Kacey's Pov
"Pa'no ba yan Kacey? Una na ko ha, May lakad pa ko eh. Ingat sa pag-uwi!" Sabi sa'kin ni Mark at Nag-smile sa'kin sabay alis na.
Naiwan ako dito sa upuan na naka titig sa lalaki na nasa kaliwa ko.
Ako ba ang hinihintay niya?
Possible din kasi eh. Clarence? Poging C? Baka mamaya hindi naman pala ko ang hinihintay niya. At sa huli, Magiging assuming ako.
"Bahala na nga..." Pabulong kong sabi na parang problemado na problemado ako.
"Miss, Pwedeng Magatanong?"
Nakaramdam naman ako ng may nagsasalita sa harap ko pero naka yuko parin ako. Wala ako sa mood makipag usap ngayon.
"Nagtatanong ka na nga eh,"
"Suplada naman. Pero, taga diyan ka ba sa school? Gusto ko sana tanungin kung anong oras ang uwian ng 4th Year?"
"two,"
"May kilala ka bang Kacey Maniago na 4th year?"
Napalaki ang mata ko sa sinabi niya at inangat ang ulo ko para makita ang nasa harap ko.
"Ay sorry, mukhang di mo kilala eh. By the way, ako si Clarence Javier."
Nakangiting sabi niya at ini-strech ang kamay niya , which means gusto niyang makipag shake hands.
Tinignan ko lang ito at nagsalita.
"Bakit mo nga pala hinahanap si Kacey?"
"Friend ka ba niya?"
"Yeah."
"So, Pangalan mo?"
"Ha-Hannah,"
Nahirapan pa ko mag imbento ng pangalan, at ang una lumabas sa isip ko ay si Hannah Montana. Di ko alam pero yun na eh.
Mas mabuti sigurong mag panggap ako na ibang tao.
"Hannah Montana? Just kidding!"
"Ano ang kaylangan mo sa kaibigan ko?"
"Liligawan ko sana siya eh,"
"Grabe, Straight to the point talaga?"
Sabi na eh, Hindi pwede 'to.
"Parang familiar ka. Nagkita na ba tayo dati?"
Parang nagkita na talaga kami nitong lalaki na 'to. Di ko na matandaan eh.
"I think yes, namumukhaan din kita."
Napataas ang kilay ko. He's Creepy.
"Aalis na ko, Bye." akmang aalis na ko ng tawagin niya ko at hawakan sa kamay.
Napatitig ako sa kamay ko.
"Sorry, Wag ka munang umalis kumain muna tayo ng kikiam,"
Nag- aalangan pa ko sumama sa kanya pero,
"Libre ko."
"Halika na ang bagal-bagal mo."
***
"Tahimik ka ba talaga, Hannah?"
Anh sarap-sarap ng kain ko ng kikiam ng mag salita siya.
"Di pa ba obvious?"
Di ko alam pero wala talaga ako sa mood kausapin ang lalaki na 'to. Parang may masamang balak siya sa'kin eh.
"Bakit mo nga pala liligawan si Kacey?"
Di na talaga ko makatiis na tanungin sa kanya 'to. Tutal kilala niya ko as Hannah susulitin ko na 'to, at ito ang naisip kong way para malaman kung ano talaga ang gusto niya kay Kacey.
"Stalker ka ni Kacey no?"
"Actually Yes,"
"Huh?"
"Pero di ko siya kilala sa mukha. Wala siyang profile picture sa fb, Wala din photos, puro game request lang,"
"So ano ang alam mo sa kanya?"
"Nakita ko sa profile niya na dito siya nag-aaral. So nag transfer ako ng school para makita siya at makilala,"
"Wow, San ka bang school dati?"
"Sa states. Pero dahil lumipat ang family ko dito sa Philippines, lumipat na din ako,"
"Pano pag di mo siya nakita?"
"Atlis nakilala ko ang kaibigan niya at tutulungan niya ko na makita si Kacey,"
"Yuck no way. Di kita tutulungan makita si Kacey kahit ilibre mo pa ko ng madaming kikiam. Baka mamaya rapist ka pala at may gawin kang masama sa kaibigan ko,"
"Ang lalim mo mag-isip, edi sana rinape na kita ngayon."
"RAP---"
Sisigaw ako ng Rape ng tinakpan niya ang bibig ko.
"Manahimik ka nga! Pero serious na, tulungan mo ko sa kaibigan mo,"
"N.O.W.A.Y! Manigas ka!"
"Please?
"Ayaw,"
"Please?"
"Ayaw, ayaw, ayaw!"
"Bibilhan kita ng Madaming madaming Chocolates!"
"Diabetic ako!"
"Poster ni Daniel Padilla?"
"K-Pop fan ako."
"Eh anong gusto mo gawin ko para pumayag ka?"
"Mag bigti ka,"
"HA?! Ang harsh mo naman masyado!"
"Talaga,"
"Bakit ba kasi ayaw mo?"
"Pake mo ba?"
Kasi naman Clarence, Pano kita tutulungan eh ako si Kacey.
"May boyfriend ba si Kacey? Kaya ayaw mo kong tulungan?"
"Kasi kung meron, Titigilan ko na siya..."
Bigla naman akong na guilty. Sasabihin ko ba sa kanya na may boyfriend na ko?
"Hindi kasi..."
"Ano?"
"May ano..."
"ANO! Sabihin mo sa'kin Hannah!"
Nagulat ako ng sumigaw siya kay napaatras ako.
Hannah.. Hindi yan ang pangalan ko Clarence.
"May nag papatibok na sa puso niya,"
Nagulat din ako sa sinabi ko sa kanya.
"Sino sabihin mo!"
"Si Kevin Makisig."
***
A/N: Sorry sa mabagal na update. Pero pagtiisan niyo na malapit na 'to matapos XDThanks for Reading!
BINABASA MO ANG
Mr.Chinito
Teen FictionMeet Kacey isang teenager at walang iniisip kundi ang studies niya. and her lovelife, wala muna yun sa kanya bakit? Kasi ayaw nyang masktan pa ulit. Kaya ayaw niyang magmahal na ulit.pero, paano kung biglang may mga drums na tumunog sa dibdib niya...