Chapter 13
Alden's POV
Kagabi ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Chef Pat na may hindi magandang nangyari sa branch ng Cafe sa Laguna at kailangan kong pumunta doon. Ngayong umaga ay maaga akong nagising upang puntahan muna si Maine at makapagpaalam. Tinawagan ko rin sin Ivan para sabihin ang nangyari at sinabi ko rin na isabay na muna nya sa pagsundo't hatid kay Barbie. Nang makarating na ako sa bahay nina Maine parang tulog pa ang dalawa pagtingin ko sa aking relos ay 5AM pa lang. Patuloy pa rin ako sa pagkatok at pagtawag. Biglang bumukas ang pinto at si Taki ang nakita ko.
"Kuya Alden?!" - Taki
"Sorry Taki kung naistorbo kita sa tulog mo. Si Maine?"
"Ang aga naman ng pagsundo mo, tulog na tulog pa." - Taki
"May sasabihin sana ako sa kanya."
"Puntahan mo na lang kuya sa kwarto nya. Ikaw na gumising, matutulog uli ako. Goodluck!" - Taki
Bumalik na nga sa kanyang kwarto si Taki at tinungo ko naman ang kwarto ni Maine. Kumatok at tinawag tawag ko ang pangalan ni Maine pero hindi pa rin sya nagigising. Mabuti na lang at hindi nakalock ang pinto kaya naman ay pumasok na ako. Nakita ko syang sarap na sarap pa rin sa pagtulog. Linapitan ko sya at yinugyog ng marahan para magising.
"Maine, gising na."
Napangiti sya at ngumuso."Kiss mo'ko." - Maine
Napatawa ako sa sinabi nya. "Nananaginip ka pa ata." Nakanguso pa rin sya. "Sige na nga pagbibigyan na kita." Inilapit ko ang aking mukha sa kanya. Nang sobrang lapit na ay bigla syang nagising.
Maine's POV
Nasa kasarapan ako ng tulog ng magising ako at pagmulat na pagmulat ng aking mga mata ay si Alden kaagad ang nakita ko na sobrang lapit sa akin. Nagulat ako kaya naitulak ko sya papalayo. Napayakap ako sa aking sarili.
"Alden?! Wag.... marupok ako." Napatawa naman sya sa sinabi ko.
"Good Morning! Wala akong masamang balak." - Alden
"E ba't sobrang lapit ng mukha mo sa akin?"
"Gusto kong gawin yung pinapagawa mo." - Alden
"Pinapagawa ko?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Oo, sabi mo kasi Kiss mo'ko." At ngumuso pa sya. Binato ko sya ng unan.
BINABASA MO ANG
He's The Boss?
FanficAlMaine with VanBie and KenTaki ❤❤❤ Anong gagawin mo kung ang pagkakakilala mo sa taong mahal mo ay puro kasinungalingan lamang? Paano kung sasabihin nyang "MAHAL KITA". Maniniwala ka ba o Magdududa ka na?