#UnangLigaw

33 5 0
                                    

Chapter 10

Barbie's POV

Maaga akong nagising at dali daling inihanda ang aking sarili upang sunduin si Bessy para sabay kaming pumunta sa Cafe at para usisain na rin kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa ni Alden.

Pagdating ko sa bahay nina Bessy, si Taki ang una kong nakita na naghahanda ng kanilang agahan.

"Umalis na ba si Bessy? Ang aga naman nun."

"Ayun naandun pa sa kwarto si Ate. Tulog pa ata, paki gising na lang ate Barbs, thank you." -Taki

"O sige, makikikain ako dito ah, hindi pa kasi ako nag-almusal."

"No problem, ate Barbs." -Taki

Iniwan ko na si Taki at pumanik na sa kwarto ni Bessy. Hindi na ako kumatok dahil tuluyan na akong pumasok sa kwarto ni Bessy. Mabuti nga at hindi nakalock ang pinto. Nakita ko si Bessy na nakatalukbong pa ng kumot at tila tulog na tulog pa.

"Bessy, alam kong gising ka na. Ikaw ah, nagtatago ka na ng sikreto sa akin. Share naman jan."

Pero deadma pa rin ako kay Bessy kaya hindi ko sya tinigilan. Yinugyog ko sya para magising.

"Bessy, gising na. Malelate na tayo." Patuloy ko pa syang yinuyugyog. Maya maya lang ay gumalaw na sya at tinanggal na ang kumot. Nang iminulat nya ang kanyang mga mata, napatawa ako ng sobrang lakas.

"Ano ba, Bessy. Istorbo." - Maine

"Whahahahahaha!!!!!! Bessy mukha kang zombie."

"Bes, alam mo ba ang kasabihang, magbiro ka na lang sa lasing, wag lang sa bagong gising? Alam mo ba yun?" - Maine

"Eh sino bang nagsabi na nagbibiro ako. Halika." Inilapit ko sya sa salamin para makita nya ang mukha nya. "O ano? Kitams?"

"Mukha nga akong zombie. Kasi naman si Alden, hindi ako pinatulog at ikaw naman kung kelan dinalaw na ako ng antok saka ka naman nangistorbo." Bumalik sya sa kama nya at naupo.

"Aba malay ko bang kakatulog mo pa lang, ako nga e, ang sarap sarap ng tulog ko. And speaking of Alden, ano nga ba talaga ang nangyari sa inyo?"

"E sa inyo ni Sir Ivan, ano ba?" - Maine

"Hindi ka rin talaga nagpapahuli, Bessy. O sige dating gawi. Sabay tayo."

"Sige, at the count of 3." - Maine

"1...2...3..." - Maine/ Barbie

"Mahal ako ni Alden/ Gusto ako ni Ivan." At sabay pa kaming napasigaw.

"Eeehhhh...kinikilig ako sa inyo ni Alden. At talagang MAHAL ka na nya ah. Ako gusto pa lang. Nakakainggit."

"Ano ka naman ba, Bes. Masasabi nya rin yan sayo in God's perfect time kaya wait ka lang." - Maine

"Sige na nga, so ibig sabihin nyan manliligaw na sya sayo."

"Yun ang sabi nya sa akin. E si Sir Ivan?" - Maine

"Ewan ko sa kanya, bahala sya."

"Malay mo isurprise ka nya." - Maine

"Hay naku, Bessy ayaw kong kumain ng hopia. O sya, mabuti pa maligo ka na, hihintayin na lang kita sa baba."

Tuluyan na akong lumabas sa kwarto ni Bessy at sinamahan sa baba si Taki. Ikwinento ko sa kanya na nangliligaw na si Alden kay Bessy at sinabi ko ring may gusto na sa akin si Sir Ivan. Kilig na kilig naman ang loka.

He's The Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon