Chapter Eleven---The Conversation

271 6 0
                                    

Caith's POV

^_~

~_~

-_- ------->ako yan!

Pano! SOBRANG naiinip na ko eh.... Si Ali naman kasi eh..Tsk. Kanina ko pa sya hinihintay dito sa may labas. Alam ko naman kasing di pa sya masusundo ulit ng driver nya eh! Nakakainis talaga! Sobrang nakakainis! Ang sarap manuntok ngayon! Ang OA ko ba? Eh masisisi nyo ba ko?! Ang pangit kasi ng view dito eh! Nakakabanas lang! 

Eh ano naman kung hawak nya yung kamay ng malanding yun?!

Eh ano naman kung sinusubuan pa nya ng Stik-O yung babaeng yun?!

Eh ano naman kung hinahawi pa nya yung onting buhok na nalaglag sa mukha ng pugitang yun?!

Eh ano naman kung pinagbuksan pa talaga nya ng pintuan ng kotse nya ang babaitang yun?!

Eh ano naman kung nakatingin sya sakin ngayon?! Eh? Wait------- Ay tae! Nakatingin na pala sya sakin kaya iniwas ko kaagad yung tingin ko kaso di ko maiwasang tignan sya ulet at nagulat ako ng makita kong nakatingin pa rin sya saken kaya nagkunwari na lang akong may tinitingnan sa phone ko at tumakbo ako papasok sa school papuntang room namen...

0.0 Anong ginagawa ng lalaking to dito? Akala ko nakaalis na to kanina... Tapos ang ewan lang nung mukha nya... Ang creepy! Super emotionless lang! Na-curious naman ako dun sa tinitingnan nya sa baba kasi nasa tabi lang sya ng bintana at nakatingin sa labas eh! At napakunot-noo na lang ako kasi nakita ko si Ali at si Clark na mukhang nag-aaway na naman-_- Ano bang bago diba?

Pero napangiti ako kase... parang kami lang dati ni---ay! ano... hindi pala yun! napangiti ako kasi ang cute nilang tignan. Tama!.. Bagay sila eh^_^ Yung tipong kahit nag-aaway sila lage eh mukha silang sweet... Ang dejavu lang kasi parang bumalik yung dating Ali... yung Ali na biglang naglaho kasabay ng paglaho ng pinakaimportanteng tao sa buhay nya...

"Bumalik na ulit sya... bumalik na sya sa dati" biglang bulong nitong katabi ko na sakto lang para marinig ko...

"Oo nga... at masaya ako para sa kanya. Bakit parang ikaw hinde?" sagot ko naman dito at tinignan ko ito... Seryoso pa rin syang nakatingin sa labas at di nya sinasagot yung tanong ko... Ilang saglit pa ay tumingin na rin sya sakin, pagtingin ko sa labas... Wala na sila Ali. Tignan mo yun! Iniwan ako-_-

"Masaya ako... para sa kanya" wow! ansaya nya ha! halatang-halata ko yung sobrang pagkasaya nya*insert sarcasm here* Napabuntong hininga na lang ako...

"Hindi kami manhid para di malaman ang totoong dahilan kung bakit ka nagkakaganyan Darryl " sabi ko habang nakatingin sa labas ngunit hindi ko inintay ang sasabihin nya... nagsalita na lang akong muli

"Gusto mo sya? Ay mali! Mahal mo sya? Eh bakit nandito ka? Bakit mo sya pinagmamasdan sa malayo? Bakit hinahayaan mong may ibang lalaking nakakapagpabalik sa kanya sa dati?" tiningnan ko na ulit sya pero nakatingin pa rin sya sa labas

"Hanggang dito ka na lang ba Darryl? Wala ka bang balak ipaglaban yang nararamdaman mo ha?"

"Bakit hindi mo itanong yan sa sarili mo Caith? Ikaw, bakit nandito ka rin? Bakit pinagmamasdan mo lang din sya sa malayo? Bakit hinahayaan mo syang bumalik sa dati nyang ugali?"

"A-ano bang sinasabi mo ha?!"

"Totoo naman eh... I saw you before they got out of the premises... Hanggang dito ka na lang din ba? Wala ka bang balak ipag---"

"Wala akong dapat ipaglaban Darryl... Kasi sa una pa lang sumuko na sya..."

"Porket sumuko na sya, susuko ka na rin? Pinilit nyang wag sumuko Caith pero ikaw ang nagtulak sa kanya palayo"

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon