Chapter 26- About Him

27 0 0
                                    

Kevin's Pov

Ang tagal ni Kacey, kanina pa ko antay ng antay sa babae na yun.

Tinignan ko ang yung watch ko.

3:25 PM
11.22.14

Shemay. Nasan ka na ba! Kanina pa ko alas-dose nandito ha.

"Bro, nakita ko na si Kace--"

"Nasan! Bakit di mo kasama?"

"Nandun siya sa may likod ng scho--"

Hindi ko na siya pinatapos pa at tumakbo na papunta sa likod ng school.

M-I-C-K-E-Y M-O-U-SE!

MICKEY MOUSE CLUBHOUSE--

Peste sino nag iba ng ringtone nito?!

Sinagot ko ang tawag.

"Hello! Mamaya ka na tumawag kung sino ka man! Bwisit!"

"Sandali lang! Wala si Kacey sa Park."

Tinignan ko ang caller at si Mark pala 'to.

"Ha?! Kakasabi mo lang sa'kin kanina ha."

"Eh kasi di mo ko pinapatapos eh. Nasa likod siya nang school kanina. Pero ngayon, mukhang wala na siya dun."

"Sasapakin talaga kita! Bye na leche!"

Binababa ko na ang tawag.

Hinanap ko si Kacey kung saan-saan. Pumunta na din ako sa likod ng school pero wala siya dun.

Sinubukan ko na din siyang tawagan pero naka-off ang cellphone niya.

San ba yun pwedeng pumunta ha?

Napaupo ako dito sa bench sa likod ng school.

Bakit kaylangan ko makita si Kacey? Gusto ko lang sabihin sa kanya na mag-ingat siya sa lalaking nagpadala ng letter sa kanya.

Si Poging C.

Ang pinaka masamang taong makikilala mo. Kaya niyang saktan lahat ng tao kahit babae pa 'to.

Pag hindi niya nakuha ang gusto niya, kukunin niya ito kahit may masaktan pang iba.

Bakit alam ko yung tungkol sa letter? Nakita ko siya kanina, Kasama ang tropa niya at si Vannesa.

Di ko alam kung kailan pa naging close yun kay Vannesa.

Matagal na siya sa school at lumipat sila ng family niya last last year ng states dahil nandun ang Ate niya.

Kasama siya sa Fraternity. Ka tropa din nila ako dati pero nang nalaman ko na gusto nila ako isali sa fraternity, lumayo ako sa kanila.

Yung girlfriend niya na si Jasmine sinasabi na inagawa ko daw ito sa kanya. Pero kasalanan ko ba na mas maayos ako sa kanya at ako ang pinili ni Jasmine?

Parehas namin siyang liniligawan 'non, pero hindi kami mag kaaway nun dahil nga matalik talaga kaming mag kaibigan.

Pero simula nang umalis ako sa grupo nila

Sinabi pa nila pag may inagaw pa ako sa kanya, papatayin niya daw ako.

Pero hindi ako natatakot sa kanya.

Sino naman ang aagawin ko sa kanya? Wala naman.

Pag-nagmamahal si Clarence, todo-todo. Masyado siyang possesive pagdating sa babaeng gusto niya.

At pag nag mamahal siya totoo.

Napa tingin ako sa kaliwa ko, may roses.

Pinulot ko ito at tinignan kung may pangalan.

Pero halos lumuwa ang mata ko ng makita ang nakalagay sa card.

To the person I LOVE, Kacey.

"TULONG!"

Sandali, parang boses ni Kacey yun ah.

Linapag ko ang roses at Tumakbo ako at hinanap ang boses na yun.

"TULONG!"

Wala ng tao dito sa likod ng school dahil mag gagabi na rin.

"TULONG!"

Kinakabahan ako. Kacey nandiyan na ko.

"TULONG!"

Tumatakbo pa rin ako at sinusundan kung saan nang gagaling ang boses na yun.

Napatingin ako sa isang eskinita at nakita si Kacey na sinasaktan ng isang lalaki.

"KACEY!"

Sinugod ko ang lalaking pilit sinasakal si Kacey.

Sinuntok ko siya. Sinipa sa mukha. Sinikmurahan. Sinusubukan niyang manglaban pero huli na, napahiga ko siya at dun ko siya pinag susuntok.

Kung pwede nga lang papatayin ko na siya.

Gigil na gigil ako kaya hindi siya makasuntok sa akin.

Sinipa ko ang 'bagay' niya na naging dahilan para mamilipit siya sa sakit.

Akmang susuntukin ko na siya pero napatigil ako ng marealize ko na...

Ang kanina ko pa sinasaktan ay

Siya si Clarence.

Mr.ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon