#MustBeLoveLoveLove

42 6 2
                                    


Chapter 7

Maine's POV

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang nagtrabaho kami sa Café. Magaling na rin ang ilang sugat ko kamay. Halos araw-araw ay abala kami sa aming mga ginagawa at araw-araw pa rin akong tinatarayan ni Chef Pat pero may nagbago naman hindi na lang ako ang inuutusan nya. Sabi sa akin ni Bessy narinig nya sa ilang mga kasamahan namin ay napagsabihan din raw ni Sir Ivan si Chef Pat.

Narito rin madalas si Alden at nakapagpasalamat na rin uli ako sa kanya.

*flashback*

Nakita ko si Alden papasok sa Cafe, ako naman ay galing sa comfort room. Ito na ang right time para makapagpasalamat sa kanya. Naupo sya sa isa sa mga mesa. Siguro hinihintay nya si Sir Ivan. Nilakasan ko ang aking loob at nilapitan ko na si Alden. May tinititigan sya sa kanyong cellphone kaya hindi nya ako napansin.

"Goo, good morning."

Inangat nya ang kanyang mukha at nang makita nya ako ay napatayo sya.

"Ikaw pa la. Kamusta ka na?" - Alden

"Eto maayos at magaling na. Salamat sa yo."

Bigla nyang inilahad ang dalawa nyang kamay, tila ba sasaluhin ako.

"A-anong ginagawa mo?"

"Inihahanda ko lang ang sarili ko para saluhin ka kasi nung huli mong sinabi yan eh nawalan ka nang malay." - Alden 

Natawa ako sa sinabi nya.

"Ano ka ba, ok na ako. Hindi na yun mauulit. Salamat talaga at sorry sa ginawa ko nung una tayong nagkita."

"You're welcome at pinatawad na kita, matagal na, kaya wag mo nang isipin yun at dahil hindi masyado maganda ang pagkikita natin kaya eto... Hello Miss, I'm Alden Faulkerson and you are?" - Alden 

Napapangiti ako sa ginagawa nya, "Maine Mendoza, Mr. Faulkerson."

Inilahad nya ang kamay nya.

"Sasaluhin mo ba uli ako?" Sabay tawa ko.

"No, shakehands?" Inilahad ko rin ang aking kamay at nakipagkamay sa kanya. Napangiti naman sya sa ginawa ko. "And YES, sasaluhin pa rin kita kahit ilang beses ka pang mahulog." - Alden 

Natulala't natameme ako sa sagot nya.

"Nice meeting you, Ms. Maine." - Alden 

Bumitaw na ako sa kanyang kamay dahil may kakaiba akong nararamdaman. Tila ba kinukuryente ako.

"Nice meeting you din. Sige balik na ako baka hinahanap na ako, bye! Thank you uli!

At tuluyan na akong tumalikod sa kanya na may ngiti sa aking mukha.

*end of flashback*

Magkaibigan na kami ni Alden sa tuwing naririto sya eh tumutulong sya sa kusina. Nagtataka rin ako kung ano ba talaga ang trabaho nya, ba't hindi na lang sya magtrabaho sa kaibigan nya, kay Sir Ivan, siguradong tatanggapin naman sya. Wala pa akong masyadong alam tungkol kay Alden. Hindi naman kami nakakapag-usap sa tuwing naririto sya dahil marami kaming ginagawa.

Balang araw, makikilala rin kita Alden at malapit na yun. Napangiti na lang ako sa mga pinag-iisip ko.


Barbie's POV

Nakita ko si Bessy na pangiti ngiti mag-isa. Maistorbo nga.

He's The Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon