Chapter 20- Mahal?

34 0 0
                                    

Bianca Pov

Spell Epal. V-A-N-E-S-S-A. So ako talaga ang panira sa mga plano niya ha? Ang tanga niya lang, Di niya ba ko nakita dun sa party? ( •___• )

"Anak, Mukhang nagkakasundo kayo ni Vanessa ha."

Grabe ma magkasundo talaga kami niyan, close na close nga po kami oh.

-__-

"Opo tita, ang bait nga po ni Bianca eh."

Pwedeng Manapak ha?!

"Alam mo Vanessa, Nakaready na yung kamao ko dito, handang handa na lumanding sa pagmumukha mo."

Bulong ko sa kanya. ano tayo ngayon dito Ipunan ng mga plastic?!

Sinamaan niya lang ako ng tingin at nagpatuloy nalang kami sa pagkain.

"Bianca.." Napahinto naman ako ng kain at humarap kay papa ng ngumunguya. Linulok ko muna yung kinakain ko at uminom ng juice.

"Yes pa?..."

"Diba classmate kayo ni Vanessa nung High school ka at nung college?" Napatitig lang ako saglit kay papa na parang binabasa ko ang isip niya.

"Opo bakit?"

"Galit parin ba ka'yo sa isa't isa?" Grabe Pa. Straight to the point talaga?

"Ahh Ka--"

"Tito, syempre hindi na po. Natitibo nga po ko pagkasama ko si Bianca eh, ang ganda po kasi. Haha."

Napahinto naman ang lahat sa pagkain.

Katahimikan.

At nakatitig lahat sa kanya.

"Really? Kadiri ka Vanessa." sabi ko nalang at nagpatuloy na ang lahat sa pagkain.

"Oh eat this Kevin masarap to... Say Ahhh.." Hmm. Nagsisimula na ang sweet power nung dalawa. Hahaha.

Kevin Pov

"Oh eat this Kevin masarap to... Say Ahhh.." napangiti na lang ako at sinubo yung pagkain.

Tulad nga ng sabi ni Ate, kaylangan mag act kami na parang mag girlfriend at Boyfriend talaga.

Napatingin naman ako sa side ni vanessa at halata sa mukha niya na nagagalit siya kay kacey at sakin din.

"ito pa honeybabes oh. Masarap yan. Haha." napatingin naman ako ng matagal kay kacey. At lahat din ng atensyon nila na kay kacey lahat.

"Really?" mahinang sabi ko sa kanya.

Pinanlakihan niya lang ako ng mata. Edi sinubo ko nalang. Pero seriously lang talaga ha, natatawa ako sa kalokohan ng babaeng to.

Kacey's POV

Hindi ko din alam kung bakit ko nasabi ang endearment na yun. Kadiri lang talaga. Ang baduy ko.

Nakita ko naman na napapangiti si kevin habang ngumunguya.

Peste naman kasi eh. Kung ano ano kasing pumapasok sa isip ko.

Bahala na nga.

"So, may girlfriend na si kevin?" napatingin naman ako sa nanay ni Vanessa.

"Ahh opo. Kaya nga nagtataka po ako kung bakit nakikisiksik yang si vanessa sa relationship namin ni kacey eh." nagulat naman kami sa sagot ni kevin. Aba Matinde.

Napatingin ako sa mama at papa ni kevin na anytime, baka masapak at masampal pa ng mga magulang niya sa naisagot niya.

bigla naman napatayo at tatay ni Vanessa.

"Aba bastos ka ah!Kami na nga ang nag mamagandang loob sa pamilya niyo, ikaw pa ang aayaw sa gusto namin. Halina na kayo." Sigaw ng dadi ni Vanessa at sabay labas niya kasunod nila vanessa.

"Sandali lang Mare!" sigaw ng mama ni kevin. Pero hindi siya pinansin nito at tuluyan ng umalis.

"Kevin, Go to my room, now!" sabi ng papa niya at tumayo habang hila ako.

Sumunod nalang ako kaysa mag away pa kami.

Nandito na kami sa tapat ng kwarto ng papa niya.

"Dali na kevin, pumasok ka na baka masapak ka pa ng tatay mo." sinubukan kong patawanin siya dahil parang di siya mapakali.

"Basta dun ka lang sa kwarto ko ha. Take care of yourself my honeybabe. " Sabay kiss sakin sa pisngi.

Natulala nalang ako at napangiti bigla habang hawak ang part ng pisngi ko na kinissan niya.

Kevin's Pov

Dumerecho na ko sa kwarto ni Papa at naupo sa Sofa niya dun sa loob.

Naisip ko yung nangyari kanina. Napangiti ako bigla. Di ko akalain na nagawa ko yun kay kacey. Nakakakilig na ewan. Yung feeling na kinikiliti yung bawat parts ng katawa mo.

"Kevin sabihin mo nga sakin kung balit ganon ganon nalang yung inasta mo kanina!" Bigla bigla namang binuksan ni papa na sobrang lakas yung pinto ng dahilan ng pagkabasag ng vase.

"Pa, please uminahon muna kayo. Let me explain first bago kayo magalit sakin." kahit ngayon gusto ko din sigawan si papa, di ko ginwa dahil baka doble pa ang maging galit niya sakin.

"Kasi Pa, Alam naman na nila na may girlfriend na ko. Pero tuloy parin sila sa pag arranged marriage sakin and vanessa. Ikaw pa, alam na alam mo din yan pero anong ginawa mo? Wala diba?" mag sasalita pa sana ko ng bigla siyang magsalita.

"Kevin mag isip ka nga! Tanga ka ba o nag  tatangatangahan? Malaki ang naitulong ng company nila sa company natin kaya dapat lang na ikasal ka sa anak nila dahil ayun ang gusto nila. Pumayag kami ng mama mo. Para din naman sa company to kevin."

I lost my temper. Di ko na napigilan at napasigaw nalang ako.

"Ayan ayan! Puro kayo company company! Wala na kayong alam sa buhay niyo kung hindi yang company na yan. kaya miski anak niyo kaya mong isugal sa company na yan. Pa naman, kahit ano ipagawa mo sakin wag lang talaga ako mapakasal sa Vanessa na yan. Kung maari, pwede ko din kayo tulungan sa company natin. Nandyan din si ate na handa din tumulong sa inyo. Pa naman. Si kacey na nga lang ang kaligayahan ko tapos ilalalayo niyo pa siya sakin?"

"Anak, Ikaw nga umamin sakin. Mahal mo ba talaga si kacey o mahal mo na ba?"

Kacey's Pov

Lumabas na ko sa kwarto ni ate bianca dahil nag paalam na ko sakanya na uuwi na ko.

Napadaan ako sa kwarto ng Papa ni Kevin na kasalukuyang nag sisigawan.

Tumingin tingin ako sa paligid wala namang tao. Kaya dinikit ko ang tenga ko sa may pinto at nakinig.

"Ayan ayan! Puro kayo company company! Wala na kayong alam sa buhay niyo kung hindi yang company na yan. kaya miski anak niyo kaya mong isugal sa company na yan. Pa naman, kahit ano ipagawa mo sakin wag lang talaga ako mapakasal sa Vanessa na yan. Kung maari, pwede ko din kayo tulungan sa company natin. Nandyan din si ate na handa din tumulong sa inyo. Pa naman. Si kacey na nga lang ang kaligayahan ko tapos ilalalayo niyo pa siya sakin?"

"Anak, Ikaw nga umamin sakin. Mahal mo ba talaga si kacey o mahal mo na ba?"

Natulala ako bigla. nakinig lang ako.

"Oo Pa, Mahal ko si kacey Nung una palang kami magkakilala."

Di ko alam kung ano ang magiging  reaction ko sa sinabi niya basta ang alam ko nakangiti ako.

Mr.ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon