Ali's POV
Spell BADTRIP!
A-K-O
"Hahahahaha grabe talaga yung mukha mo kanina hahaha epic yun Ali! hahaha"-Darryl
Yung totoo? Isang-isa na lang talaga makakatikim na to saken-_-
"Pag ikaw di tumigil... ipapatapon kita sa pinakamalapit na mental hospital..."
"Weh Ali? Parang ikaw ang kailangan dun eh! hahahaha..." grabe anlakas lang talaga ng topak neto pinagtitinginan na nga kami ng mga block mates namin eh... nasa room na kasi kami tapos tumabi pa sakin tong baliw na to! Alam nyo ba kung bakit yan ganyan? Ganito kasi yun...
Flashback
"ACHOOOOOOOOO!!!!!"
"Kyaaaaahhhhhhhh!!!!! Omegash sorry Darryl... sorry talaga...." sabi ko kay Darryl tapos binigyan ko sya ng panyo kasi may mga laway ko yung mukha nya >.< Waaahhh nakakahiya....
"Aish! Sige na at ika'y tumayo ambigat mo!!!!"
"Waaahhhh sorry talaga... sorry..." tapos tiningnan ko sya habang pinupunasan nya yung mukha nya... Natatakot tuloy ako.. maarte rin kasi to sa katawan eh. Tapos tumingin sya sakin. Luhhhh!!! Ansersyoso nya... Tapos kinuha nya yung cellphone nya? Nakatitig lang ako sa kanya kasi baka sigawan ako ehhh... tapos biglang may nag-flash. Wait!!!!! may nag-flash?!
"Kyaahhhhhhh!!!!! Hoy Darryl! Burahin mo yan....."
"Yoko nga haha :P Cute mo dito oh... hahahaha"
"Nakakainis ka! Akin na yan.. buburahin ko!"
"Ayoko! Hahaha... may panakot na kami sa daga ehhh hahaha"
End of Flashback
Really?! Panakot talaga sa daga?! Sa ganda kong to? Pero yung picture talaga ehhh...
"Hoy! Burahin mo yung picture... papatayin na kita eh!!!"
"Hindi na kailangan, patay na patay na ko sayo eh..."
"Ano? May sinasabi ka?"
"Walaaaaaaaa... sabi ko makakatulog na ko ng maayos mamayang gabi kasi mawawala na yung mga daga samen... hahahahaha" sinamaan ko sya ng tingin tapos nag-pout ako... Wala lang! Trip ko lang mag-pout XD
"Hoy Elf! Tigil mo nga yan mukha kang timang..." grabe... nakalimutan kong may katabi pa nga pala akong isa pang asungot-_-
"Wag mo nga syang tawaging Elf, Clark..." yessshhhhh naman... pinagtatanggol ako ni Darryl oh.. kaya di na lang ako nagsalita XD
"Bakit ba? Eh sa gusto ko syang tawaging ganun eh... diba Elf?" tapos tumingin pa sakin at nag-smirk. Sinamaan ko lang sya ng tingin...
"Wag mo syang tawaging ganun kasi di naman sya elf..." Go Darryl! haha
"Bakit ano ba sya???"
"Hindi sya elf kasi masyadong sosyal yun.. dwarf na lang, diba dwarf? hahaha" wow! as in wow talaga! pareho pa silang tumawa nun ha! First time to, matutuwa na ba ko?-_- Tapos maga-apir pa sila kaso biglang sumingit si Caith.. Yey! Thanks Caith...
"Wow! End of the world na? Nagkasundo kayong dalwa? Parang may mali ata dun ahh, si Clark at Darryl di nagsasamaan ng tingin?" hehe nakuha mo Caith! tapos tiningnan ko yung dalwa binaba nila yung kamay nila na maga-apir sana tapos nag-iwas sila ng tingin pareho take note! Nasa gitna pa nila ko ha...
"Pare ano to? Haha end of the world na nga ahhh..." biglang sulpot naman ni Drei tapos tumingin sya kay Caith na nasa harapan din namin napatingin din si Caith sa kanya tapos nag-iwasan sila ng tingin...O.o Tapos pareho rin silang bumalik sa mga upuan nila...
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
Teen Fiction"Answerte ng taong mamahalin mo..." Oo nga swerte ka... kasi mahal ka ng taong mahal mo.... ------------------------------------------------------------------------------------------------------ Cause loving HIM is never easy... But I don't have...