#EpicFail

46 6 2
                                    

Chapter 5

Maine

@Linda's Garden Cafe

Habang sinusundan namin si Ms. Sheena papuntang kitchen ay may ibinulong ako kay Bessy.

"Bes, ang wierd ng mga tanong sa atin."

"Ano ka ba Bes, okay na nga yun kesa naman sa mga talagang tinatanong sa job interviews. Huwag ka nang magreklamo." - Barbie

"Hindi naman ako nagrereklamo. Nagtataka lang kung sabagay mas okay na nga yun. Bes!"

"Ano?" - Barbie

"Hindi mo ba nakita yung isang lalaki?"

"Sino bang isang lalaki?" - Barbie

"Yung kaibigan ni Sir Ivan. Yung nakaaway ko sa mall."

Hindi na nakasagot si Bes dahil nagsalita na si Ms. Sheena.

"Andito na po tayo, Ms. Maine, Ms. Barbie. Hintayin nyo na lang po si Sir Ivan. Maiwan ko na po muna kayo." - Ms. Sheena

"Salamat Ms. Sheena!" 

Nakita namin ni Bessy ang mga taong abalang abala sa kani kaniyang ginagawa. Kaya naman nakatayo lang kami ni Bes sa gilid sa malapit sa pinto ng kitchen. Maya maya lang ay dumating na si Sir Ivan.

"Good morning again, everyone. Whatever you're doing, stop it for a while. I have here with me our new applicants, Ms. Mendoza and Ms. Forteza. And I would like to introduce to you our master chef, Chef Patricia. ( May lumapit sa aming maganda at mataas na babae na nginitian kami pero parang may kakaiba sa ngiting yun. Nagsalita na uli si Sir Ivan )They are here because we will test their cooking skills ( Napalingon sa amin lahat pati na rin si Sir Ivan) You may start now." - Ivan

Habang isinusuot ko ang apron ay napanganga, natulala at kinabahan nang napalingon ako sa pinto nang magbukas ito at nakita kung sino ang pumasok.

Anong ginagawa nya rito? Baka hindi na matuloy ang pagtanggap sa akin. Natauhan lang ako ng may ibinulong sa akin si Bessy.

He's The Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon