Darryl's POV
Hello! haha may POV ulit ako kaya thank you kay author ang gwapo ko daw kasi:D Pero suuuuuuupppppeeeeeerrrrrrrr boring ngayong araw! Biruin nyo? 2 hours kaming vacant, 2 hours?! Wala naman akong magawa kaya eto... ginugulo ko na lang si Ali haha ang sarap nyang kulitin lagi haha:) Tsaka tingnan nyo oh nagdro-drawing pala sya? May future sya haha...
"Habulin mo muna ako kung kaya mo! haha" sabi ko kay Ali... haha ang cute talaga nitong babae nato kapag naiinis
"Darryl naman eh! Ibigay mo na lang yan! please..." sabi sakin ni Ali...uy nag-please sya once in a blue moon lang yun ah! pero ayoko pa ring ibigay haha nage-enjoy pa ko eh tapos tinakbuhan ko sya may sinigaw pa sya eh kaso di ko na naintindihan kaya liningon ko sya....
Oh?! Anong nangyare dun? Nadapa? Tsk kasalanan ko to eh! Dapat di na lang ako nagpahabol may pagka-lampa pa naman tong babaeng to malapitan na nga lang...
"Ayos ka lang ba Ali? May masakit ba?" tanong ko kay Ali tapos pagkatingin ko... sh!t paiyak na ata to oh... Aish kasalanan ko to eh anong gagawin ko?
"Anla sorry Ali! kasalanan ko to ehhh.. sorry talaga san ba masakit?" sabi ko ulit kay Ali di sya sumasagot eh.. naga-alala na talaga ako eh. Tapos tinuro nya yung sa may bandang tuhod nya...
"Dito?" tanong ko sa kanya para makasigurado kaso...
"UUUGGGGHHHHH..." oo ako yung sumigaw! pano ba naman kase itong babae na to binato ako ng lupa sa mukha! Can you believe it? sa gwapo kong to dinumhan nya ang mukha ko?
"BLEEEHHHHH haha isipin mo na lang chocolate yan! haha... " sabi sakin ni Ali.. kainis naman oh! alalang-alala pa naman ako sa kanya tapos.. tapos? Aish akalain mong may pagka-childish din pala tong mataray na babaeng to?
"Chocolate pala ha! Tikman mo nga to kung lasang chocolate talaga?" sabi ko naman sa kanya aba! di ako magpapatalo sa kanya noh! tapos hinabol ko sya...
"Subukan mo kung kaya mo haha" sabi naman sakin ni Ali takbo lang sya ng takbo pero syempre dahil magaling ako...
"HULI KA! oh isipin mo.. ferrero to haha" sabi ko sa kanya.. ang galing ko! nahabol ko sya eh tapos pinahidan ko rin sya ng lupa sa mukha kaso binato nya rin ako ng lupa-_-
"Aish! nalagyan yung buhok ko Ali" sabi ko sa kanya pano ba naman di ba nya natatandaan ang famous quote ko? 'Guluhin mo na ang buhay ko wag lang ang buhok ko'? Aba! mahal na mahal ko tong buhok ko noh!Kaya binato ko rin sya ng lupa at may narinig kaming mga chismisan sa paligid tapos pagtingin ko andun din pala at nakikichismis yung mga kaibigan namin...
"Hoy! Bakit kayo nagvi-video?!" sabi ko sa mga kaibigan ko, aba! grabe lang eh ginawa ba kaming cast sa isang TV show?
"Oo nga... baka gusto nyo rin ng chocolate... " sabi naman sa kanila ni Ali haha maasar nga ulit tong babaeng to...babatuhin na sana ni Ali yung mga kaibigan namin ng lupa pero pinigilan ko sya kase...
"Next time sabihin nyo kung vivideohan nyo kami... ang dumi at ang pangit ko pa naman ngayo---OUCH!" sabi ko haha kaso nabatukan naman ako ni Ali! kainis naman tong babaeng to oh...
"Haha ayos pre... mukha ka nang gusgusin.." sabi naman sakin ni Drei ..tingnan mo to parang di kaibigan eh... tapos may sinabi pa ata si Ali at umalis sya kaso di ko na narinig yung sinasabi ni Ali kasi hinila na ako nina Drei at Louie
"Hoy! san nyo ba ako dadalhin ha?!" tanong ko sa kanilang dalawa
"Sa locker room naten syempre maligo ka pre noh! ang baho mo na rin eh.." sabi sakin ni Louie
"Oo nga at saka para makapaghanda ka na rin sa iyong date haha" sabi ni Drei pero teka... DATE?!
"Anong date ang sinasabi mo ha?" tanong ko kay Drei kaso tinulak na nila ako pareho papasok sa locker room
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
Teen Fiction"Answerte ng taong mamahalin mo..." Oo nga swerte ka... kasi mahal ka ng taong mahal mo.... ------------------------------------------------------------------------------------------------------ Cause loving HIM is never easy... But I don't have...