Chapter 12
Maine's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Nang tingnan ko si Taki, sarap na sarap pa rin sa pagtulog, si Alden tulog pa kaya? Siguro masakit na katawan nun. Bumaba ako para tingnan si Alden pero nang makita ko ans sala, wala na si Alden tanging ang ginamit nyang unan at kumot ang nakita ko na nakaayos na.
"Hindi man lang hinintay na magising kami para makapagpaalam." Nagulat ako ng may biglang nagsalita.
"Kay aga aga malungkot na yang mukha mo." - Alden
"Alden?" Grabe ang gwapo nya kung ganito ba naman ang makakasama at makikita ko tiyak araw araw akong maeexcite gumising. Feeling ko magiging maganda ang araw ko.
"Good Morning! O? Ba't parang nakakita ka ng multo?" - Alden
"A....e.... akala ko kasi umuwi ka na."
"Ako? Uuwi agad? E hindi mo pa nga nasisilayan tong gwapo kong mukha. Sigurado akong magiging maganda ang araw mo, ako ba naman ang unang lalaking nakita mo." Mind reader ba tong si Alden?
"Teka, babagyo ba? Ang hangin e." Sumimangot naman sya. "Joke lang! Ano yan?" May hawak hawak kasi syang mangkok. "Nagluto ka?" Tumango na lang sya habang nakangiti. Inilapag nya muna ang dala dala nya sa mesa. Nilapitan ko sya. "Bakit? Nakakahiya na to Alden, sinamahan at binantayan mo na nga kami, ngayon naman ay pinagluto."
"Okay lang, Maine. Matagal na rin naman kitang gustong ipagluto at masaya ako dahil natupad na yun." Grabe na talaga to, umiinit ata ang mukha ko. Bigla akong tumalikod, ayokong makita ni Alden na kinikilig ako sa mga pinaggagagawa at pinagsasasabi nya.
"Maine, ayos ka lang?" - Alden
"OO naman."
"Ba't ka tumalikod? Humarap ka nga." Tinakpan ko muna ang aking mukha bago humarap kay Alden. "Bakit tinatakpan mo ang mukha mo?" - Alden
"Ano kasi, hindi pa pala ako nakapaghilamos baka may muta o panis na laway pa ako. Sige, banyo na muna ako." Dali dali akong pumasok ng banyo. "Ano ba naman Alden kung araw araw kang ganyan baka hindi na ako makapagpigil na sagutin ka agad agad."
"Maine, ayos ka lang ba dyan." - Alden
"Alden, maayos ako. Huwag masyadong OA."
"Okay. Maine alis na muna ako talagang hinintay lang kita para makapagpaalam ako." Narinig ko ang mga yapak ni Alden na papalayo na sa kinaroroonan ko kaya naman mabilis akong lumabas ng banyo at pinigilan si Alden.
"Maine?" Nakahawak pa rin ang kamay ko sa braso nya kaya naman dali dali ko itong tinanggal.
"Hindi mo ba kami sasamahang mag-almusal? Dito ka na lang kumain, marami naman ang niluto mo at saka baka gutom ka na." Napangiti naman sya sa sinabi ko at lalong lumalim ang dimple nya. "Ba't namumula yang tenga mo?" Sobrang pula talaga ng tenga nya. "Hala! Baka nakagat yan ng kung ano mang insekto." Tinitigan kong mabuti ang kanyang tenga pero wala naman akong nakitang kakaiba.
"Maine, okay lang ang tenga ko. Ikaw kasi pinakikilig mo ako kaya namumula yan." Ako naman ang napangiti sa sinabi nya.
Barbie's POV
"Nak, gising na." - Mamay
"May, maaga pa."
"Sabihin mo yan sa naghihintay sayo sa baba." - Mamay
"Mamay, paki sabi na lang kay Bessy na mauna na muna sya."
BINABASA MO ANG
He's The Boss?
FanfictionAlMaine with VanBie and KenTaki ❤❤❤ Anong gagawin mo kung ang pagkakakilala mo sa taong mahal mo ay puro kasinungalingan lamang? Paano kung sasabihin nyang "MAHAL KITA". Maniniwala ka ba o Magdududa ka na?