Chapter 9
Alden's POV
Nagising ako na medyo madilim na ang paligid. Maggagabi na pala. Hinanap ng aking mga mata si Maine at nakita ko syang tulog sa sofa. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Unti unti kong inaalis ang ilang hibla ng kanyang buhok sa kanyang magandang mukha upang lalo ko itong masilayan. Napagod ata sya sa pag-alaga sa akin.
"Alam mo ba, Maine sa mga ginawa mo sa akin ngayon lalong lumalalim ang pagtingin ko sa'yo at pinapatunayan mo na hindi lahat ng babae ay katulad nya. Salamat at dumating ka sa buhay ko, natuto uli ako kung paano maging masaya. Totoo ang sinabi kong gusto kita, hindi pala, MAHAL NA KITA, MAINE."
Maine's POV
"MAHAL NA KITA, MAINE."
Nagising ako dahil ang wierd ng panaginip ko. May lalaking nagsabi na mahal nya ako at kaboses pa ni Alden. Diba ang wierd? Ang alam ko, sabi nya gusto nya ako, pero yung MAHAL? Mahal na yun. Ang bilis namang maglevel-up ng nararamdaman nya. Nang tuluyan ko ng naimulat ang aking mga mata, nasilayan ko ang mukha ni Alden na medyo malapit ng very very light sa mukha ko. Inilayo ko ang aking mukha at pinunasan ang aking bibig baka kasi may naiwang ebidensya. Teka panaginip ba yun o nangyari sa totoong buhay?
"Maine, tamang tama gising ka na, gigisingin na sana kita kaya kita nilapitan. Napagod ka ata." - Alden
"Hindi, ayos lang ako. Ikaw kamusta na pakiramdam mo?"
Nilapitan ko sya at nilapat ang aking palad sa kanyang noo.
"Maayos na ang pakiramdam ko, Maine. Salamat sa'yo. Ginalingan kasi ng Personal Nurse ko yung pag-aalaga sa akin." - Alden
"Wala yun." Kinilig naman ako sa sinabi nya.
"Sya nga pala, kaya sana kita gigisingin kasi baka gusto mo ng umuwi pwede naman, gabi na rin kasi at baka pauwi na rin si Ivan kaya may makakasama na rin ako." - Alden
"Sigurado kang ayos ka na?"
"Oo naman. Salamat uli." - Alden
BINABASA MO ANG
He's The Boss?
FanfictionAlMaine with VanBie and KenTaki ❤❤❤ Anong gagawin mo kung ang pagkakakilala mo sa taong mahal mo ay puro kasinungalingan lamang? Paano kung sasabihin nyang "MAHAL KITA". Maniniwala ka ba o Magdududa ka na?