Chapter 24- A.K.A

24 0 0
                                    

Kacey's Pov

Nandito ako sa classroom tinititigan yung letter na ibinigay sa'kin. Uwian na namin at hindi ako makapag- decide kung pupunta ba ko o hindi.

Malay mo naghihintay siya dun tapos ako itong hindi siya sinipot. Mamaya mag suicide pa 'yon dahil lang hindi ko siya sinipot.

Ganon na ba ko kaganda para mag- pakamatay siya?

"Di ka pa ba uuwi Kacey?" tanong sa'kin ni Alex.

"Mamaya na. Wala din naman ako'ng gagawin sa bahay eh,"

"Sige uuwi na ko ha. Ingat ka." nginitian ko lang siya at tuluyan na siyang umalis.

Sino ba kasi 'tong Poging C na ito?

"Pumunta ka na kasi. Wala naman siguro mangyayari diba?" Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Ma'am Javier?"

"Yes the one and only. Pumunta ka na sa likod ng school. Mamaya mamugto na ang mga mata nun kakahintay sa'yo."

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi ni Ma'am.

"Huh? Bakit niyo alam Ma'am?"

"Kanina ko pa yan nabasa nung nag-uusap tayo. Hawak-Hawak mo kaya yan."

Sige ako na shunga.

Pero kasi naguguluhan ako eh. Mamaya pag pumunta ako dun possible din na may mangyari sa'kin na masama. Malay mo sindikato pala yun diba?

Pero possible din na mabait talaga siya. Pero nakuku- curious lang ako sa importante niyang sasabihin eh.

"Pumunta ka na kasi. Malay mo siya na pala yung hinihintay mo na si 'The One'. Hahaha."

"Pero...."

"Wala nang Pero-Pero Kacey. Dalian mo na!"

"Hay! Sige na nga po! Bye Ma'am!" Sigaw ko sa kanya at takbo sa likod ng school."

Nandito na ko malapit sa likod ng school nang napahinto ako at tinignan yung letter na hawak ko parin.

"Here I come Poging C."

Nasabi ko na lang. Bago ako magpatuloy sa pagklad, nag buntong hininga muna ko ng bonggang-bonggang. This is it Pancit!

***

"Po-poging C?!" Nag-aalangan pa kong isagaw yung salita na iyon. Kadiri kaya! Mamaya mukhang aso pala yun eh.

"Hey! Hindi ka ba Magpapakita sa'kin!" Sigaw ko parin. Pag hindi pa talaga 'to nagpakita sa' kin aalis na ko.

Usapan namin 2 ng hapon pero siya naman pala 'tong wala.

Ang dami mo kasing kartehan kanina. Kung hindi ka pa kinausap ni Ma'am Javier hindi ka sisipot sa usapan niyo.

Argh! Pesteng konsensya! Pero oo nga, baka umalis na siya at... At.. Nagpakamatay dahil hindi ko siya pinuntahan dito? Ang ganda ko naman masyado para mag-suicide siya.

Wag kang assuming Kacey. Nasa second level ka pa lang Ng kagandahan. Wala ka pa sa level nila
Sarah Geronimo. Tsk.

Ewan! Manahimik ka diyan! May level-Level ka pa diyan nalalaman.

"Am--Am...Kacey?" Napatingin ako sa likuran ko.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita ang lalaking nasa harap ko ngayon. Parang nag slow motion ang buong paligid at may effect pa na lumilipad na dahon, plastic at mga plastic ng candy.

"Am.. Kacey okay ka lang?" Nagulat ako ng bigla niya 'kong alugin. Sinarado ko yung bunganga ko dahil baka tumulo pa ang laway ko ng dahil sa kanya. 

Alam 'kong may James Reid na ko sa buhay ko pero pasensya na James my loves, ang Hot kasi niya eh. Mangangaliwa muna ko sa'yo pangsamantala.

"Ay pasenya na miss, hindi ata ikaw si Kacey? Kasi yung titiig mo sa'kin eh...."

"Ay hindi! Ako 'to si Kacey, Kacey Maniago. Ikaw ba si Poging C."

"Poging C? Who's That?"

"Ha?! Ah.. Eh... Akala ko ikaw si ano..."

"Hahaha! Ikaw talaga Kacey. Ako to si Mark, Best friend ni Kevin. Pinapahanap ka kasi niya sa'kin eh."

Yun na eh! Akala ko siya na eh. Peste shemay. Mukha 'kong shunga dun.

"Pero Kacey alam ko kung sino yung hinahanap mo."

"Ha Sino? Nasan!"

"Ayun oh," sabay turo niya dun sa bench na nasa left side namin.

Lalaking Naka-upo at may hawak na flowers at naka school uniform pa At mukhang may hinihintay.

"Si Clarence Javier. A.K.A Poging C."

***
A/N: Thank You for Reading this guys! May New character tayo. Please Vote and Comment. Thanks!

Mr.ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon