Matapos naming kumain ay dumeretso na ako sa unang subject ko ngayong araw. Eto nanaman ako sa prof kong walang kwenta mag turo. Kaya eto ako, tulala nanaman.
Paano nangyaring naging Honey ko ang isang taong di ko nga alam ang buong pangalan. Tapos nahalikan pa ko ng impakto. Napapansin ko these days natutuwa akong tawagin siya hindi sa pangalan niya. But, in a different way. Yun bang pang ingkanto. Kahit na alam ko naman na gwapo siya at hindi bagay sakanya ang mga ganoong klase ng palayaw pero nagbibigay sa akin ng kakaibang saya ang simpleng pagtawag ko sa kanya sa ganoong paraan. Gwapo siya pero bipolar, minsan ay masungit, minsan mahangin, may panahong mabait tapos biglang magiging sweet. Anong problema niya sa utak?
Napawi naman ang malalim kong pag iisip nang ihampas ni Mrs. Bonifacio ang stick niyang panturo sa desk sa harap. Pagtingin ko ay nakatingin siya sa akin. Ang sama ng tingin niya. Nasight ko rin naman ang iba kong kaklase na nakitingin din lalo na si Bellatrix. Nakangisi pa siya. Wala talagang ginawa ang babaeng to kundi mang asar. Siguro'y itim ang dugo na nananalaytaybl sa katawan ng bruhildang ito. Minsan nga gusto kong isipin na baka mangkukulam ang isang ito e.
Ginantihan ko siya ng isang ngiti. Ngiti na hindi nag hahamon ng away. I'm not a war freak though it looks like. Hindi ko ugali ang mang away ng kung sino sino lang. Ayokong bumaba sa lebel niya kaya nginitian ko na lang. Sabi nga nila, kill your enemies with kindness. Kaya eto, ginagawa ko na.
Sunod ko namang tinigan ang professor ko. Nakatingin parin siya sakin at parang sinisiyasat ang buong pagkatao ko. Agad ko namang hinawakan ang mukha ko upang maghanap ng kung anong dumi. Wala naman. Bakit ako tinitignan nito from head to toe? Alam kong payat ako at pader pero di ko naman pinagmamalaki ang katawan kong pwede ng ibandera sa Science lab para maging isang skeletal system model.
"Ma'am? Something wrong?" Tanong ko at saka tumayo. Pinagtinginan ako ng mga kaklase ko at biglang nagsibulungan. Para silang may sariling mundo at parang wala ako sa harap nila para magbulungan. Binaling naman ni Ma'am ang tigin niya sa pinto ng room namin sabay sabi ng "Class dismissed" at nagpatiuna na ang mga kaklase ko sa paglabas.
Palabas na sana ako ng mabunggo ako ni Bellatrix. Let me rephrase it, binunggo ako ni Bellatrix. Walang aksidente o hindi sinasadya sa bokabularyo ng babaeng yon.
"Opps! Sorry. Akala ko pader." Sabi niya sabay tawa pa kasama ang kanyang mga alipores.
"It's okay. Hehe." Muli binaril ko siya gamit ang kabaitan. Sana naman kahit papaano e tinablan siya.
Agad kong pinulot ang mga libro kong nahulog kanina mula sa aking kamay dahil sa di DAW sinasadya ni Bellatrix na mabunggo ako. Hmp! Leche. Napansin ko nalang bigla na may kamay na tumutulong sa akin sa pagpulot ng mga gamit. Pag angat ko ng mukha ko ay si Jude ang nabungaran ko.
Suddenly, heat ranges my body. Nakaramdam ako ng galit dahil sa pag aalalang pinagbintangan nila ako at dinungisan nila ang pangalan ko. Sa kabilang banda, nakaramdam ako ng pangungulila. Pangungulila na mayakap at makausap siya like we used to do. Pero alam kong hindi na maibabaik ang nakaraan. Iba na ang sitwasyon. Hindi na siya akin. Pero di ko mapigilan ang sarili kong titigan ang mukha niya. Kahit iyon na lang ay okay na sa akin. I just missed every part of him.
Tumayo ako at kinuha na ang librong pinulot narin niya para sa akin. "Thank you" tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang braso ko. I don't want to mention it pero kanina pa sya sa klase namin di mapakali at tingin ng tingin sakin. Hindi yung tingin katulad dati nung mahal niya pa ako at wala pang iba sa puso niya. Yun bang may ninanais siyang sabihin? If I know lalaitin nanaman niya ang pagkatao ko. Masyado nang masakit yung ginawa nilang pagpapahiya sakin noon. That's enough.
"Venice.." Gusto kong lumuhod at mag makaawang bumalik na siya sakin at mahalin niya muli ako. How I missed that voice of his. Yung boses niya kapag nilalambing niya ako at nagkakagalit kami. Kahit anong pilit kong kalimutan siya at magtanim ng galit sa puso ko para sa kanya dahil sa panloloko niya sa akin, hindi ko maialis sa puso ko ang pagmamahal na alam kong para sa kanya lang. Nanlalambot ang tuhod ko dahil sa pagdampi ng balat niya sa balat ko at dahil sa pagbigkas niya sa pangalan ko tulad ng dati..
"May sasabihin ka pa?" Pinilit kong maging matapang ang boses ko at kunwa'y wala akong pakialam at hindi ko siya namimiss. Kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko. Sarili ko nalang ang meron ako. Kinuha na nila ang lahat sa akin at wala nang mawawala sakin pero kailangan kong magpakatatag. Ayokong maghabol sa taong kahit kailan ay hindi pinahalagahan ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at yumuko. Magsasalita na sana ako ng biglang may palad na tumakip sa mata ko. Nagpumiglas ako ng nagpumiglas dahil kailangan kong kausapin si Jude at idagdag pa ang fact na hindi ko kilala ang taong ito. He's pissing me right now.
"Don't dare touch my girl. Back off." Dahil diyan ay nalaman ko kung sino ang nagnagtatakip sa mata ko. Martin Lawrence. Pinanindigan na talaga ng gagong to ang pagtawag ko sa kanya ng Honey. Eh panakip butas lang naman yun. Kasi nga ayokong maging mahina sa harap ng lahat.
Hinila niya ang kamay ko palabas sa room namin. At iniwang nakatanga si Jude doon. Ano bang problema nito? May sapi nanaman ba siya? Hindi ako magugulat na one day sasabihin niya sa akin na kulang siya sa buwan. Para kasing may mali sa utak niya e. He's acting weird.
"Hoy! Kita mong kinakausap ko yung tao tapos hihilahin mo ko? Di kaba tinuruan ng good manners and right conduct sa New Jersey? Para kang walang pinag-aralan!" Sigaw ko sa kanya habang kinakaladkad niya ako patungo sa kung saan. Binalingan niya ako at huminto sa paglalakad. Sumilay sa kanyang mga labi ang ngiti. Yung grin niyang nakakainis.
"Bakit mo alam na sa New Jersey ako nag-aral? Inii-stalk mo ba ko ha?" Umarte naman ako na parang nasusuka sa pinagsasabi niya. Totoo namang nakakasuka e. Ano ko stalker niya? Malabo!
"Never in my wildest dreams, Mr. Cleiford. Besides, si Jude ka ba para ii-stalk ko?" Saad ko sabay bawi ng kamay ko sa pagkakahawak niya.
Tinitigan niya ako gamit ang kanyang kulay tsokolateng mata na parang tinutunaw ako. May iba sa kanyang mga titig. I felt something familiar in his own way of staring me. Parang may something na ipinahihiwatig ang kanyang mga titig ngunit di ko parin mabasa sa mata niya kung ano ang naglalaro sa isip niya. Unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi niya at napalitan iyon ng isang blangkong mukha. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng guilt. Did I say something wrong? Sa pagakakaalam ko wala naman. Sa palagay ko'y limang minuto lang kaming magkatitigan at sa isang iglap ay hinila nanaman niya ang kamay ko palakad..
BINABASA MO ANG
SHATTERED
Teen FictionSimula pa lang pagkabata hinahangaan at iniidolo na niya ang kanyang kaibigan. She deals with problems peacefully and makes smart decisions without hesitation. Isa yun sa mga hinangaan niya sa batang babaeng iyon. Sa murang edad natutunan niyang umi...