Ali's POV
Here we go again MONDAY na naman -___________-
May hangover pa ko promise... Oy ha! Di ako umiinom. What I mean is di pa ko nakakaget over sa mga nangyare nung weekend...
Masaya naman eh kaso may mga bwiset lang talaga sa buhay ko... kung dati isa lang, ngayon dalawa na sila...
"O Romeo, Romeo... wherefore art thou Romeo? Deny thy---"
"Psst Tableya!"
"Ano na naman?! Pwedeng makinig ka na lang nagdidiscuss yung prof sa unahan oh..."
"Psh! Pakielam ko naman sa Romeo and Juliet na yan? Pambakla lang yan uy!"
"Malay mo may forbidden love ka pala hahaha... Joke lang!" Nubayan binawi ko... ansama agad ng tingin saken eh, problema neto?
"Ang liit mo talaga kahit kailan..." -________-
"Maaari mo bang ipaliwanag sakin ang kaugnayan ng sinasabi mo sa pinaguusapan naten?"
"Ikaw..."
"Ano?!"
"Ang liit mo.Period.NO ERASE" kung pwede lang at kung kaya ko lang talagang ibitin to ng patiwarik ginawa ko na... PROMISE
"Gusto mong itapon kita palabas ng room nato?"
"Ang tanong... Kaya mo ba? hahaha"
"Heh! Ewan ko sayo... sisipain kita papuntang Mars dyan eh..."
"Geh... patangkad ka muna haha"
"Ugggghhhh tumahimik ka na nga!"
"MS. VILLEGAS AND MR. ANDREWS BE QUIET!"
"Sorry Ma'am"
"So let's proceed Romeo and Juliet was actually written in Old English blah blah blah blah" di na ko nakikinig... sa madaling salita, BORED NA KO-_- Idagdag pa na nagwawala na yung mga alaga ko sa tyan...
"Oh anong mukha yan? Mukha kang Elf... ay! Elf ka na nga pala hahaha"
"Tumahimik ka na nga.. pag ganireng gutom na ko eh..."
"Aawwwww kawawa naman yung bata...."
*krinnnngggggggg*
Omegash! That was music to my ears*o* Kaya naman napatayo agad ako pagkalabas na pagkalabas ng prof. Actually wala na nga akong naintindihan sa diniscuss nya kanina eh meheheh. Pakielam ko din ba sa forbidden love nila? Problema nila yun-____-
...canteen...
"Hoy! Anong pagkain yan?!"
"Grabe ka Courtney di mo ba nakikita?!"
"Baliw! Ibig kong sabihin ano yan?"
"Edi lasagna, chicken, fries at double patty na burger... di mo alam ang tawag sa mga to?!" grabe ha! eto lang eh... di pa alam..
"Aray naman Caith! Bakit ka nambabatok?!" balik naman po sa pagiging amazona nya-_-
"Ang ibig sabihin kasi ni Courtney, bakit andami nyan? Bibitayin ka na bukas?"
"Walang pakielamanan GUTOM ako eh..."
"Hoy Drei na bakulaw! Asan si Darryl?!"
"Aba malay ko! May biglang tumawag sa kanya pagkalabas namin ng room eh tapos pinauna na kame..."
"Eh si Clark, asan yun Louie? Tahimik yung buhay ni bessie ngayon eh, di ako sanay..." di ko alam pero napatigil ako dun
"Dali! Hinihintay ni Ali yung sagot mo oh..." sinamaan ko naman ng tingin si Drei
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
Novela Juvenil"Answerte ng taong mamahalin mo..." Oo nga swerte ka... kasi mahal ka ng taong mahal mo.... ------------------------------------------------------------------------------------------------------ Cause loving HIM is never easy... But I don't have...