Darryl's POV
"Darryl okay ka lang ba?" lumingon ako sa babaeng nagsalita at pinagmasdan ko sya...
ang mukha nya....
mukha syang anghel at kitang-kita mo sa mukha nyang nag-aalala sya sakin...
Bakit? mukha na ba kong tanga? Hinawakan ko yung mukha ko at tumingin ako sa salamin tsaka ako ulit tumingin sa kanya at nginitian sya....
...ang babaeng minsan ko nang minahal ng lubos...
"Oo naman... okay lang ako Courtney..."
Courtney's POV
"Oo naman... okay lang ako Courtney..." sabi sakin ni Darryl... So ganyan na pala ang mukha ng taong okay... nakabusangot-__________-
"Talaga eh bakit parang malungkot ka?" tanong ko sa kanya...
"Eh bakit ka ba andito? at masama bang magpout? tinatry ko lang naman kung bagay sakin ehh..." sabi ni Darryl, parang bakla lang XD
"Yeah yeah palusot.com*roll eyes* tsaka andito ako kasi tinawagan ako ni Angle yung kapatid mo sabi nya mukha ka raw namatayan pagkadating mo kaya makiramay ako sayo..." sabi ko tapos binato nya ko ng teddy bear.. oo may teddy bear sya sa kwarto nya ang cute daw kasi parang bakla tuloy-_____-
"ARAY HA! Si Angle naman ang nagsabi nun ah..." sabi ko habang hinihipo yung parteng natamaan ng teddy bear... nagpout pa ko
"HAHAHAHAHAHA.. tingnan mo yung mukha mo sa salamin, HAHAHAHHAHAHA mukha kang bata..." tingnan mo tong si Darryl kanina malungkot ngayon naman kung makatawa WAGAS! Baliw na ata to eh
"Makatawa tayo wagas ah... sabihin mo nga sakin kung kailangan ko na bang tumawag sa mental hospital at ia-admit ka..." sabi ko sa kanya
"Hahahahah eh kasi naman mukha ka talagang bata pag nag-papout ang cute mo! haha" sabi pa ni Darryl, sige lang... turn ko naman para mang-asar...
"Bipolar ka ata eh... kanina malungkot ka tapos ngayon.... ano ba kasing nangyare bakit di natuloy yung DATE nyo ni ALI haha" diniinan ko yung pagkakasabi ko ng Ali kasi wala lang haha napapansin ko na may something ehhh tapos pagkatingin ko sa kanya biglang naging blank yung face nya...
"Uhmmm gutom ka na ba? gusto mo magpabake tayo ng cookies kay manang?"oops! iniiba nya ang topic.. haha ano kayang meron?
"Ano ba talagang nangyari Darryl ay mali yung tanong ko.. let me rephrase it, ano na ba talaga ang nangyayari sa iyo, sa inyo?" tiningnan ko sya sa mata nya habang sinasabi yun at nakikita kong... parang nasasaktan sya?
"Anong nangyayari? Wala naman.. yung feeling na alam mo na mahuhulog yung isang bagay kaso alam mo rin na kahit anong gawin nito walang sasalo sa kanya kasi yung dapat hinihintay nyang sasalo sa kanya ay hindi pa handang saluhin sya..." sabi ni Darryl.. wow! nakakadugo yun ng ilong ahhh...pero sa tingin ko kailangan nito ng advice eh
"Bakit Darryl? Ikaw na mismo ang nagsabi diba? Hindi pa handa... ibig sabihin sasaluhin din naman nya ehhh.. kaso sa nakatakdang panahon... kailangan lang maghintay" sabi ko kay Darryl tapos umupo ako sa kama nya tapos sya andun sa couch...
"Maghintay? Mukhang wala namang hihintayin eh.. kasi umpisa pa lang iba na ang handa nyang saluhin.." sabi ni Darryl habang nakatingin sa gitara nya...
"Sigurado ka ba dyan? Eh pano kung naghihintay lang din pala sya?" tanong ko naman kay Darryl...
"Hindi ko alam Courtney... ayoko na kasing umasa... masakit umasa eh... "sabi ni Darryl habang nakatingin pa rin sa gitara nya...
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
Genç Kurgu"Answerte ng taong mamahalin mo..." Oo nga swerte ka... kasi mahal ka ng taong mahal mo.... ------------------------------------------------------------------------------------------------------ Cause loving HIM is never easy... But I don't have...