"Kacey! May pinapakuha daw sa'yo si ma'am Javier. Nandun siya sa may faculty." sabi sakin ni sopiah. Lunch break nanamin ngayon. Hay, siguradong uutusan nanaman ako ni ma'am niyan.
"Kacey, Punta ka nalang sa canteen ha. Hinihintay din namin si nicole eh." sabi ni alex.
Tumango nalang ako sa kanila at kinuha na yung gamit ko. De-deretcho muna ako sa locker para ilagay yung gamit ko.
"Kacey!" Napatingin naman ako sa kanan. Wala naman. Sa kaliwa wala din. And lastly sa likod, pero wala din. Humarap ako at laking gulat ko na nasa harap ng maganda kong mukha si kevin. Halos ilang inch nalang din at pwede ko na siyang sapukin sa mukha. Umatras ako at linagpasan siya.
"Ay, snob."
"Anong snob?! Ano ka helo? Nagkiss na nga tayo dati tapos anong gusto mo mangyari ngayon Magkiss tayo ulit?" sigaw ko sa kanya
"Oh my Gosh. Nag kiss na kayo ni kevin!?" Pagkatalikod ko nagulat ako nang nandun si Alex,Nicole at Sopiah.
"Hindi ah! Aksidente lang yun!" depensa ko sa kanila.
"Hmm. Hindi ah, pero by ACCIDENT. Hahahahaha." Sabay-sabay nilang tawanan at pati 'tong si kevin nakikitawa na rin.
AHHH! LESHE!
***
Dumeretcho na ko ng locker at baka magalit sakin si Ma'am Javier pag hindi pa ko nag punta sa kanya.
Chineck ko muna yung gamit ko kung ayos or may kulang bago ko bukasan yung locker ko.
Pero pagkabukas ko may sulat na nahulog. Pinulot ko yun at binasa.
Dear Charo, Ay este,
Dear Kacey,
Hi kacey! Gusto sana kitang makausap importante lang. Magkita tayo sa likod ng school. Mamayang 2 PM uwian niyo.
From,
Poging CHuh? Sino 'to? Poging C at grabe lang ang confidence sa sarili ha.
Pupunta kaya ko? Bahala na.
Pumunta na ko sa faculty at ready na ang katawan ko kung ano man ang uutos ni Ma'am.
"Ma'am Javier..."
Tawag ko ko kay ma'am habang kumakatok.
"Huy friend! Halika dali upo ka dito may chismis ako sayo. Hahaha." biglang sulpot ni ma'am habang may dalang tablet.
Ganyan kami ni ma'am para lang kaming barkada pero pagdating sa mga utos,grades at school walang barkada-barkada sa kanya.
"Ha? Ano po yun?"
Umupo muna ko at linapag sa table niya ang libro ko.
"Basta. Kilala mo ba si Clarence Javier?"
"Anak mo po?"
Hinampas naman ako ni ma'am sa braso.
"Aray ko ma'am! Child abuse yan!"
"Gaga! Sa Beauty and young face kong 'to may anak ako! Umayos ka! HAHAHA."
"Ma'am nag-mumura ka bawal yan! Tatawagin ko yung guidance!"
"Sige tawagin mo."
"Ma'am Guidance may nag-mumura pong teacher dito."
"Yes, sino?"
"Hala si ma'am. Ikaw ba yung guidance? Haha."
"Oo bakit?..." sabay pakita niya sa'kin ng ID niya.
Nanlaki naman yung mata ko at na pa 'oh' nalang.
"Sorry ma'am. Aalis na nga ko." sabi ko at aakmang tatayo na ng pigilan niya ko tumayo.
"Wait lang dito ka muna. May papakita ko sa'yo. hottie boy my gosh! I-rereto ko sa'yo baka sakaling mag ka jowa ka na! Haha."
"Manahimik ka ma'am!"
"Tignan mo 'to. Diba ang yummy?"
Sabay pakita niya sakin ng picture.
"Anong yummy diyan ma'am? Eh parang bakla yung itsura oh. Ang kapal ng foundation."
"Shunga! Siyempre model eh. Kaylangan may make-up."
"Alam ko naman yun ma'am. Pero sa lahat ng model na nakita ko, siya lang ang panget. Hahaha."
"Ang hard mo. Bahala ka nga jan."
"Wait ma'am. Kamag-anak niyo po yan?"
"Hindi. Okay nga yun eh para may chance na maging mag-jowa kami. Hahaha."
"Yuck..." pabulong kong sabi.
Pero mali ata ko, Narinig eh. Hahaha.
"Eh ma'am, dito po ba yan sa university nag-aaral?"
"Yup. Same school, same section at ka- seatmate mo. Hahaha. Bye kacey!"
Napanganga nalang ako dun sa sinabi ni ma'am. Hindi eh. Impossible. Tsk, bahala na nga.
***
Sorry for the short update. Pero babawi ako. At pasensya na din kung ang tagal ko mag-update. Pag-pasensyahan naman tao po ako na busy din lalo na po ngayon ay November na!
Have a nice day everyone! <3
BINABASA MO ANG
Mr.Chinito
Teen FictionMeet Kacey isang teenager at walang iniisip kundi ang studies niya. and her lovelife, wala muna yun sa kanya bakit? Kasi ayaw nyang masktan pa ulit. Kaya ayaw niyang magmahal na ulit.pero, paano kung biglang may mga drums na tumunog sa dibdib niya...