Kacey's Pov
First Day of School!
I'm Not Excited.
Kung pwede lang talaga umabsent araw araw, ginawa ko na.
Pero joke lang no! May Future pa ko.
"Ate Kacey!"
"Oh? bakit di ka pa nagbibihis, sabay na tayo malapit lang naman school niyo samin."
"Wala kaming pasok ngayon"
"Sus! Kayo walang pasok? Kitang-kita nga dun sa poster niyo sa school yung date eh!"
"Oo na ate may pasok na ko, ayaw ko pa pumasok kasi, wala yung crush ko, di kami magkaklase."sabi niya na malungkot.
"Naku! umiibig na ang pinsan ko." sabay gulo ng buhok niya.
Minsan lang kasi yan magka-crush.
Pero ganyang edad isip bata pa ko no! Kasi Grade 6 palang yan, umiibig na, ano to?? Love? Psh. Ano bayan love love na yan para lang yan sa mga taong gusto na may kasama at sa mga taong gusto nang lambing, lalambingin ko na lang gyung aso namin mas maganda pa.
****
School
"Hello ate!, nasan po yung classroom ng 4th year highschool?" sabi ko dito kay ate guard.
Huh? bakit biglang kumunot yung noo ni ate??
"Seriously? dito ka nag aaral? student ka ba dito?"
Aba,aba! kapal ng mukha neto ahh!
porket mukhang pang-mahirap lang yung suot ko nagfefeeling mayaman ka na?
"Oo, Ate student siya dito bakit? gusto mo mapatalsik sa school?" aba sino ba to! umakbay pa sakin ah?
Feeling Close lang?
"A-ay sory po sir akala ko po kasi hindi student?" ano ka ngayon?
Pero teka, pogi pala to ah, yummy!
"Bro, tama na yan pumoporma ka nanaman ah.." Yummy din to!
Actually 5 silang yummy! hahahaha! Pero parang mga badboy! Sana di ko sila kaklase.
Ay teka!
"Hoy! alisin mo nga yang kamay mo, ang baho kaya, porket gwapo ka eh... basta ang kapal ng mukha mo!"
tapos mabilis na kong tumakbo pero sa katangahan ko! Nadapa ako! Aish, kainis ang first day ko!
"Miss! Ganda ng pose mo ahh! ilan nakuha mong isda! penge naman!"
tumawa pa silang lahat ng malakas!
Ang po-pogi sana ang sasama naman pala ng mga ugali!
Pero may mga anghel na bumaba para tulungan ako.
"Miss tayo ka na jan wag mo na silang pansinin, they are all idiots!"
tapos inabot niya sakin yung kamay niya! at siyempre kinuha ko yun at pinagpag yung uniform ko.
"Thank you." sabi ko. Wow, ang ganda niya ah! di ko 'to inaasahan kasi akala ko mga masasama ang mga ugali ng mga student dito. pero baka yung iba ganun.
"Your welcome, Ako nga pala si Yumi Alonzo!" sabay abot niya sakin ng kamay niya. cheerful niyang sabi.
Ang CUTE!
"Ako naman si Kacey!. Kacey Maniago." at inabot ko yung kamay niya at nakipag shake hands.
"Ito nga pala yung mga iba 'kong friends, siya si Alex, Sopiah and Nicole."
BINABASA MO ANG
Mr.Chinito
Teen FictionMeet Kacey isang teenager at walang iniisip kundi ang studies niya. and her lovelife, wala muna yun sa kanya bakit? Kasi ayaw nyang masktan pa ulit. Kaya ayaw niyang magmahal na ulit.pero, paano kung biglang may mga drums na tumunog sa dibdib niya...