Chapter 30-

74 1 1
                                    

Kacey POV

Pagkatapos ko pumunta kay Kevin kanina, nandito ako ngayon sa Mall kasama siya.

Actually, dapat si Vanessa daw ang kasama niya kaso lang ayaw niya dahil napaka landi daw nun. Baka pag-bitbitin lang daw siya ng mga pinamili niya.

Nagyaya siya ngayon dahil gusto niya raw ma-celebrate ang first day as couple namin.

Ako naman siyempre,sobrang kilig.

Oo, may gusto na talaga ako sa kanga nung una pa. I tried to hide my feelings pagkatapos niya ko yakapin ng mahigpit nun at tinawag pa niya kong princess.

Hindi ko alam kung bakit pero, halos tibok lang ng puso ko ang tanging naririnig ko nun at ang bawat salita niya lang.

Pagkatapos niyang sabihin lahat ng iyon, di ko alam kung kikiligin ako dahil ma-mimiss niya raw ako at tinawag pa niya kong my princess.

Pero, meron din sa isip at puso ko na gulong-gulo ako at madaming tanong.

Bakit niya ko ma-mimiss?

Mahal niya na ba ko?

Kung mahal niya ko, seryoso ba siya?

Kaya niya ba kong buhayin pag patay na ko?

Erase, erase! Wala yung huli XD

Basta, madami talaga.

Kaya may naisip ako. Pupunta ako sa bahay nila para makasama siya at mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na bumabagabag sa isipan ko.

Pero may epal.

Pumunta ang papa ni Kevin dito sa bahay at kinausap ako. Di ko alam kung pano niya nalaman ang address ako.

Ang sabi pa niya sakin,

"Kacey, right? May gusto akong ipakiusap sa'yo. Hindi  ka magandang impluwensya sa anak ko kaya please, layuan mo siya?"

"Grabe, kung manghusga naman kayo. Bakit magandang impluwensya din po ba kayo? Eh yung ugali niyo nga daw po sobrang masama tapos ako pa tong sasabihin niyo ng ganyan?"

"Leche---"

" O, diba, makapag mura nga kayo diyan ang lutong!"

"Okay---"

"Tapos ngayon naman bait-baitan kayo? Minsan talaga hindi po talaga maintindihan ang ugali---"

"TUMAHIMIK KA NA LANG! ANG GUSTO KO LANG LAYUAN MO ANG ANAK KO. SHUTANGINERNS!"

Pagkatapos ng eksena na iyon, lumayas na siya.

Ako naman maiyak iyak dahil iyon na eh, mahal ko na siya. Tapos may hahadlang pa?

Kaya tinuloy ko yung plano ko at pinuntahan si Kevin.

Buti na lang at nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko at  naging kami.

"Kacey, kumain ka na. Tulala ka masyado diyan."

Nagbalik ako sa realidad at nag-umpisa ng kumain.

"Kevin, pano si Vanessa?"

"Hayaan mo yun. Hayaan mo siyang malaman na tayo na," sagot niya.

"Diba alam naman niya talaga na tayo na?"

"Tayo na, in real. Yung hindi kunyari lang."

Nag-smile lang ako sa kanya.

Masyado kasing epal si Vanessa eh.

Ano kayang pwedeng gawin ko diyan?

Ipa-salvage ko na lang kaya? Haha.

---

Happy New year everyone! Mwah :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr.ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon