Chapter 27- Rain

17 0 0
                                    

Kacey's Pov

"Kevin! Tama na umalis na tayo. Hayaan mo na yang mokong na yan!"

Hinila ko na si Kevin bago pa niya mapatay si Clarence.

"SANDALI! Bakit ba pinipigilan mo ko? Tarantado yun eh!" pupunta pa siya sana kay Clarence pero hinila ko ang braso niya.

"Huminahon ka nga Kevin! Okay lang ako okay lang." yinakap niya ko na dahilan ng pag-kagulat ko.

"Okay ka lang ba talaga? Nag-aalala ako sayo Kacey,hindi ako mapakali kanina nang dahil sa'yo,"

Kumalas siya sa pag- kakayakap sa akin at hinawakan ang mukha ko habang pinupunasan ang luhang umaagos sa mga mata ko.

"Mahal kita Kacey...nag-lakas loob na kong sabihin ito sa iyo dahil ayoko na may kaagaw na iba sa iyo,"

Tumingin ako sa mga mata niya. Hindi ko alam kung mahal kita Kevin. Pasensya na kung masyadong tanga ang puso ko.

"So-sorry." sabi ko sa kanya at tumakbo pa layo sa kanya.

Bumuhos ang ulan maya-maya lang. Kasabay ng mga ulan ang pag-agos ng mga luha ko.

"KACEY, NASAN KA?" narinig ko ang sigaw ni Clarence kaya tumakbo na ko palayo bago pa niya ko maabutan.

"Kacey? Magpakita ka!" palakas ng palakas ang ulan kaya nahihirapan na ko tumakbo dahil madulas ang daanan.

"WAAAA---"  Napasigaw ako dahil may humila sa akin papunta sa makitid na eskinita.

"Si-sino ka?" hindi ako mapakali dahil halos magkadikit na ang katawan namin.

"Shhh...wag kang maingay. ako 'to si Kevin."

Hinubad niya ang jacket na suot niya at pinatong sa ulo naming dalawa.

"Dumikit ka sa akin Kacey para di ka masyadong mabasa."

Dahil naiilang ako sa ginawa niya, hindi pa rin ako dumikit sa kanya.

"Kacey! Magpakita ka na. Gusto kitang makausap!" nagulat ako ng sumigaw si Clarence malapit sa pinag-tataguan namin.

Dahil na rin sa gulat at sa takot na mahuli kami ni Clarence, napayakap ako Kevin.

"I Love you Kacey..."

Hindi ko na narinig ang sinabi ni Kevin dahil ang sarap sa feeling. Napaka komportable ng puwesto ko kaya nakaramdam ako ng antok.


Mr.ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon