power trip kumbaga. Akala ko nga hindi pumasok dahil baka mabugbog ko siya sa kagaguhan niya pero di naman, kung nagkataon ay di ko na siya kakausapin. Yun pala ay naghanap ng naghanap ng ganoon karaming stuffed toys! Hindi parin talaga ako makapaniwala at ngayon, hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang stuffed toys na to! Halos napuno na nga ang kwarto ko at magmukhang toy store. Hindi naman ako die hard fan talaga. Pero dahil sa kanya nagmukha akong ganon. Pero ang saya parin. Napaka.
Hinila ko ang laptop na nakapatong sa side table ko at nagsimulang mag log-in sa Facebook. Bumungad sa akin ang sabog kong notifications at messages. Ayokong buksan ito dahil ayokong saktan ang sarili kong damdamin. Ayokong saksakin ang sarili kong puso. Alam ko ang makikita ko doon. Alam na alam ko. Sa pagkauhaw palang nila sa atensiyon ni Rence ay halos magwala na sila paano pa kayang may ibang babaeng pinagbabalingan niya ng atensyon? Siguro himala bukas kung umuwi ako ng buhay, buo at walang galos. Tsk tsk.
Ini-scroll ko ang news feed ko at nakita ang post ni Bellatrix na nakatag pa sakin.
Hope Serrano. You're a bitch, flirt, whore. After mo kay Fafa Jude si Martin naman? Talaga bang nilalabas mo na ang kulay mo? Kaya namatay ang mga magulang mo e. Kasi siguro nung bata ka palang naglalandi ka na at iniwan kayo ng tatay mo. Di ka mahandle ng nanay mo kaya bigta na bes. Haha! Kawawa ka naman. Bitch Hope. Bagay! Who agree???? Comment down your feelings!Halos kumulo ang dugo ko sa sobrang pagkairita. May problema sila sakin oo, pero anong kinalaman ng nanay ko!? Wala na nga siya ganito pa ang aabutin niya? Sa totoo lang she raised me well more than they are. Para silang humawak ng kutsilyo ng pabaligtad. Sila ang sumisira sa sarili nila.
Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko buhat ang milyong milyong hinanakit, pagkamuhi at pangungulila. Agad akong napahawak sa dibdib ko at isinatig ang "Mama..." Pinahid ko ang luha ko at agad na inalala ang payo ni mama sakin tuwing may mga nambubully sakin noon.
Don't let others bring you down. Remember, they love people who give them what they want. Kung hindi ka tatayo sa pagluhod sa kanila,walang mangyayari anak. In this world, all of the people are holding a knife pero ang masama dun hindi mo alam kung sino. Kaya maging ikaw kailangan mong humawak ng kutsilyo para sa ikabubuti mo. Fighting for your right is not bad. Tumayo ka. Alam kong kaya mo.
Sinilip ko ang comment box at mayroon itong 504 comments at 964 likes. Wala pa nga halos nangyayari ganito na agad. Haaayy, wala nga dating laman ang account ko ngayon ay nag-uumapaw na. Di nga lang positive dahil puro bash ang nakikita ko.
Sa hindi ko alam na rason ay sinilip ko ang messages at nakita ko doon ang isa sa mga message ni Rence. Pinindot ko ito dahil sa kagustuhang mabasa ang nakasulat doon.
BINABASA MO ANG
SHATTERED
Teen FictionSimula pa lang pagkabata hinahangaan at iniidolo na niya ang kanyang kaibigan. She deals with problems peacefully and makes smart decisions without hesitation. Isa yun sa mga hinangaan niya sa batang babaeng iyon. Sa murang edad natutunan niyang umi...