Chapter 11
Maine's POV
Habang ang lahat ay abala sa aming mga ginagawa, pumasok si Sheena ang sekretarya ni Sir Ivan at tinawag si Chef Pat para kausapin daw ni Sir Ivan. Sumunod naman sya kay Sheena. Ano kaya ang sasabihin ni Sir Ivan kay Chef Pat?
Maya- maya lang ay bumalik na si Chef Pat pero hindi nya na suot ang kanyang uniporme. Nilapitan nya ang ilan sa mga kasamahan namin at yinakap ang mga ito.
"Aalis na ba sya?" Tanong sa akin ni Bessy
"Yun din nga ang dinig ko. Dahil kaya yun sa nangyari kanina? Ang bilis namang magdesisyon ni Sir Ivan."
"Ano ka ba, Bes, matagal na kaya tayong iniinis ng babaeng yan." - Barbie
"Tigil na, Bes, papalapit na sya."
Tinigil na namin ni Bessy ang aming bulungan bago pa tuluyang makalapit si Chef Pat.
"Siguro masaya na kayo at hindi nyo na ako makakasama dito." - Chef Pat
"Hindi totoo yang sinasabi mo chef." Buong tapang sagot ko sa kanya.
"At kung aalis ka man, kasalanan mo yun kaya wag na wag mo kaming sisisihin sa mga pinaggagagawa mo." - Barbie
"Eto lang ang masasabi ko sa inyo, sa pagkikita nating muli sisiguraduhin kong masasaktan kayo..." Tumingin sa akin si Chef Pat "lalong lalo ka na Maine." Tuluyan nang lumabas si Chef Pat. Ako naman, iniwang nag-iisip at takang taka sa mga sinabi nya. Ano bang ginawa ko at parang galit na galit sya sakin.
"Huwag mong alalahanin ang mga sinabi ng babaeng yun. Pinapagulo nya lang ang isip natin." Gumaan naman ang loob ko sa mga sinabi ni Bessy.
"Salamat, Bes."
Nagpatuloy kaming lahat sa aming mga ginagawa nang wala si Chef Pat. Sumasagi pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Chef Pat.
Nang uwian na ay nakita kong naghihintay na si Alden at ng makita nya ako ay agad naman syang lumapit.
"Hi Alden! O ayan inunahan na kita baka kasi hindi mo naman ako mapansin." Napatawa naman si Alden sa sinabi ni Bessy.
"Hello, Barbie!" Ibinalik ni Alden ang tingin nya sa akin. "Uwi ka na Maine?"
"Oo." Sagot ko naman
"Hindi pa pwede, may pupuntahan tayo." -Alden
"Saan naman?" Sinagot nya lang ng ngiti ang tanong ko sa kanya.
"Okay lang ba, Bessy?"
"Ano ka ba Bes, hindi ako ang nanay mo kaya wag kang magpaalam saka malaki ka na uy." - Barbie
"Sira! Wala kang kasama pauwi." Si Alden naman ay pangiti ngiti lang sa ginagawa namin ni Bessy.
"At sinong nagsabi na wala, si Sir Ivan kaya. Ihahatid nya ako sa bahay. Manliligaw na rin sya, Bessy!!!" At napatili kaming dalawa, si Alden naman ay napailing habang nakangiti. "O sige, alis na kayo." At pinagtulakan pa ako ni Bessy palabas ng Cafe. "Bye Bes, Bye Alden!!! Ingat!"
Tuluyan na kaming nakalabas ng Cafe. Hinanap ko ang kotseng ginagamit ni Alden pero hindi ko ito makita.
"Maine, ayos lang ba sayo na magtaxi muna tayo?" - Alden
"Oo naman, kaya pala hindi ko makita yung ginagamit mong kotse. Tipid tipid din pag may time."
"Dyan ka lang muna at papara ako ng sasakyan." Napatango na lang ako sa sinabi ni Alden. Pinagmamasdan ko sya habang naghahanap ng masasakyan namin. Naisip ko na napakaswerte ko naman sa lalaking ito at hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang nililigawan nya. Bumalik lang ako sa katinuan ng tawagin ako ni Alden.
BINABASA MO ANG
He's The Boss?
Fiksi PenggemarAlMaine with VanBie and KenTaki ❤❤❤ Anong gagawin mo kung ang pagkakakilala mo sa taong mahal mo ay puro kasinungalingan lamang? Paano kung sasabihin nyang "MAHAL KITA". Maniniwala ka ba o Magdududa ka na?