CHAPTER 3
Maine
"Good Morning!!! Bessy!!! Gising na! Remember, may gagawin pa tayo!" - Barbie
"Good morning din, Bes." ( sabay mulat ng mata) Oo nga, pagoda day na naman.
Matamlay kong sagot kay Bessy."You're wrong, bes. Hindi tayo magpapapagoda today." - Barbie
"Huh? Akala ko ba maghahanap tayo ng trabaho." Nagtatakang sabi ko sa kanya.
"Oo nga. Teka!" ( may kinuha sya sa sahig) Tadah!!!"
May dala syang laptop at may wifi pa.
"Hoy, san yan galing?"
"Bes, parang di ko gusto yang iniisip mo. Hindi ko to ninakaw. Yung laptop hiniram ko lang kay kuya tsaka yung wifi inupahan ko kina Aleng Nena, di naman ginagamit eh." - Barbie
"Bes, ikaw nag-isip nun. Masyado ka namang defensive."
"Talaga lang di mo inisip yun?" - Barbie
"Oo nga, tsaka alam ko naman na resourceful ka."
"Tama ka dyan, bes. Nakalimutan nating computer age na pala, pwede nang mag-apply online. Alam mo ba may nakita ako sa isang website na may bagong tayo na cafe dito lang sa Quezon at naghahanap sila ng applicants. Try natin, bes!" - Barbie
"Sige ba. Anong pangalan ng cafe?"
"Linda's Garden Cafe. Maraming branch na sya sa mga probinsya at nagtry silang magtayo dito sa syudad. Alam mo bes, ang ganda ng ambiance sa cafe na yun. Parang masarap magtrabaho dun." - Barbie
BINABASA MO ANG
He's The Boss?
FanficAlMaine with VanBie and KenTaki ❤❤❤ Anong gagawin mo kung ang pagkakakilala mo sa taong mahal mo ay puro kasinungalingan lamang? Paano kung sasabihin nyang "MAHAL KITA". Maniniwala ka ba o Magdududa ka na?