Chapter 8
Ivan's POV
Andito na ako sa Cafe at andito na rin lahat ng aming staff. Inaabangan ko na lang ang pagdating di Alden. Halos araw araw ay narito sya syempre magkaibigan na raw sila ni Maine. Lakas talaga ng tama nang isang yun kay Maine. Mabuti pa ako, tamang tama lang. Teka nga lang, ba't parang late ata ang pagdating nya ngayon. Minsan nga nauuna pang pumunta yun dito kaysa sa akin, ano kayang nangyari.
Biglang tumunog ang telepono ko. Nakita kong si Alden ang tumatawag.
*Phone Conversation*
"Bro! Asan ka na? Kanina pa kita hinihintay."
Hindi sya nagsalita, panay pag-ubo nya lang ang napapakinggan ko.
"Bro, are you sick?"
"Bro, (ubo) masama pakiram (ubo)dam (ubo) ko. Hindi ako makaka (ubo) punta dyan. (ubo.....) Pwede bang dalhan mo ako (ubo) ng makakain dito (ubo....), wala kasi akong naitabing (ubo) pagkain dito sa (ubo) condo. Hindi na (ubo) rin ako makapagluto." - Alden
"Hindi ako makakaalis ngayon sa Cafe, may uutusan na lang akong magdala ng makakain mo dyan."
"Sige, Bro (ubo....). Salamat." - Alden
*End of Phone Conversation*
Tinablan din ng sakit ang pinakamamahal kong kaibigan. Puro trabaho na lang kasi ang inaatupag. Medyo nabawasbawasan na nga simula ng makilala nya si Maine. Speaking of Maine, sya na lang uutusan kong magdala ng pagkain kay Alden. I'm sure he'll be happy at baka nga mapabilis pa ang paggaling. Ang talino ko talaga!
Maine's POV
Narito ako ngayon sa kusina't tinatapos ang inutos ni Chef Pat. Si Bessy, abalang abala rin sa kanyang ginagawa. Nasilayan ko rin si Chef Pat na papalapit uli sa akin. Siguradong may panibagong utos na naman sya sa akin.
"Medoza" yan ang tawag nya sa akin. Ang pormal nya ano?
"Ano pong ipag-uutos nyo, Chef Pat?"
"Hindi ako ang may iuutos." - Chef Pat
"Sino po?"
"Si Sir Ivan, pinapatatawag ka." - Chef Pat
"Bakit daw po?"
"Hindi ko alam. Pwede bang pumunta ka na lang dun at tigilan mo na ang kakatanong." - Chef Pat
"Sige po." Tinalikuran ko na si Chef Pat at nilapitan si Bessy.
"Bessy, puntahan ko muna sandali si Sir Ivan."
"Ba't kaya pinatawag ka niya? Bessy, baka ikaw ang gusto nya, siguro aamin na sya sayo. Bessy, wag na wag mo syang sasagutin." - Barbie
"Sira, ano bang pinagsasasabi mo dyan. Ikaw ang gusto nun."
"Mendoza, ano pang hinihintay mo. Tigilan nyo na yan, alis na!" - Chef Pat
"Bye, Bessy!"
At napatakbo akong lumabas ng kusina, baka lalong mahigh blood si Chef Pat.
Kumatok muna ako at tinawag si Sir Ivan.
"Pasok, Ms. Mendoza."
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok.
"Good morning po, Sir Ivan."
BINABASA MO ANG
He's The Boss?
Fiksi PenggemarAlMaine with VanBie and KenTaki ❤❤❤ Anong gagawin mo kung ang pagkakakilala mo sa taong mahal mo ay puro kasinungalingan lamang? Paano kung sasabihin nyang "MAHAL KITA". Maniniwala ka ba o Magdududa ka na?